-=CHAPTER 29=-

Janessa

Pagkatapos kong mahilo magpaikot-ikot sa EDSA, eh nagsawa na rin ako kaya nag-drive ako papunta sa gotohan ni Aling Nena, ilang kalye lang ang layo sa apartment namen... Avah, sa mahal ng gasolina ngayon, bawal magpakalayo..

La lang, tumigil lang ako sa harap nung gotohan... Di na ko pumasok... Daming istambay, istambay sa labasan! Kaya un... Dun na lang akowh nag-emotingnezz...

Haaaaaayyyyyy...

Tumingin ako sa salamin.. My golay! Mahangin ba sa labas?!? As in ang guulooo ng hari ko! Sang lupalop ba ko ng EDSA dumaan!?

Kinuha ko ung bag ko, tapos hinalungkat ung loob para sa suklay... Nang di ko makapa ung bubwit na suklay, eh tinambak ko na sa passenger's seat ung mga laman... Avah, ayaw magpakita eh!

Nung la na laman, sige, taktak-taktak pa! Ajinomoto!

Uh wait...

Tinaktak ko uhlet ung bag... Tapos sumilip sa loob...

Ako: (bulong sa sarili) Anoh un?

Tinaktak ko uhlet ung bag ko... Hala... May mumu sa purse ko! Wala nang laman eh may kung anong nag-rrattle pa win!

Sumilip uhlet ako dun sa loob nung purse, then dun ko lang naalala na may secret pocket nga pala itich...
Di ko maalala mga saktong laman nito kaseh pinadala ko lang kay Joshie toh nung 2nd day na gising na ko sa ospital...
Hinalukay ko uhlet at bukas nung zipper nung secret pocket... Tapos nung nakapa ko ung nasa loob, hinila ko palabas...

Ohhhhh...

Sa loob nung secret pocket, ung necklace na gift ni horsey nung Pasko...

Loko talaga ung kabayong un... Ilagay ba naman dito ung ganito kamahal na jewelry?!?!? Eh pano kung manakaw ung purse ko!? Eh di sandamakmak na libo na kagad inasenso nung magnanakaw na un?!?

Hinawakan ko ung locket... Intact pa rin ung mga diamonds, and op cors, shining shimmering splendid pa rin ung sapphire na nasa center... Oooh pretty-pretty talaga...

Binuksan ko ung locket, and bumulaga ang kabayo! nyahahahaha... Nah, sa picture kaseh ni horsey ako napatingin kagad nung binuksan ko... Gwapo ni horsey... kahit kabayo...wakekeke... sense?

Haaaaaaaaaaaaaayyyyy...

Dapat siguro eh mag-turn around ako and kausapin man lang si horsey noh? Bad ko naman pag vastah akowh nag-walk out di va?...

Tinapat ko ung rearview mirror sa'kin tapos pinilit suotin ung necklace... Langya, pahirapan talagang mag-suot oh! After 5735757 years, ahyan na, na-suot ko rin! haha... Happy! I'm feeling so happy!

Ay wait... May pupuntahan pa pala akowh...
Binuksan ko ung makina nung car and then nag-move na papunta sa apartment... Kung wala pa sya dun, eh di maghintay di ba? Kung nandun naman... eh di mas maganda---ako...wahaha... ang ganda ganda ko! charing!
Joshua

Pagbalik ko sa apartment, walang tao.. Kahit ung sinabihan kong wag aalis at magtaong-bahay dun sa apartment eh nawawala! *cough* Ralph *cough*

Tumingin ako sa paligid and nakita ung mga bag ni Janessa sa hallway... Oh well.. at least alam kong babalik ba sya... Kinuha ko ung mga bag tapos nilagay sa kwarto nya... Tapos tumingin ako sa paligid... As usual, simula nung ma-ospital si Nessy, tahimik ung kwarto... Parang may ghost... whoooooo...

Haaaayyy... Ehto nanaman ang epekto ng masyadong matagal na pag-iisa... Multo raw..

Lumabas na ko ng kwarto tapos dumiretso sa living room... Kinuha ko ung gitara na binigay ni Janessa sa'kin nung Pasko...

Haaaayyyy...

Sinimulan ko ung intro nung gitara habang nakatunganga dun sa space...
Okay... iniisip nyo siguro bakit di ko man lang hinahanap si Janessa noh? Hala, yoko nga! Sayang ung gas ko...

And besides... pano ko hanapin ko sya tapos bigla syang bumalik para kunin ung gamit nya? Eh di nagkasalisihan pa kame!

Kaya dito na lang ako... Uupo na lang at aawit.. Maghihintay ng pagkakataon..

Hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw syo...
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ng tugtog ng --

ding dong!
Sheesh, sino bah tong umiistorbo sa pagkanta ko?!

Kanta na un kahit sa isip lang noh!

ding dong! ding dong! ding dong! ding dong! ding dong!

Ako: (napatayo sabay sigaw) Oo na! Sandali lang!

*asdjhduir*... ayaw maghintay!

Napatakbo ako sa pinto tapos sisigawan na sana ung pasaway na nag-ddoorbell nang biglang...

KaVOOM!

Si Janessa pala ung pasaway -- este ung nagddoorbell lang pala...

Ako: Nessy...

Pumasok si Janessa tapos napatingin sa hawak kong gitara... Tapos dumiretso sya sa kusina, kumuha ng tubig, tinungga ung tubig...

Promise! Sa twing na-ttense sya, imbis na beer ang tunggain, ung tubig ang pinag-iinitan nya...

Maya-maya, tumingin na sya sa'kin... Tapos dahan-dahang naupo dun sa isang silya...

Ahyan ang ayoko eh! Sana pinagsisigawan nya na lang ako, eh di alam ko pang galit sya!

Ako: Janessa--
Janessa: Ok, horsey... You have five minutes...
Ako: Huh?
Janessa: Five minutes to explain...
Ako: Five minutes lang?!
Janessa: (tingin sa relo) Four minutes...
Ako: Anong four minutes?! Eh wala pa ngang 60 seconds?!??
Janessa: Th-rre-ee--
Ako: Okay! Okay!

Langya, tinuruan ba ng tama toh na ang one minute eh 60 seconds?

Naupo ako sa tabi nya tapos sinandal ung gitara dun sa wall...

Ako: Okay, four minutes...

Sinimulan ko sa pagdaan ni Trixie, hanggang sa order ng maraming gravy hanggang sa pagpunas... Pinaliwanag ko lahat un... Di ko naman alam kung anoh ba nakita nya, pero ehto na! Naglantad na ko! *ahem!* I mean, nag-confess na ko...

Pagkatapos kong magsalita, tumingin ako kay Janessa...

Ako: That's all...

Tinitigan akong pabalik ni Nessy... tapos medyo nag-lean forward...

Janessa: Really? Ganon ka-dami kang maglagay ng gravy?
Ako: G-gravy?

Anong gravy?!? Bakit gravy?!?

Ako: Anyway... so, we're cool?
Janessa: Sure!

Hala, astig din tohng babaeng toh ah.. Kanina lang eh pa-emote-emote, ngayon, bouncing meatballs nanaman sya...

Janessa: Umalis na si Trixie?
Ako: I think so...
Janessa: Sayang naman... Di ako nakapagpaalam...

Ikaw?!?

Tahimik kami sandali... Tapos hinawakan ko ung kamay nya...

Ako: (titig sa mata nya) Nessy...
Janessa: (titig pabalik sa'kin) Horsey...
Ako: Anoh ba?! Wag ka ngang tumingin ng ganyan?!?
Janessa: Na ano?

Ka-baliw ung tingin eh! Di ko alam kung tatawa ba ko o anoh! Lam nyo ung trying hard na mag-mu~g seryoso?

Ako: Janessa...
Janessa: Anoh ba?! Kanina mo pa ko tinatawag...

Ngumiti ako tapos bigla ko syang niyakap...

Ako: Don't scare me like that again ok? Ayoko... Ayoko nang mawala ka...
Janessa: J-joshie..
Ako: Kaya, Nessy... Pwede ba.. Just stay here... Stay with me... for as long as you want... Don't... Don't ever leave me again, ok?

Natahimik si Janessa sandali... Aalis pa ba sya? Bakit di sya nagsasalita? Sasama ba sya sa Chicago? Nasan nga pala mga magulang nito? I should ask her later...

Naramdaman kong niyakap din ako ni Janessa... tapos bumulong sya...

Janessa: Joshie... Don't worry... I'll never leave you...
Janessa

Tumingin ako sa expectant faces ng audience sa harap ko, then smile... At nung nakita ko si horsey na nakaupo dun sa bar at nanonood sa'kin kasama sina Paolo, Mark, si Ralph, Warren, si Arianne, Jodi, si Richie, at si Kristine... Yup, si insan Tin-Tin! Why? Pano napadpad si Kristine again dito?

It's becooozzzzzzzz... four years na ang nakalipas simula nung lahat ng drama na nangyari... Yah, op cors, sa loob nung apat na taon na un eh papalagpasin ko ba ang panunukso sa kabayo? hinde noh! Walang araw na lumipas na di ako nag-jumping alarm clock dyan -- hanggang mahulog sya sa kama! wahaha.. Nung minsan nga nauntog pa sya dun sa ilalim nung kama pagtayo nya... bwahahahahaha... oist, na-guilty ako nun noh! pumasok si horsey ng ilang araw na may bump ung head... wahahaha...

Anyyywaayyy, balik tayo sa aking gig tonight... Lam nyo na, ung gig na kasama sina Ken.. Yup four years na ko sa business! asensada ang loka! The only difference eh once a month na lang ako mag-vocalist, kaseh nakahanap na sila ng vocalist... Eh temporary lang naman ako di ba? Pero dahil malakas ang appeal ko (wahsush!) eh pinapakanta ako nung manager at least once a month... La lang, trip lang... okie lang, may pay naman! haha

So anyway, ehto na nga, on-stage ako tonight, and nandun silang lahat... Halos four hours na kong nagkakakanta dito! Langya, gutom na ko noh! hehe... pero kailangang professional...

Ako: (smile sa audience) Okay people, medyo pagod na ang lalamunan ko... Last song na toh okay?
Guy 1: (from the audience) Awww... ganon? Maghihintay nanaman kame ng isang buwan para makita ka uhlet?!
Joshua: (biglang sumigaw sa likod) Eh kung ikaw kaya pakantahin ko ng 4 hours, 48 minutes at 17 seconds?!?

Whe?!? Bilang?

Guy 1: (kay Joshua) Tol, nagtatanong lang naman ako...
Ay yah, alam na poh ng lahat ng people dito na bf ko si Joshua... Eh pinapakanta ko yan every month eh! wahahaha... Hanggang sa may naintriga na, and ahyun, tinanong na kame... So, anywaay, daldal ko talaga, balik na nga tayo sa stowie...

Ako: Oh sige, awat na...

Umupo na uhlet si Guyyee 1, at nanahimik na rin si Joshie... Avah dapat lang noh! Pag sumabat pa sya, eh pakainin ko sya ng oatmeal at carrots for a whole week eh! -- which by the way eh ginawa ko nung minsang iniwan nya ko sa SM because nagselos again sya kay Warren -- na girlfriend na nga pala si Richie! wahaha... joke lang! Si Arianne gf nyan ngayon..

Ken: (bulong sa'kin) Anong kanta naten?
Ako: Eh di ung special request ko...
Ken: Ahh... oo nga pala...hehe...

Nag-signal sya dun sa mga ka-bandmates namen, and nagstart na ung music... Tumingin ako kay Joshie...

Ako: Joshie, this one's for you, ok? Wag nang maging pasaway... Happy anniversary...

Naghiyawan ung mga tao...At ang lokang si Richie, nako, walang dadaig sa tinis ng boses ng bruha!


Ako: (kanta) As long as stars shine down from heaven
And the rivers run into the sea
Til the end of time forever
You're the only love I'll need

In my life You're all that matters
In my eyes the only truth I see
When my hopes and dreams have shattered
You're the one that's there for me

When I found You I was blessed
And I will never leave You, I need You...

After nung song, yan na ang closing applause -- oist standing ovation pa yan! haha... a la theater noh? may standing ovation sa bar -- close kame nung mga customers eh!

Napatingin uhlet ako sa bar kung san nakaupo si Joshie...

Joshie?

Tumingin ako sa paligid... Nasan na ung kabayong un?!?

"Nessy..."

Napatalon ako sa gulat... Langya, kabayo talaga toh! Ang bilis! Pano napunta toh sa tabi ko!?

Ako: Horsey? Oh bahket? Di na kita papakantahin ngayong gabi...
Joshua: Di naman un ung dahilan kung bakit ako lumapit eh...
Ako: Eh?

Tumahimik na ung mga people, at ahyan, nag-movie nanaman kami ni horsey -- pinapanood ng buong bar...

Okkaaaaaaaaaayyyy... Anong na-mizz ko?

Abot buhok ung mga ngiti nina Arianne tsaka nung mga people dun sa bar... Anong meron?!?

Joshua: Janessa...

Napatingin uhlet ako kay Joshua...

Ako: An--? *gasps* Anong ginagawa mo?!?!?!?
Lumuhod sa harap ko si Joshua -- ung mga nakikita nyo sa cliche na romantic movies -- tapos may nilabas syang little blue box and hinarap sa'kin... Ehto namang lolo mo, eh naubusan ng words kaya napatitig lang ako dun sa kahon... Ang cute ng kulay! haha... San kaya nabili un? Bakit kaya kailangan ung itsura nung box? Bakit di circle? Or heart? O kaya para mas maganda, eh butterfly na lang?

Sshh!!! Wag ka ngang maingay! Nakaluhod si Joshie sa harap mo in front of MAAANYYYY people!

Joshua: Nessy... Alam kong mahilig ka sa mga corny na palabas -- langya, di pa nga ako nakaka-recover sa The Notebook mo eh! Mag-iiyak ka ba naman nang ilang oras pagkatapos nating panoorin un?!?
Ako: (tingin ng masama sa kanya) May pupuntahan ba toh o sisipain na kita?

Langya! Batoh kaseh sya! Bato! Wala man lang karea-reaksyon sa The Notebook! Ang cute cute pa naman nun!

Joshua: Sssh! Wag ka ngang sumingit!

Hmp!

Joshua: Okay... ahem... Nessy, binalik mo ang music sa buhay ko... Di ko alam kung anong gagawin ko kung mawala ka sa'kin... Kaya...

WAAAHhh!!! Thiz iz it! Thiz iz really iz it!

Joshua: (binuksan ung little blue box) Nessy, will you be my music forever?... Will you marry me?

Natulala ang beauty ko dun sa ring! Ang pretty-pretty! Ka-partner sya nung locket na binigay nya sa'kin nung Pasko four years ako... Imbis na diamond ung engagement ring, it's a pretty sapphire stone... Weh! La kontra, maka-blue ako!

Ako: J-joshie...

Richie: (sigaw galing sa likod) LANGYAH!!! Um-oo ka na nga!!! Na-tetensyon na ko dito!

Tumingin uhlet ako kay Joshie, tapos napaiyak na lang...

Napatayo bigla si horsey!

Joshua: Nessy, bakit? Kung ayaw mo ok lang naman eh... Di pa rin naman ako aalis... Siguro babalik ko na lang tohng singsing and buy a new one pero--
Ako: WHEEEE!!! Anong ibabalik!??!? I'm crying because di ako makapaniwala na you're asking me to marry you!
Joshua: Ibig sabihin "no?"
Ako: No! I mean, yes!
Joshua: Yes na hinde?

PAK!

Binatukan ko nga si Joshua...

Ako: Neknek mo! What I'm trying to say is *sniff* yes! I'll be your music forever! I'll marry you!
Joshua: R-really?
Ako: Ayaw mo? Kung ayaw mo, bigay mo na lang sa'kin ung ring at itatago ko na lang--
Joshua: Meatball-head ka talaga...

Lumapit sya sa'kin and whoosah! Isang mahabang sweetiepie na kiss ang binigay sa'kin sa lips! (wahaha... mainggit kayo!)

Naghiyawan ang mga people... palakpakan... Tinigil na ni Joshie ung kiss...

Awww!! Tapos na? Isa pa! wahehehe...

Niyakap nya ko tapos sinuot na ung ring sa finger ko... Yup, we're officially getting married...
Janessa

After ng NAPAKAAAAAAA-HABANG story eh ehto na ang end... All stories must come to an end some time di va?

So anyway, ehto, na-diretso kami ni Joshie sa tapat ng altar -- ay lam nyo ba?! Ang papable nung father na nagkasal sa'min! wahahaha... oist, kasal na ko, awat na... Halos four years na kaming kasal, and mas napapadalas na nga ung paghulog ko sa kanya sa kama-- eh kaseh naman! sinosolo ung kumot! Itulak ko nga!

Ay nga pala... we have a one-year-old daughter na named Margaret... She's realllyyyy cute!!! Kamukha ko kaya malamang paglaki eh maganda rin tohng batang toh! wahaha... Kaya lang, daddy's girl...haaaaayyy... Parang nung isang gabi.. ehto ang isa sa mga usual events sa bahay...


Margaret: (reach up ng hands nya sa'kin) Mea-balls! Mea-balls! Mea-balls!

Yah I know... Gosh... di ko ma-imagine kung sinong nagturo sa kanya nyan... Grrr! horsey!

Ako: (nag-stoop sa harap nya) Marge, di pa I told you to call me mommy...

Or mom... or mama... or ma... kahit anoh wag lang meatballs!

Besides, di na naman ganon hairstyle ko ah!

Nag-reach up uhlet si Margaret sa'kin... Haaayyy... nagpapabuhat nanaman... Pinulot ko sya then dinala dun sa living room... Oh by the way, speaking of living room, may sariling house na kame ni horsey... Yah... iniwan na namen ang small apartment at lumipat sa Forbes... Ganda nga nung house eh... Simple lang... pero maganda...haha...

Binaba ko si Margaret sa harap ng TV kaya lang di pa ko nakakalayo eh bigla namang umiyak! WAAAhhhh bahket?!??

Takbo uhlet ako pabalik kay Margaret, tapos pinulot uhlet sya...

Ako: Ohh, bahket? Bahket?

Wala pa win! Iyak pa win sya! WAAAAAAAAAhhhh Bahket?!? BAhket?!? Ako rin iiyak na?!?

"Ness?"

Napaikot ako sa boses...

Ako: Joshie! She's crying nanaman!

Napangiti si Joshua tapos binaba ung dala nyang briefcase -- yup briefcase, manager si Joshie ng isang rising band...oh di va? shosyal?

Lumapit sa'kin si horsey tapos kinuha si Margaret...

Joshua: (sa'kin) Really, Janessa... Himala na sa buong araw na wala ako, buti eh nagkakasundo kayo ng anak mo... Can't believe na nag-ppanic ka pa rin sa twing umiiyak sya...
Ako: *pouts* Why do you blame me?

Ngumiti lang si Joshua tapos binuhat si Margaret papunta sa kitchen...

Joshua: (nilalaro si Margaret) Aww, you want your bottle na, baby? Want daddy to get it for you since masyadong magaling si mommy?
Grrr!

Medyo tumahimik si Margaret tapos tumango...

Great... Mas magaling pa ung kabayo kesa sa'kin pagdating sa bata...

Joshua: (binigay ung milk na nasa ref kay Margaret) Here... You should go to sleep na rin... You must be tired...

Lumapit sila sa'kin then binigay ni Joshie si Margaret sa'kin... Syempre, kinuha ko naman, then nag-smile nung nakita kong pinaglalaruan na ni Margaret ung buhok nya -- kinda pangpa-antok nya... Pumipikit-pikit na nga sya eh...

Binuhat ko na si Margaret papunta sa kwarto, kasunod si Joshua... Nilagay ko na dahan-dahan si Margaret sa kama...

Ako: (bulong kay Marge) Good night, sweetie...
Margaret: Night-night, mama...*yawwnnn* I wab you...and daddy too...
Joshua: (um-appear sa tabi ko) And daddy loves you too, sweetheart...

Tapos nun, hinintay lang namin syang makatulog then lumabas na dahan-dahan ng kwarto... Naglakad na kami across the hallway sa kwarto naman namin -- may baby radio kame sa room para pag umiyak si Margaret, rinig pa rin...

Ako: *sighs* She's so cute talaga...
Joshua: Abah syempre! What do you expect?! Eh tatay ako!
Ako: Whe?!? Excuse me! Nasa genes ko ung pagka-cute noh!

Pumunta si Joshua sa closet para magbihis ako naman eh na-upo sa kama...
Joshua: Anong nasa genes mo? Nasa DNA ko un! Di mo pa ba nakikita?
Ako: Mangarap ka...
Joshua: Yaw mo pang aminin na cute ako eh... (ngiti sa'kin) Kaya nga labz mo ko di ba?
Ako: Joshie, horsey ka, di ka doggie... Pano ka magiging cute?
Joshua: Sama mo...
Ako: Awwww... tampo na si horsey?
Joshua: Heh!

Tumawa lang ako tapos nahiga sa kama hanggang matapos nang magbihis si Joshie... Maya-maya, naramdaman kong umupo na rin si Joshie sa tabi ko, hawak ung gitara -- ung gitara na niregalo ko sa kanya 57257537 years ago... hehe...

Ako: Bakit hawak mo yan?
Joshua: (inayos ung hawak sa gitara) Coz... Tagal ko nang di nakaka-kanta syo...
Ako: Eh? Bahket?

Ngumiti lang si Joshua, tapos nag-lean over and kissed me sa cheek...

Joshua: Because I love you..
Ako: Oh sige, kanta na... (gapang papunta sa unan) I-llullabye mo na rin ako...
Joshua: Sige bah, sabi mo eh!

Di va lakas ng hatak?

Umayos na ko ng higa habang sinimulan ni Joshie ung intro nung "Gitara" ng Parokya ni Edgar... Yup... Laos na ung song sa panahon na toh... Eh bahket ba? Gusto nyang kantahin sa'kin un eh...

Like I promised, I stayed as his music forever...and sya naman... like he promised sa wedding vows, he loved me for the rest of his life...

Ung mga promises na un...naka-seal sa faded na message sa likod nung gitara nya na regalo ko...
Di toh fairy tale... And di ako si Cinderella... Langya, pag nag-suot ako ng glass slippers, mababasag un noh!

..pero...

Joshua and me... We lived happily ever after...





THE END....

 

6 comments:

  1. i like your story and yup still happy together still exist as long you both believe and love each other nothing is impossible.....and i hope mi kasunod pa kasi nakaka libang tlg ....

    ReplyDelete
  2. gondo:) i want more...

    ReplyDelete
  3. ganda poh...thx..more love love love love love sa inyung dalawa.

    ReplyDelete
  4. Putcha! I read alot of st0ries, but dis one was greatest of dem all.! Salute!-)

    ReplyDelete
  5. ,ang cute ng story mo kahit may pagka kikay ang pagkakanarrate ng mga characters.

    ReplyDelete

Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures