Bulalakaw

Bigla akong naalimpungatan sa aking pagkakatulog. Nang di na mapakali at di na makatulog ulit ay tska na ako bumangon. Nag-inat muna ako ng katawan bago dahan-dahang bumaba ng kama.

Napalingon ako sa kapaligiran. Ganun pa rin ang nakikita ko. Kulay puti, walang tao at amoy pa rin ng ospital. Nasa parehas pa rin akong lugar. Pinilit ko namang tumayo at pumunta sa bintana…

Sa pagkawala ng liwanag ngayong araw
sa bintana’y lumapit at saka dumungaw
sa kalangitan ako ay tumingala
tumingin sa buwan at sa mga tala

Palubog na ang araw at unti-unti ng dumidilim ang paligid. Kasabay nito ang paglitaw ng buwan at mga bituin. Ni anumang ingay ay wala kang maririnig maliban sa mga kuliglig at hangin…

Nagulat ng ako ay may mapansin
Daling tumungo at dumalangin
Sa isang bulalakaw ay humiling
Sana sa akin ay wag umiling

“sana gumaling na ako…para naman pwede na niya akong mahalin.” Bulong ko habang nakapakikit at nakadaop ang kamay.

Dumilat na ako at tumingin ulit sa kalangitan. Wala na ang bulalakaw. Ganun naman palagi, sa isang kisap ng mata, ito’y mawawala na agad…

Bigla ko tuloy naalala ang panaginip ko. Kinabahan ako ng matandan ang mga pangyayaring ayokong ayoko na mangyari sa realidad. Napanaginipan ko kasi na magkasama kami ni Francis sa tambayan namin. Doon yun sa isang parte ng park kung saan kitang-kita mo ang langit.

“Kung sakaling dumating ang panahon na wala ako sa tabi mo at nag-iisa ka, tumingin ka lang doon sa bituin na yun oh.” Sabay turo ng isang bituin sa kalangitan.

“O tapos?” sabi ko naman na nakatingala na din.

“Basta isipin mo lang yung star na yun ay ako tapos tinitingnan tska binabantayan kita kung nasan ka man.”

“Ganun?”

“Oo.” Sabay ngiti. Pagkatapos nun napatingin ulit ako sa langit at nakita yung bituin na tinuro niya ay wala na at isang bulalakaw ang dumaan.

“Francis yung…” pagtingin ko sakanya wala na siya sa tabi ko at nakitang naglalakad na palayo.

“teka lang!” hinabol ko siya ngunit kahit anong gawin kong pagtakbo ay di ko siya mahabol hanggang sa mawala na siya sa panigin ko…dun na ako nagising.

Ramdam ko tuloy ang lamig ng gabi
Dampi ng hangin sa aking pisngi
Lungkot ang sumilay sa aking labi
Naalala tuloy ang mga dating sandali

“Sinabi ko na sayo di ba?! Di kita gusto! Ayoko sa mga sakiting tulad mo!” sabay talikod at lakad palayo.

Ang senaryong iyon ang hinding hindi ko malilimutan. Halos kaparehas lang din siya ng panaginip ko kaso ang pinagkaiba, nagawa ko siyang habulin at pigilan sa paglayo mula sa akin.

“Teka lang!” sabay hawak sa kanyang braso.

“Kung sakaling gumaling na ako…pupwede na ba?”

Tinitigan lang niya ako ng matagal at di sumagot. Pagkatapos nun ay dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ko sa braso niya at tinuloy na ang paglakad.

“Magpapagaling ako para sayo!” sigaw ko naman sakanya para marinig niya sa layo ng distansya naming sa isa’t-isa.

“Pangako yun…” bulong ko sabay tingin sa kalangitan.



Parang ang init ng kapaligiran ko pero nanlalamig ang mga kamay ko. Dumating na ang araw ng operasyon ko at may halong kaba ang nararamdaman ko. Pero alam ko mas nananaig sa akin ang pagiging matapang dahil sa isang dahilan…kailangan kong gumaling…pagkatapos nun ay pumasok na ako…

Tulad nalamang ng dumaan na bulalakaw
Maaaring ito rin ay iyong natanaw
Masyado pa bang maaga o huli na?
Kalian ka kaya magiging aking tala?

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Napalingon naman ako para tingnan kung sino…ang kapatid ko pala. Si Kristy.

“Ate, gising ka na!” dali-dali naman siyang lumapit sa akin at saka niyakap.

“Dapat di ka nandito. Bakit ka nga pala nakatayo? Baka mabinat ka…” inalalayan naman niya ako pabalik sa kama.

“Ayos lang ba ang pakiramdam mo?” tumango naman ako saka ngumiti.

“saglit lang ha. Tatawagin ko lang sina mama.” Agad-agad naman siyang tumayo patungo sa pinto.

“Kristy…” napahinto naman siya.

“Pwede pakisabi na rin sakanya?” medyo tumango naman siya na para bang naintindihan agad yung sinabi ko.

“S-susubukan ko…” tapos sinara na niya yung pinto.

Napatingin naman ako sa kalendaryong nakasabit lang sa likod ng pinto.

“August 15 na pala. Halos isang buwan na rin nung huli ko siyang nakausap.”

Ilang beses mo mang saktan
Ilang beses man tayong maglokohan
Alaala mo’y mananatili sa akin
Bituin ko’y titingalain pa rin

Araw na ng aking paglabas sa ospital. Nakaupo ako sa wheelchair habang tulak tulak ito ng aking ina. Nilanghap ko ang panibagong hangin at sa wakas di na amoy ospital. Nang makarating na sa may sasakyan ay inalalayan nila ako makapasok.

“Ma, dalaw tayo kina Francis. Gusto ko siyang makita.” Matagal bago may nagsalita pero maya-maya lang sumangayon naman sila.

“Sige Rey, iliko mo papunta sa mga Fernandez…” banggit ni mama sa kuya ko.

Pagdating sa bahay nina Francis, nagtaka ako kung bakit madaming tao. Nandon nga rin yung mga kaklase ko at nagulat ng makita ako.

“Anong nangyari? Bakit namamaga ang mga mata niyo?” tanong ko sakanila ngunit walang sumagot, sa halip ay sinamahan nila ako papaosk. Nang makita ko ang lugar, kinabahan ako…

Bilis ng bulalakaw sa aking paningin
Ito ang unang pumukaw ng tingin
Tulad ng aking natatanging bituin
Paglisan nito’y sadyang kay bilis din

‘sorry sa pagisisnungaling at kung sakaling nasaktan ka man dahil sa akin. Dun sa huling sinabi mo, kung gumaling ka na, masaya ako para sayo. Pero kung pwede na ba? Kahit gusto ko man, ang sagot ay di pa rin dahil sa totoo lang, ako ang di pa magaling. Sana naiintindihan mo…Tandaan mo mahal kita at mananatili pa rin akong bituin mo…paalam.'

Binasa ko pa ang nasa itaas ng sulat. August 15.

“Ngayon naiintindihan ko na…” tinupi ko ang papel na hawak ko.



“Sana pala iba nalang ang hiniling ko…edi sana, ikaw nalang ang gumaling imbis na ako…” tumingin ako sa kalangitan sabay patak ng mga luha…

 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures