=CHAPTER 14=-

Joshua

Tinitigan ko si Trixie na nakaupo pa rin dun sa harap ng dining table... Ang tahimik ah! Malamang naalala nyang dun sa crack sa wall ko nilalagay ung spare key... Kaya ehto, nakapasok...

Biglang tumayo si Trixie, tapos humarap sa'kin...

Teka...hinga lang muna ako...

Trixie: Bakit, Josh?

Huh?

Trixie: Why did you break your word? Sabi mo you'll wait for me... Kahit gano katagal...
Ako: Trix, I did... Naghintay ako.. I still am!
Trixie: Then bakit may kasama ka na kagad na iba dito?!?
Ako: Si Janessa?! Trix, I swear, we were forced to live together! Kahit tanungin mo pa sya.. And about dun sa letter... Di ako nagsulat nun...
Trixie: Then who did?!?
Ako: How about your family?!

Natahimik syang bigla...

Trixie: No... My dad finally gave me his permission to go back... They wouldn't write such a thing...
Ako: Don't you see?! It's a perfect crime!

Nakz, perfect crime! wahaha...

Ako: Papaisipin nilang ok na sila sa'tin, tapos lalabas un, eh di ang labas, inosente sila...

Tiningnan ako ni Trixie... Una, langya! Ang lamig ng tingin! Kung X-Men toh, malamang, may lumalabas nang ice cubes sa mata nya! Tapos biglang natunaw ung ice... Halos paiyak na ung mata nya...

Trixie: I don't know what to think anymore...

Na-frozen ako... Langya! Umiyak ba naman sa harap ko!?? Eh na-papanic nga ako pag may umiiyak!

Eh di syempre, ginawa ko kung anong normal na gagawin ng mga tao sa TV.. (Nahawa na kay Nessy panonood ng telanobela)... Nilapitan ko si Trixie, tapos niyakap ko...

Ako: Wag kang mag-alala, Trix... I'll be here... I'll be here for you... Lagi na yan...

Squuueeakkk...

Napaikot kaming dalawa sa likod ko, kung nasan ung pinto... Nanlaki bigla ung mata ko nang makita ko si Janessa na nakaluhod sa sahig... Dahan-dahan kong binitawan si Trixie...

Janessa: (biglang tumayo) I... I'm sorry... I...

Tumingin sya sa'kin tapos kay Trixie, tapos sa'kin uhlet... Nangilabot ako sa tingin nya... Di naman ung nakakatakot na galet... Walang expression eh... Un ung nakakatakot... Di ko alam kung anong iniisip nya...

Bigla syang umikot para tumakbo paalis... Eh ako naman, by reflex, eh di hinabol ko!

Ako: Nessy! Sandali!

Ang bilis tumakbo ng meatballs sa hagdan! Buti di sya nahulog...

Ako: (habol pa rin sa kanya) Nessy!

Pumasok si Janessa sa kotse nya... Ako naman, sige, mag-superman na at humabol bago masarado ung pinto... Nahuli ko naman... Buti na lang bukas ung bintana...

Ako: Nessy... Ano ba?
Janessa: (inistart ung kotse) Go away, Joshua...
Ako: Wait, bakit ba nagagalit ka?

Biglang syang tumingin sa'kin... Ahyan nanaman tayo dyan eh... Expressionless nanaman... Kakilabot!

Janessa: Oh, anoh?...

Napa-stepback ako! Nabitawan ko ung pinto, kaya sinarado nya na tapos, nagdrive na sya paalis... Ako naman, hanggang titig na lang... San kaya sya pupunta?

"Josh..."

Napaikot ako... Nandun si Trixie, nakatayo, hawak ung gitara ko...

Ako: Trix.. I'm sorry... (nilabas ko ung cp ko) I just have to make sure na okay si Nessy...
Trixie: Why?!?

Napatingin akong bigla... Ahyan ang halata ang emotions... Ung handa nang makapatay sa galit...

Trixie: Does that girl mean more to you than I am?

Natigilan akong bigla... Sa mga tanong na ganito, anoh bang dapat na isagot?

Ako: Trix...
Trixie: I knew it... There IS something between the two of you...

Umikot na rin sya papunta dun sa other direction...

Oist! Teka! Ba't dala mo ung gitara ko?!?

Trixie: (tinaas ung gitara) I guess you won't be needing this anymore...
Ako: Teka, ano? Trix!

Bago pa ko makakilos, hinampas nya ung gitara dun sa may gilid ng building... And syempre, ahyun, nagkawatak-watak ung gitara...

Ako: (na-shock) A-anong ginawa mo?
Trixie: (tumingin ng masama sa'kin) If I can't be your music anymore, then you don't need this at all!

Tapos nun, tumakbo na sya paalis... As usual, like the old times, eh galit nanaman sa'kin... Tiningnan ko sandali ung wasak ko nang gitara... Haaaayyyy...Di ko na maliligtas yan, i-CPR ko man yan... Nilabas ko uhlet ung cp ko...

Teka, tinuruan ako ni Nessy mag-speed dial eh...

Press two nang matagal para sa number nya...

Ahyun, nag-ring! Wahahahaha... Galing kong mag-speed dial! haha..

Wait lang...

Ring! Ring! Ring! Ring! Ring!

C'mon, Nessy... Answer the phone...
Janessa

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy yyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...

Haba ng "haaaayy" noh? hehe... Pagkatapos ng aking panicked walk-out -- drive-out? -- kina Joshua, eh sa park ako bumagsak...Nagmukmok sa isa sa mga bench dun... Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyy talaga... Ehwan ko ba kung bakit ako nag-react ng ganon... Ang ganda-ganda ko pa naman... nyahahaha...

Kaseh naman... nung nakita ko silang magkayakap... May mahigpit na tumali sa aking puso at ako'y nakulangan ng hininga! naka naman... kakilabot ang tagalog! haha..

Pero... Nung sinabi ni Joshua un... He'll be there for Trixie daw lage... Di ba sinabi nya rin sa'kin un? Can someone really be there that way for two people at the same time?

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy yyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...

Teka nga...Bakit ba ko nag-rreact ng ganito eh di naman kame?

I mean, sure, medyo naging close kami ni horsey... Bakit hinde, eh nasa iisang apartment kame?
And besides, sweet sya -- kahit once in a blue moon... Tsaka may sense of humor... Pasaway ng konti...hehe...Lage na lang akong kinukulit, sarap sipain... And...

And...he said....

Sabi nya he'll always be there for me... He'll protect me...

Gusto ko... Gusto kong i-keep nya ung promise nya... I don't want him to slip away from me...
Ayoko syang mawala...

Napahawak akong bigla sa pisngi ko.. May tumulong basa eh... Umuulan ba? Tingin naman ako sa taas... Gaga noh? hehe...

Umiiyak na pala ako... dahil kay horsey?


Now I know.... Gosh, ngayon ko lang na-realize... Ha, di ko man lang namalayan...
I'm falling in love with Joshua na pala...

Pero di pwede! He loves Trixie -- kahit pa-showbiz pa ung dalawang un... So, anong lugar ko? Ang dakilang extra -- bow...

Bubwit... Ma-inlove ba naman sa horsey ng knight in shining armor ko! Kaseh naman yang knight na yan, kung san-san iniiwan ung kabayo nya!

Sige, next time ko na lang aawayin ung knight in shining armor ko...

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy yyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...

"Nessy?"

Napatingin ako sa tabi ko... Hala ka! May mumu na nakatayo!

"Anong ginagawa mo dito?"

Tiningnan ko ng mabuti, pahid luha, nakaka-blur ng vision eh...

Ako: Ah... Warren...?
Warren: Umiiyak ka ba?
Ako: Ha? Hinde! Nako, napuwing lang ako!

Nyekz... may kalawang na yang excuse na yan, suz ko poh!

Warren: Pinaiyak ka nanaman nung butiki na un noh! Nasan un?! (tingin sa paligid)
Ako: Ah, eh... Hinde noh...

Langya, sa lamig na toh, pinagpapawisan pa ko...

Warren: Okay, hatid na lang kita snyo para mabatukan ko ung butiki sa pagpapaiyak syo

Eh bahket ba pinagpipilitan mong pinaiyak ako ni horsey?

..kahit totoo naman...hehe...

Ako: Nah, I brought my car.
Warren: Okay.. I'll just ride with you... Nag-jeep lang ako, ban ung kotse ko eh...

Talaga lang?

Ako: I don't want to go home yet...
Warren: Eh? Lokong un, si butiki talaga nagpaiyak syo noh! (biglang tumingin sa'kin) San mo gustong pumunta?
Ako: I think, I'll go na lang muna sa dati naming apartment... I'm sure, makakausap ko ung may-ari at least to make me stay for one night... Close kame eh...
Warren: O-okay... Samahan na kita...
Ako: okay.

Tumayo ako tapos pinakita kay Warren kung nasan ung kotse ko...

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy yyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...
I should just stop being a burden to Joshua and Trixie...

Maganda pa naman ako...

I should move out na sa apartment ni Joshie...
Joshua

Nasan na kaya si Janessa?

Ilang oras ko na ring tinatawagan ung cp nya... Langya, gusto ko na ngang ibato sa sobrang inis eh! Since di rin naman ako mapakali sa apartment, eh lumabas na ko... Dala nya naman ung kotse, sa laki ba naman nun, imposible namang di ko makita un di ba?

Pagkatapos ng pang-labing-limang pagpaparing ko, eh tinigilan ko na... Kung ayaw sagutin, eh di wag... Bwiset! Nasan na kaya sya? Gabi na...

Bigla akong napatingin sa likod ko... Sobrang absent-minded ko, di ko napansin na may sumusunod na pala sa'kin... Langya...

Ako: (tago nung cp ko) Oh ano nanaman at nakasunod nanaman kayo sa'kin?

Isa-isa silang naglabasan... Isa...dalawa...tatlo... Ay, sige, tago na lang uhlet kayo, dame nyo pala...

Hinanap ko kagad kung may napuruhan na ba ko sa mga toh... Ay, wala.... Haaaaaaaayyyy, mu~g mapapaaway nanaman ako nito...

"I don't like it pag nakikipag-away ka..."

Bakit naman biglang pumasok sa isip ko un? Boses ni Janessa...

Nakita kong pinapalibutan na ko nung mga kumag... Mga syam o walo siguro sila, laban sa nag-iisang ako... Suz! Yakang-yaka ko toh!

Biglang pumasok sa isip ko ung mukha ni Janessa... Shake ng head... Parang namang mamatay na ko ah!

Kumag 1: Lakas din ng loob mo ah... Susugurin mo kame, eh nag-iisa ka lang...
Ako: Eh sunod kayo ng sunod eh!

Tingnan mo nga naman... di lang pala ung Warren na un ang aso sa mundo...

Kumag 1: Anoh, handa ka na?

Tanungin ba ko?

"I worry about you pag nakikipag-away ka..."

Ano ba?! Awat na sa pag-isip dyan!

Tumingin uhlet ako sa paligid ko... Sino ba tohng mga toh at inaabangan ako lage?
Who cares? Kung gusto nila ng away, bakit ko pipigilan?

"I'm scared na baka di ka magising, or ma-ospital ka... I worry about you..."

Parang may tumama yata sa ulo ko nung naalala ko un... Umayos ako ng tayo, tapos tumingin dun sa kumag na mu~g leader ng mga kumag...

Ako: Wala ako sa mood makipag-riot ngayon... (umikot na ko para umalis) Next time na lang.
Kumag 1: Ano?!? Ano ka ba?! Duwag?!

Tumigil ako sabay tingin ng masama sa kanya...

Ako: Wag mo kong guluhin ngayon... Nauubos na energy ko sa problema ko, wala akong balak magsayang pa syo ng aura ko.

Napa-stepback sya... Lakas ng kamandag ko noh? Nung napansin kong di na sya gagalaw, eh nginitian ko...

Ako: Sige, see you na lang isa sa mga araw na toh!

Tapos nun, umikot na ko para iwanan sila... Uuwi na lang ako... Baka umuwi rin si Janessa, eh di bawas pagod pa... Di naman ako sinundan nung mga kumag... Suz...

Pagdating ko sa apartment, sinilip ko ung usual parking space ni Janessa.. La pa rin ung kotse nya... Haaaaaaaayyyyy... mu~g di pa rin sya umuuwi...

Pumasok na ko sa apartment... Ang tahimik! Parang...ehwan... may kulang since ako na lang mag-isa nandito... Haaaaaaaaaaayyyy...

Pumasok ako sa kwarto ko, sabay kuha ng bagong damit... Maliligo na nga lang ako... Baka mamaya, pagkatapos ko, matawagan ko na si Nessy... sagutin nya na...
Janessa

Tumingin ako sa orasan... halos 11 PM na... Ilang oras na rin akong wala sa bahay... Tumingin ako sa tabi ko... Si Warren... Nasa living room kami ni Patrick, ung anak nung may-ari ng apartment namin dati ni Kristine... MU sila ni Kristine, kaya ehto, feeling close si ako.. hehe...

Ako: Haayy...

Napatingin silang dalawa sa'kin...

Patrick: Gabi na, Nes.. Di ka pa ba uuwi?
Warren: Di ka ba nakikinig? Inaway nga sya nung butiki dun! Grrr! Pupuruhan ko na talaga un eh!
Ako: (ngiti ng konti kay Warren) Okay lang ko noh... Naiilang lang akong umuwi...
Patrick: Ganito na lang kaya... Wala namang tao dun sa apartment nyo dati ni Tin... Kung gusto mo, dun ka muna... Tapos kausapin mo na lang si dad pag gusto mong bumalik. Sure ako papayag si daddy... (*wink* sa'kin) Ginayuma mo un eh...
Ako: Talaga?! Okay lang na dun muna ako?

Waahahaha...Iba na talaga pag malakas hatak mo sa taas!!!

Patrick: Sure... Tsaka, baka ipa-ambush pa ko ni Kristine pag nalaman nyang pinabayaan kitang matulog kung saan...

Tingin sya kay Warren.

Warren: H-hoy! Di ako ganon noh!

Natawa ako, tapos tumayo na...

Ako: okay...(tumingin ako kay Warren) I think you should go home na... Gabi na eh... I'll be fine na poh...
Warren: H-huh... Ah... Yah...

Namula ang loko... Tumayo na rin sya, tapos nagpaalam na sa'min... Manghuhuli pa raw sya ng tricycle tsaka jeep... Pagkaalis nya, tumingin naman ako kay Patrick.

Ako: Uuwi muna ako... Kukunin ko mga gamit ko... Knowing Joshua, baka nandun un sa bahay ng mga katropa nya or kina Trixie...

Oooh, arouch kowh...

Patrick: (tumayo) Sure ka?
Ako: Yup, I'll be back soon... Tetext kita pag papunta na ko... Wag mo kong tulugan ha!

Hinatid ako ni Patrick sa kotse ko... Nakz, dagdag pogi points kay Kristine toh...haha... boto na si akowh! Nag-drive ako pabalik sa apartment... Tumatawag sa lahat ng santo, santa, santetista, at kung anu-ano pang may san, na sana eh wala si Joshie...

Nagpark ako dun sa may kanto, tapos kinapa ko sa upuan ung bag ko... Ang una kong nakapa ung cp ko..

Hala! 18 Missed Calls?!?

Puro si Joshie pa... Di rin sya matyaga noh? hehe... Iniwan ko pa naman tohng bag ko sa kotse... Sunod kong kinapa ung susi ng apartment.. Gotcha! Lumabas na ko ng kotse tapos umakyat ng hagdan...

Take a deep breath -- *cough*cough* -- Langya, di naman sobrang deep!

Sige na nga... Binuksan ko dahan-dahan ung pinto nung apartment namen... Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa... The coast is clear! Sugod! Mu~g wala nga si horsey ah...
Pumasok ako sa kwarto ko... Binuksan ung cabinet, at sige, labas ng maleta... Ikot again and kuha ng damit from the cabinet, balik sa maleta... Kahilo tohng pabalik-balik, prhumiz! Kuha damit, balik sa maleta, kuha damit, balik sa maleta --

"Nessy..."

Hopia!

Na-freeze ang aking body...nagtayuan ang mga buhok ko sa braso... Hala! Bahket nandito toh?!?
Dahan-dahan akong umikot... Nandun nga si Joshie, nakatayo sa pinto... Nakatingin dun sa maleta sa kama ko...

Ako: Uh, hi... N-nandito ka pala... Natutulog ka na ba? Sorry kung nagising kita ha... Don't worry, I'll be real quiet from now on.. Go back to sleep...
Joshua: San ka pupunta?

Sa dami poh ng sinabi ko, ang layo ng sagot nya...

Ako: Lilipat na ko ng apartment... Ung apartment namin dati ni Tin, it's still vacant kaya dun na lang ako... Para di na ko makagulo snyo ni Trixie...

Hala, ang peke ng ngiti mo Janessa...

Eh pakielam mo ba? At least maganda pa rin...wahehe...

Joshua: Bakit ka lilipat?
Ako: Nakikinig ka ba? (umikot na uhlet ako para i-resume ang aking pag-iimpake) Nanggugulo lang ako dito, kaya I'll just leave... I don't have a place here...

Bigla kong naramdaman na may humawak sa kamay ko... Oh di va? Parang slow motion... Ang bilis maglakad ng horsey at napigilan na kagad ako... Napatingin akong bigla sa kanya...

Joshua: Don't...
Ako: J-joshie...
Joshua: I need you... Don't you understand that?

Whoshie! A-ano raw?!

Napatawa ako ng konti... Pasensya na! Eh natatawa ako pag ninenerbyos eh!
Binawi ko ung kamay ko, tapos balik sa cabinet... Pero di naman ako makakuha ng mga damit, kaseh hala, daig pa ang may epilepsy sa sobrang nginig ng kamay ko eh!

Ako: Of course you do... Kahit ung apartment kailangan ako eh... The kitchen needs me to cook meals... Ung washing machine needs me to wash dirty clothes... The bathroom needs me to scrub it hard... Ung living room needs me to keep it clean...

Lumapit nanaman sa'kin si Joshua... Kala ko kokontra eh... Bigla nanamang kinuha ung braso ko, sabay hila para yakapin ako!

Ako: Josh...
Joshua: Everything needs you... (humigpit ung yakap nya) But don't forget about me... Because without you, I'll lose my way...

Ahyan na, nahulog na ang toktokitok ng heart ko... Nako poh!!! Kalaglag puso naman talaga!

Joshua: Please, Nessy...stay...wag kang umalis...

Eh kumag ka pala eh... Pagkatapos mo ba naman akong yakapin ng ganito, kala mo ba aalis pa ko?!?!

Napangiti ako habang nagrelax sa yakap nya...

Ako: okay... I'll stay for you...

Magkaron man ng war between Trixie and me... or kumontra man ang buong world... I'll stay... as long as you want me to...

Oh di ba? Haba ng hair ko...

 

1 comments:

Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures