=CHAPTER 4=-
Janessa

Buong ride home, tahimik si Joshua... Sinong mag-aakala...capable pala sya na
mag-isip..hehe... Anyway, syempre ako naman, dalagang Pilipina ang act, eh nahihiya naman magtanong kung sino ung Trixie na un.. Pano na lang kung alagang aso nya pala un?

Joshua: Tahimik ka?

Kabayo! Bigla ba namang magsalita?!?

Ako: Ako? Tahimik?
Joshua: Hinde... (tumigil sa stoplight) Ung radyo kausap ko...
Ako: Aaahhhh...
Joshua: Hala... Tao ka ba?!
Ako: Ano?
Joshua: (umandar na uhlet ung car) Ah ehwan ko syo! Gulo mo kausap!

Ako pa naging magulong kausap? Kuhlet din ng lahi nito noh...

Nagdrive
uhlet kami, nang mapansin ko na di nya ko tinatanong ng directions...
Alam nya ba kung san ung apartment namin ni Kristine?

Ako: Alam mo ba kung san tayo pupunta?
Joshua: Oo...
Ako: Eh? Akala ko ba di mo alam kung san nakatira si Tin?
Joshua: Sino bang may sabi na snyo tayo pupunta?

*gasp! Kinikidnap ako! Oh hinde! NOoooo!!! Wala akong pera!!! Wag poh! Wag poh!!!

...habulin mo ko...nyaha! Ano ba, Janessa?!?

Ako: Eh san tayo pupunta?
Joshua: Wala lang... Ikot-ikot lang muna tayo... Bakit? (sulyap sa'kin) May reklamo?
Ako: Sungit mo ah! Sipain kita dyan eh...

Tumawa sya... Abno talaga toh... Lakas tama...

Nanahimik na uhlet ako... Ehwan ko ba... Lowbat yata ang energy ko kaya medyo nawawalan ng gana umandar ang motor ng bibig ko...

Haaaaaayyy... Pagdating ko sa bahay, iidlip muna ako sandale bago gawin ung mga homework ko--

Joshua: Nessy...

Talagang tinatawag nya na ko by name noh?

Ako: Hmm?
Joshua: Di ka ba magtatanong kung sino si Trixie?
Ako: (napatingin bigla sa kanya) Hmm?!

Nababaliw ka na ba?! Eh kanina pa ko mamatay-matay sa curiosity dito noh! Ibig
sabihin ba nun pusa ako? Di ba curiosity kills the cat? *batok sa sarili* Ano ba?! Focus nga!

Joshua: Well?
Ako: Sure... kung gusto mong sabihin, eh di sabihin mo.. If you don't naman, eh okay lang... I respect your privacy...

Naka naman! Shosyal... I respect your privacy chuchu...

Joshua: (continue sa pagddrive) Si Trixie...

Nakitang kong kumunot ung noo nya... As if galet or something...

Joshua: Darn, how I hated her...

Anoh? What?

...Okay... ngayon windang na talaga ang brain ko...
Joshua

Nagpapaikot-ikot kami ni Janessa sa EDSA... La lang...trip ko lang magsayang ng gas...
Hinde, la lang... yoko lang umuwi pa... Nagulo utak ko nung nakita ko ung three little pigs na un na ginugulo nanaman si Janessa eh – tapos binabanggit pa ung pangalan ni Trixie...

Bakit ko nga ba biglang naisipang sabihin kay Nessy ung tungkol kay Trixie? *sipa sarili*
Bigla-bigla ka kaseh kung magdesisyon eh!

Janessa: So...why did you hate her?

Oh well... sige na... Nasimulan mo na eh...

Ako: Kase...she betrayed me... She's a liar...
Janessa: Anoh ba?! Buuin mo na nga ung storya! Paputol-putol ka pa dyan eh...

Langyang demanding talaga nito! Ako na nga tohng nagkkwento eh...

Ako: Eh manahimik ka nga... Bumbwelo pa ko eh..!
Janessa: (bulong) Bwelo-bwelo pa...

It's taking all my strength para wag sakalin tohng babaeng toh! Grrrr!

Ako: Okay... Pero, ehto muna tatanong ko syo...
Janessa: Ano?
Ako: Gutom ka na? Kaseh, ako gutom na eh.
Janessa: (tinitigan ako) Magpapalibre ka ba?
Ako: (tingin sa side-mirror para kumaliwa) Nyeh! Ano ka ba naman?! Ako nga tohng lalake eh!
Janessa: Lokohin mo lelang mo...
Ako: Tungkol saan? Sa gender ko o dun sa pagpapalibre?
Janessa: Ano? Ehwan ko syo... bumili ka na nga lang ng kausap... (tumuro sa labas ng bintana) Dun tayo sa Jobee! Gusto ko ng palabok, fries, iced
tea...
Ako: Whoa! (nag-turn para pumunta sa Jollibee) Mukha ba kong waiter?!
Janessa: (ngiti sa'kin) Medyo...

Nag-turn kami sa parking lot ng Jollibee... Pero bago lumabas si Janessa, tumingin muna sya sa'kin...

Janessa: Alam kong it's hard for you to tell this story about Trixie... I understand kahit papano...

Lumapit sya sa mukha ko... What the---?!?!

Janessa: Pero pag di mo kinuwento sa'kin yan, I swear, di kita papatahimikin!

Tapos nun, tinulak nya na ko palayo, tapos sya lumabas na...Whoa! Pinagpawisan yata ako dun ah!

Janessa: (silip sa bintana) Halika na, horsey! Gutom na ko!
Janessa

Oooooohhhh...palabok! palabok! palabok! palabok!

Anoh ba yan?! Parang patay-gutom noh? Eh kaseh naman, matagal-tagal na rin
akong di nakakakain ng palabok ng Jollibee noh! Sarap-sarap pa naman... May kontra? Sarap naman talaga di ba?

Pinanood ko si Joshua sandali habang nilalatag nya ang aming mga pagkain sa mesa... Fries, palabok, at iced tea para sa'kin... Chicken joy (ung dalawa), fries, hamburger, at coke para sa'kanya (di sya gutom noh?) Tapos, naupo na sya sa tabi ko...

Ako: (sinusugod na ung palabok ng tinidor) So, anoh na? Ung kwento-kwento mo, simulan mo na...
Joshua: (naglalagay ng ketchup sa tissue) Sandali lang... Atat ka eh... Nagseseremonyas pa ko dito oh...

Sipain kita dyan eh... Inaabot na ng sukdulan ang kaintragahan ko...

Pero syempre, dahil understanding ako (nyaha!), hinintay kong matapos ang seremonyas nya.. Ung paglagay ng ketchup sa tissure para sawsawan ng fries at paghalo ng gravy dun sa rice...

Bubwit! ang tagal-tagal...

Ako: Oh ano? Pwede na?
Joshua: Okay.. Si Trixie... Nakilala ko sya kaseh best friend sya ni Mayen, ung girlfriend nun ni Paolo...

Ahhhhhh...so di nga sya dog...

Nilalasap ko ung palabok habang tinutuloy ni Joshua ung kwento nya... Ehto yata ung isa sa mga advantages ng nagkakapagmulti-tasking... Nakakakinig ako habang nilalamnam ung kinakain ko... nyaha!

Joshua: (kinakain na
rin ung manok sa harap nya) Di ko matandaan kung pano kami nagkausap...
Suplada kaseh un eh... Masyado pang bulgar, minsan nakakainis kasama... Pero since lage akong kasama ni Paolo at sya naman laging kasama ni Mayen... Syempre, habang naglalampungan ung dalawa, eh ano pa nga bang choice namin kundi mag-usap?
Ako: So, in short, naging close rin kayo?
Joshua: Yah, something like that...
Oh, eh bahket mo naging hate?

Joshua: Nagkasundo kami halos sa lahat ng bagay... Kahit nung nagbreak sina
Paolo, tumatambay pa rin kami kung san-san... Hanggang sa maging MU
kami...
Ako: Tapos naging kayo?
Joshua: Wag ka ngang sumingit... (inom sya ng coke)
Ako: Tatanong lang eh...

Ang sungit nito ah!

Ako: Sige na, tuloy...
Joshua: Pero nung nakilala ako ng bro nya --
Ako: MU lang kayo nakilala mo na family nya?!
Joshua: Eh bahket ba?! Eh nakilala ko bro nya eh...

Hmmm...

Ako: Anyywaaay??? (balik sa palabok)
Joshua: Di ako nagustuhan nung family nya, kase dikitin daw ako ng gulo... and BI pa...Kaya pinalayo nila ako kay Trixie...

Hmmmm...a la Romeo and Juliet pala drama nitong dalawa eh...

Joshua: Pero di kami pumalag... Halos araw-araw pa rin kami nagkikita, kung
san-san pumupunta... Hanggang sa isang araw, nag-threaten na ung dad
nya na pag di pa sya lumayo sa'kin, ipapadala sya sa US...

Oh my...

Joshua: Pero, (nag-pop ng fries sa bibig nya) pinanganak na pasaway ung si Trix eh... raw-araw pa rin syang sumusulpot kung nasan ako, and ung fact na magka-schoolmate kami also helps...
Ako: So what happened?
Joshua: Eventually, nalaman ng parents nya na nakikipagkita pa rin sa'kin si
Trix... Pinuruhan ako ng tropa ng bro nya, and sya, halos kinaladkad
papunta sa eroplano at lumipad sa Maryland...

The poor things...

Joshua: Sabi nya babalik sya as soon as possible... For the meantime naman, susulat sya araw-araw, tatawag, mag-eemail...
Ako: Long-distance relationship? Anong masama dun?
Joshua: (inubos na ung chickenjoy nya) Wala...kung may communication kayo...
Ako: huh?
Joshua: That girl is one big liar... I wrote to her for the whole five months...she never wrote back... The next thing I know, nag-email sya
sa'kin to tell me na nakahanap na sya ng iba... The slut...

Napatitig ako... Buti na lang at ubos na ung palabok, dahil after this, siguradong di ko na mananamnam toh... Napatingin ako kay Joshua...Tinititigan nya ung hamburger nya, ang lalim ng iniisip...

Kawawa naman sya... Trying hard to conceal ung pain, sinasabi pa ni hate nya raw si Trixie... pero deep inside naman... Mu~g deep in thought pa rin si Joshua habang nakatitig dun sa burger... Mahal na mahal nya pa rin
si Trixie...

Biglang tumingin sa'kin si Joshua...

Joshua: Ano sa tingin mo?
Tungkol sa'nyo ni Trixie? Don't ask me... I don't know what to say...

Joshua: Kakainin ko na kaya tohng burger o iuuwi ko na lang?


Hmm?!?

Suz!

 

1 comments:

  1. hhmmmm pag mi umaalis mi dumadating ganyan ang ikot ng buhay kaya nga ang pera kinikita eh kasi para pag sweldo o mi allowance gastusin.....

    ReplyDelete

Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures