-=CHAPTER 12=-
Joshua

Nanaginip yata ako... Nakatulog siguro ako sa sofa habang nanonood kame ni Janessa ng TV... ARGH!!! Baka make-up-an ako nung meatballs na un habang natutulog ako!!! Pero at least... panaginip lang toh... di ba?

Tumingin si Trixie sa likod nya, diretso kay Janessa...

Trixie: So, nakahanap ka na pala kagad ha...

Tumingin uhlet sya sa'kin... Whoa! May lumalabas na yatang kutsilyo sa mga mata nya! Brrrrr!
Okay...so hinde toh nightmare na gigisingan ko mamaya...

Napangiti si Janessa na parang ninenerbyos... Tapos, lumakad sya papunta dun sa coffee table sa likod ko at kinuha ung cp nya...

Janessa: (patakbo sa kwarto nya) Sige, iiwan ko na kayo... Usap lang kayo... Magpapatugtog ako sa kwarto, kaya di ko kayo maririnig...

Pagkaalis ni Janessa, tumingin uhlet ako kay Trixie.. Ehto na ung panahon na magsasalita ako...

...magsasalita ako...

...magsasalita ako...


Huy! Magsalita ka na! Anything smart... Dali!

Ako: ...

Say anything! Kahit di na smart... bastah kahit ano!

Kakilabot ung titig nya, tapos samahan mo pa ng sobrang tahimik na kwarto...eh talaga naman! ung parang sa mga horror movies na nangyayari bago ka mapatay...

Trixie: How could you betray me like this?!?

Ako: What -- what are you talking about? Anong betray?
Trixie: Sabi mo hihintayin mo ko! (tumuro sa kwarto ni Janessa) Seems like you were planning na may kasama sa paghihintay!
Ako: What?!? Si Nessy?! Hell, no! Roommates lang kame! na may napakahabang storya... I did wait for you! I still am! Kahit nung sinabi mong may iba ka na...
Trixie: Wag ka na ngang gumawa ng excuses... You wrote to me, sabi mo nakahanap ka na ng iba! I didn't believe it at first coz...(napatingin sa sahig) Sinabi mo na maghihintay ka... I believed that... (sigaw) And then, pag-uwi ko, ahyan nga! My father was right!
Ako: Ano bang sinasabi mo?!? Sinulatan kita for six months, pero wala akong sinusulat na ganon!
Trixie: Don't lie to me!

Napatingin sya dun sa couch sa tabi ko kung san nakalagay ung gitara...

Trixie: Ha... Seems like you still have your music... And to think.. (tumingin sakin) Sabi mo, pag nawala ako, mawawala na rin yang music mo...
Ako: I...

Umikot na sya para umalis...

Trixie: You really are a liar...

Lumabas sya, sabay BOOG!, bagsak ng pinto... Di ko naman nahabol... Baka kagatin na ko eh...
Dahang-dahan bumukas ung pinto ni Janessa...

Janessa: Horsey...
Ako: Heh, kala ko ba di ka nakikinig?
Janessa: Ok ka lang?! Eh nasa genes ko na pagiging tsismosa... (lumapit sa'kn) Bakit di mo hinabol?
Ako: Para san pa? Sa sobrang galit nya, di rin un makikinig sa'kin...
Janessa: Why did you write that letter?
Ako: Di ko nga sinulat un!
Janessa: (umupo sa couch) Hmmmm... Maybe, ung family nya nag-plot nito...
Ako: Sa tingin mo?
Janessa: Well yah... Ahyun lage nangyayari sa mga telanobela eh!
Ako: *groan*
Janessa: Hoy, may natututunan din dun noh! Wag ka nang kumontra!
Eh di nanahimik ako... Pinaghihiwalay nga ba talaga kame ng pamilya nya? Sila nga kaya gumawa nun?
Bakit di naisip ni Trixie un? Kaseh di sya nanonood ng telanobela...

Janessa: Yo, horsey...

Tumingin ako kay Janessa...

Janessa: Anong iniisip mo?
Ako: Wala...
Janessa: ahhhh...okay...

Tahimik sya sandali, tapos tingin uhlet sa'kin...

Janessa: Ei, horsey...
Ako: Ano?
Janessa: Kung wala ka nang iniisip na heavy, pwede na ba kitang bigyan ng pag-iisipan?
Ako: huh?
Janessa: Kaseh kanina ko pa iniisip...

Nakinig ako sa kanya... Mu~g seryoso toh ah...

Janessa: Anong midnight snack natin?

Haaaaayyyyy....
Janessa

Kinabukasan, umagang-umaga, mga 8:30, tumayo ako ng kama, tumingin sa cellphone ko, sabay collapse uhlet sa kama -- tulog uhlet! aga pa eh! joke! hinde, nung makita ko ung oras, tumayo na ko... Nagshower, syempre, toothbrush, suklay...ung mga seremonyas sa umaga... Tapos pumunta na ng kusina para magluto ng almusal... Baka ma-spaced out nanaman si Joshua nang buong araw pag di nakakain ng almusal eh...

Sumilip ako sa labas ng pinto, nandun na ang aming daily newspaper... Kinuha ko na rin, buklat -- entertainment page kagad! nyaha!

Ava'y teka...

Nakita ko ung advertisement ng Star City... Ang tagal-tagal ko na ring di nakakapunta sa ferris wheel!
Weeeeehhhh!!!

Takbo ako sa kwarto ni Joshua, dahan-dahan sumilip sa loob... Tulog pa si horsey... Lumapit ako sa kama nya, sabay luhod sa tabi nung mukha nya... Ang cute-cute nyang matulog... Parang di makabasag pinggan...

Pero pag gising naman, basag na lahat ng plato!

Nilapit ko ung mukha ko sa mukha nya...

Ahem...

Ako: HoRSEEEEYYYYYYYY!!!!!!!!!!

Biglang napatayo si Joshua... As in talon talaga! wahahahaha... Pati nga ako nagulat eh... Tapos ung mukha nya, parang na-panic na nalilito na ehwan...hahahahaha...

Syempre, ako naman, tawa...

Joshua: Bwiset... (umupo sa kama) Aga-aga, nambubulabog ka...*yawn*
Ako: (ngiti) Good morning...
Joshua: Good morning ka dyan... Ano bang ginagawa mo dito?!

Tinapat ko sa mata nya ung advertisement ng Star City...

Ako: Look mo oh, may discount ang Star City ngayon... Halika!
Joshua: *yawn* Ano ba? Ang aga-aga pa eh...
Ako: Eh, sige na... Para naman mawala na yang paawa affect sa mukha mo...
Joshua: Anoh?!
Ako: Masyado kang nag-ssulk after Trixie eh... Kaya, i-ttreat kita sa Star City, para di ka na mu~g horsey na natalo sa race, okay?
Joshua: Anong natalo sa race?!?! Di ako pangkarera noh!

Hehe...Parang inaamin nya nang horsey sya...
Napa-blink si Joshua, as if na-realize nya ung sinabi nya... hahaha...

Joshua: Ang ibig kong sabihin, di ako nagmumukmok noh!
Ako: Sure...

Tumayo na ko, sabay bato sa kanya nung bath towel na nakasampay sa likod ng pinto

Ako: Maligo ka na... Dahil kung di ka sasama, iiwanan kita...
Joshua: Eh ngayon? *yawn*

Binuksan ko na ung pinto para lumabas...

Ako: Kaw rin, la kang MATH...
Joshua: Ano? Huh
Ako: (ngiti sa kanya) Wala kang MATH... Merienda, Agahan, Tanghalian, at Hapunan!

Lumabas na ko para dumiretso sa kusina... Narinig ko pa si Joshua na sumigaw...

Joshua: Akala mo ba may pakielam ako dun!??!? Binagsak ko Math simula nung Calculus noh!
Joshua

"Relax.. We're gonna have fun today, ok? "

Tumingin ako kay Janessa na nakasabit sa braso ko, hinahaltak ako pabilis sa entrance ng Star City... Yeah, yeah... Nahila rin ako nitong meatball head na toh dito... Haaaaayyy... Kung di ko lang naisip na walang matinong pagkain ng buong araw... sheesshh...

Janessa: (turo sa ticket line) Whoa! Ang daming people!
Ako: Anong inaasahan mo? Eh holiday ngayon...
Janessa: Grouchy horsey...

Hinayaan ko syang hilahin ako sa pila... All the way, daldal sya kung anu-ano ung sasakyan namin... Haaaayyyy... Daig pa ang bata eh...

Janessa: Syempre, save the best for last, ang last na sasakyan natin, ung ferris wheel!

Wha-?! Ano!??!

Ako: A-ano?!? Ferris wheel?!?
Janessa: Yup! Ung malaking umiikot--
Ako: Alam ko kung ano ung ferris wheel, sira!
Janessa: Great! Sasakay tayo dun! Dami natin makikita!

Di naman por que sinabi nyang sasakay kame, eh ibig sabihin eh mapapasakay nya ko di ba?

Pagkatapos ma-stamp nung mga ticket namin, hinila nya na ko kagad papunta sa kung saan-saan... Booth dun, ride dito, kain dun, pasok dito...

Sinong mag-aakala na ma-eenjoy ko ng sobra toh?

 

1 comments:

  1. yan ang bebot mi sense of happenings......

    ReplyDelete

Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures