First love never dies...

Napatunayan ko ‘to nung may nakilala akong isang guy na sobrang minahal ko... Isang guy na hindi ko lubos na makalimutan...



Grade 6 ako nung nag-transfer ako sa Hope Christian Academy. Marami naman akong naging bagong friends. First day ko palang sa school nun when i saw a boy named Anjo. 2nd year siya nun. Ewan ko ba, pero parang unang kita ko palang sa kanya na-attract na ‘ko. Pero syempre hindi ko muna yun pinansin. Syempre hindi ko naman inakala na madedevelop yung feelings na yun eh. Schoolmates kami kaya madalas ko siyang makita, pero hindi ko naman siya ganon kakilala(hindi rin niya ko kilala). Nalaman ko lang yung name niya nung utusan ng isang teacher yung classmate ko para ibigay sa kanya yung isang notebook. Sumama kasi ako sa classmate ko. Days passed pero hindi ko pa rin pinapansin yung feelings ko para sa kanya kasi may nalilink sa akin sa room. Ewan ko ba kung ano nagustuhan ko sa kanya. Maliit lang siya, medyo chubby. I don’t know what came to my mind at bigla ko siyang nagustuhan. But honestly, gustong-gusto ko siyang titigan lalo na kapag naka-ngiti siya.



First year ako nung nakilala ko na siya ng personal. Kasi pag naglalaro minsan yung mga classmate ko ng table tennis sa second floor, pumupunta ako. Syempre nandun din siya, naglalaro din. Dun na nag-umpisa na madevelop yung feelings ko para sa kanya. Paano ba naman, everytime na mapupunta yung bola near me bigla na lang siyang lalapit sa akin. As in super close to me. Ganun siya ka-pasaway. Ang kulit niya talaga.



The “fairy tale” continue nang mapili ako bilang isa sa mga sasayaw for the anniversary ng church ng school namin. Actually, hindi ko alam na kasali pala siya.

Nilibre pa niya ako ng water eh. Kasi one time, break namin(practice), niloko ko siya. Sabi ko libre naman niya ako ng water. Tapos lumabas siya, pagbalik niya may dala na siyang 2 mineral water. Para sa kanya and sa akin. Sobrang nag-thank you ako sa kanya. Paano ba naman nakakagulat yun noh, hindi ko na kasi siya pinilit para ilibre ako ng water. Na-appreciate ko naman yung ginawa niya. Pero panandaliang nawala yung feelings ko for him ng nagsimula akong ma-attract sa nagtuturo sa amin ng sayaw sa amin. His name is Jhepoi. Kuya Jhepoi tawag namin sa kanya. Na-attract talaga ako sa kanya. Unfortunately, gusto niya yung friend kong 4th year. After na malaman ko yun, nagalit ako sa kanya. Tuwing practice hindi ko siya pinapasin. Naasar talaga ako sa kanya. Natapos na yung anniversary pero medyo asar pa rin talaga ako sa kanya.



Days had passed after ng anniversary. One afternoon, uwian. Pumunta ako sa brown chair(sa canteen). Sakto kasi andun din siya. Naglalaro siya ng chess. Marami kasi siyang hilig eh. Badminton, Chess, Table tennis, Games of the general at kung anu-ano pa. Wala pa akong balak na umuwi nun. I decided na manood muna ng laro nila. Nung tapos na silang maglaro, out of the blue bigla na lang niyang hiningi yung phone number ko. Syempre binigay ko sa kanya. Ako pa nga pinasulat niya sa palad niya eh. Then pumunta kami ni Dyan sa malapit sa gate. Umupo muna kami dun. Tapos kinuwento ko kay Dyan yung tungkol dun. Tapos nung uuwi na siya hiningi ko rin yung number niya. Ayaw niyang pakita kay Dyan yung nakasulat sa palad niya. Sabi niya sa akin tatawag daw siya ng 6:00.



Pass 6:00 na pero hindi pa rin siya tumatawag.so i decided na tawagan siya. Tumawag ako sa house nila. Yung pinsan niya yung nakasagot. Tinawag siya and magulat ako kasi alam pala niya yung name ko. Tapos tinanong ko si Anjo kung bakit kilala ako ng pinsan niya. Sabi niya sa akin sinabi daw niya sa pinsan niya na tatawag ako. Tapos tinanong ko siya kung bakit hindi pa siya tumatawag. Sabi niya may ginagawa daw kasi siya. Tapos sabi niya tatawag na lang daw siya ulit kasi may gagawin pa siya. Tapos hinintay ko yung tawag niya. Maya-maya tumawag siya. Matagal-tagal din kaming nag-usap. Dun na nag-umpisa na madevelop ulit yung feelings ko sa kanya and slowly nakalimutan ko si kuya Jhepoi. Pero alam ko naman na may iba siyang gusto eh. And kilala ko kung sino. Si ate Jen. Classmate niya yun. Sabagay, ano nga naman ang aayawan ng guys sa kanya. Maganda siya, maputi, pettite, mabait saka half filipino half japanese siya. So inisip ko nun na imposible na magustuhan niya rin ako.



Hindi yun ang first and last na pag-uusap namin sa phone. Simula nun, araw-araw na siyang tumatawag sa bahay. And one Friday, tinanong niya ‘ko kung sino crush ‘ko. At first ayoko sabihin sa kanya. Pero pinilit niya ‘ko. So inamin ko sa kanya na siya ang gusto ‘ko. Sabi ko sa kanya na crush lang naman yun eh. But deep inside, slowly naiinlove na ‘ko sa kanya. The following morning i received a text message from him. Sabi niya sa text, “ hi my luv. Gud morning. Hve a nice day. Ur luv anjo”. Syempre nagulat ako(in fairness kinilig ako). Tapos nung kausap ko na siya sa phone that day, sabi ko sa kanya na na-wrong send ata siya. Sabi niya hindi daw. And from that day, confirmed! Inlove na nga ako sa kanya. Days passed, nagiging close na kami sa isa’t-isa. At biglang nag iba ang ihip ng hangin. Bigla na lang siyang nagparamdam na nanliligaw without asking permission from me kung pwede ba siyang manligaw. Nagkaroon pa nga kami ng theme song. Tapos nagsasabihan na rin kami ng “i luv u” pero take note, hindi pa kami nun. Meron din kaming similarities. Likes and dislikes.



It was on October 14, simpleng araw. Nasa chapel sila ng school, kasama niya barkada niya. Close din naman kami ng barkada niya. Kumatok ako sa backdoor ng chapel kasi dun sila malapit. Si kuya Mark yung nagbukas ng door. Then he called Anjo. Umalis naman ako agad. Naisip ko lang na kumatok dun.



At nung gabi, habang kausap ko siya sa phone. He asked me kung bakit ako kumatok sa chapel. Sabi ko naman wala lang. Tapos pinakwento ko sa kanya kung ano sinabi ni kuya Mark nung kumatok ako. Sabi daw ni kuya Mark hinahanap ko daw siya. After niyang ikwento sabi niya sa ‘kin, akala daw niya sasagutin ko na siya. Nagulat ako sa sinabi niya. So hayun, out of the blue sinagot ko siya.



I was so happy na naging kami. Hindi alam ng mom ko yung relationship namin. Ang alam niya, nanliligaw lang. Nagtagal kami for only 1 month. Ewan ko ba kung ano pumasok sa isip ko at nakipag break ako sa kanya. Pero nag-uusap pa rin kami sa phone. Nagsasabihan pa rin kami ng “i luv u” kahit na break na kami. Tipong parang kami pa rin. Sobrang minahal ko siya. Siya yung first love ko, first boyfriend.



Months passed, nalaman ko may gf na siya. Dun ako nawalan ng pag-asa na magkakabalikan pa kami.



Second year na ‘ko. Schoolmate ko pa rin siya. Then i met someone named Jed(next story na yung kwento niya). He made me forget about Anjo kahit konti lang. But i love Jed. Nagbreak kami ni Jed. We only lasted for 3 months.



I remember one time nagpunta si Anjo sa house kasama yung barkada niya. First day ng examination namin nun for 3rd quarter. Matagal na nilang gustong pumunta sa house. Kasi naman malapit lang yung house nila kuya JayAr sa amin, kaya hayun. Pag tinatanong ko naman sila kung bakit nila gustong pumunta sa bahay, lagi nilang sinasabing makikikain sila. Then sabi nga nila pupunta daw sila after ng first day examination. Pero hindi naman ako naniniwala nung una na pupunta sila. Kasi sinasabi ng barkada niya sa akin na niloloko lang daw ako n Anjo. Tapos nung uwian na(first day of exam), tinanong ko sila kung pupunta ba sila talaga. Eto namang si Anjo niyaya na sila para sumama sa akin. Tapos pumunta agad ako sa stage para sana magtago. Pero wala na akong nagawa nung tawagin na nila ako(but gusto ko rin namang makasama siya eh). Grabe, pinaglakad nila ako from school hanggang sa house. Ang layo kaya nun. Pero sabi nila mas maganda daw yun para matagal-tagal kong makakasama si Anjo. Kinilig din ako sa sinabi nila, pero si Anjo natahimik lang. Habang naglalakad kami, inaasar nila ako. Tapos may time pa na parang tipong nilalapit niya yung kamay niya sa kamay ko. Napalo ko tuloy yung kamay niya. Nagtaka siya kung bakit. Tapos tinignan ko lang siya. Nung nasa house na kami nakita niya yung ‘bear’ na gift niya sa akin nung birthday ko and that was also our first monthsary but i never thought that it would be our last. Then tumingin siya sa akin and sabi niya parang naaalala niya daw yun. Tapos inasar niya ko. Ginawa ko, hinagis ko yung bear sa kwarto. Sabi ko wala lang yun. Maya-maya nagpaalam sila na pupunta muna kila kuya JayAr kasi magbibihis daw muna si kuya JayAr. Ang tagal nila bago bumalik. So sabi ko kay kuya Voltaire puntahan na namin sila kasi nakahanda na yung pagkain. Pagdating namin dun, nakaupo si Anjo sa may upuan ng piano. Pinapaalis ko siya pero ayaw niyang umalis. Sabi ko magpa-piano ako. Sabi niya kiss daw muna. Tapos sabi ko “bakit?., tayo ba?”. Sabi naman niya “gusto mo tayo ulit?”. Natahimik ako. Sabi ko naman ayoko ko. Tapos umalis siya. Umupo siya sa sofa. Nung tapos na akong magpiano, umupo rin ako sa sofa para tignan yung mga pictures sila kuya JayAr. Then tinignan ko rin yung mga cd na tinitignan ni Anjo. Inaagaw ko sa kanya. Pero ayaw niyang ibigay. Nung kukunin ko na sa kamay niya yung isang cd, bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Mahigpit yung hawak niya. Tapos tinitigan niya ako. Wala man lang siyang pakialam kahit nandun si kuya Voltaire. Nung binigay na niya yung cd sa akin, umupo ako near him. Maya-maya nagulat ako nang bigla siyang sumandal sa shoulders ko. Tipong parang gusto niyang matulog sa balikat ko. Para bang naglalambing siya nung time na yun. Tapos after that, nung palabas na kami sa house nila inaasar niya ‘ko. Paulit-ulit niyang sinasabi yung sinabi ko na “bakit?., tayo ba?”. Grabe nakakaasar siya. Then pumunta na kami sa house para kumain. Magkatapat kami. Katabi ko si kuya Voltaire na katapat naman ni kuya JayAr. Sabi nila si kuya JayAr daw yung tatay. Ang kulit nga nila eh. Tapos pinatugtog sa tv yung “especially for you”. Sinasabayan yun ni Anjo. Grabe kinilig ako nung kinanta niya yung lines na “now we’re back together.. together i wanna show you my heart is oh so true.. and all the love i have is especially for you..”. Grabe, kinilig talaga ako. Tapos habang kinakanta pa niya yun nakatingin siya sa akin. Grabe talaga. Pero hindi na sila nagtagal sa house. Pagkatapos nilang kumain, umuwi na sila.



After nun, sa school medyo nag-uusap na kami ulit. Inaasar nga ako nila kuya Mark eh. Sinasabi nila na baka daw mamaya niyan malaman nalang nila na kami na pala ulit. They kept on teasing me lalo na nung foundation week. Pagtumatambay ako sa CAT department kasama si ate Annalyn. One time pa, tinanong ni ate Annalyn si Anjo kung gusto niya pa rin ako. Sinabi naman niya na meron na naman daw akong iba. Tapos sinabi sa akin yun ni ate ann samantalang narinig ko naman kasi nga magkalapit lang kami. Nakaupo kasi kami sa hagdan dun sa may backdoor ng chapel(isang step lang yun). Tapos i asked him kung bakit niya alam. Sabi niya narinig daw niya kaming nagkukwentuhan ni kuya Sam. Tapos sabi ko wala na naman kami nun. Tapos tinanong ulit siya ni ate Ann kung gusto pa niya ako. Bumulong siya ng “oo naman..” pero hindi ko pinansin yun kasi pakiramdam ko hindi yun yung narinig ko. Tapos sabi ni ate Ann na yun nga yung sinabi niya.



Eto pa..

It was December 23, last day ng foundation day namin and Christmas party din namin(before sembreak). Halos wala ng tao sa school nung dumating kami ng classmate ko kasi nagpa-picture kami. Pag dating sa school hinanap ko sila Dyan para ibigay yung copy ng picture nila. Dun ako dumaan sa CAT department papunta sa canteen. Nung pabalik na ako, may sumitsit from my back. Alam kong si Anjo yun. Tinawag niya ‘ko. Then lumapit ako(wala na masyadong tao dun kasi halos nasa harapan lahat.). Tapos tipong kinalabit niya yung ilong ko. Pagtalikod niya binatukan ko siya pero mahina lang. Tapos tumalikod ako bigla. Hinabol niya ‘ko tapos bigla na lang niya ‘kong niyakap. Wala akong nagawa but to accept his hug. That was the first time na niyakap niya ko. Kasi hindi niya ko nayakap nung kami pa. I was very happy from that day. Tapos bumalik na ‘ko sa stage kung saan nandun yung mga friends ko. Sinabi ko agad kay Kaye yung nangyari. Tapos kinulit niya ‘ko ng kinulit sa stage. Pinapatamaan niya ‘ko ng shuttlecock. Ewan ko ba pero sobrang saya ko nung araw na yun. Nagba-bye siya sa ‘kin nung uuwi na siya. He’s with his mother.



Lumipas ang sembreak. Di ‘ko talaga makalimutan yung ginawa niya. Naalala ko rin yung ginawa niya noon habang break namin. Kasi nagpa-practice kami ng sayaw for foundation week. Sabi ko sa kanya imassage niya yung kamay ko. Nung una minasahe niya pero tinigil niya rin. Sabi niya hindi raw siya marunong. Nagulat na lang ako sa ginawa niya. Imbes na imassage niya yung kamay ko, hinawakan niya lang ito nang matagal. I realized na mahal ko pa rin talaga siya. It was January 4 nung tinawagan ko siya. Tinanong ko siya kung bakit niya ginawa yun. Sabi parang nagkakagusto daw siya ulit sa akin eh. I was surprised. Tapos nagsabi siya ng “143”. Sabi ko ayoko ng number. Tapos sabi niya “i luv u”. Tapos nag reply ako. I was so happy. Kinabukasan tumawag ulit ako sa house nila. I asked him kung totoo yung sinabi niya. He said totoo daw yun. Tapos tinanong niya ‘ko kung pwedeng makipagbalikan. Then hindi me nakapagsalita. Sabi ko naman “oo naman”. Naging legal kami sa mom ko. I thought he really loves me. Pero nagkamali ako. Marami siyang promises sa akin pero hindi natupad. Bigla na lang niya akong binalewala. After ng field trip namin, kinabukasan tinawagan ko siya. I asked him kung mahal niya ba ako?. At first hindi siya makapagsalita. Tapos sabi niya hindi. I was so hurt nung narinig ko yun. Bigla na lang tumulo yung luha ko. Umiyak talaga ako. Mahal ko siya eh. Syempre nagalit ako sa kanya. I realize we’re really not meant for each other.



Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Sabi nung friend ko feeling daw niya gusto pa rin ako ni Anjo kasi tumitingin daw siya sa akin palagi. Sabi ko sa sarili ko “sana”. Pero hanggang ngayon friends pa rin kami. Ilang beses na kaming nagbreak pero still nakakapag-usap pa rin kami personally. We’re still friends. Yun yung masaya dun. Anytime nakakausap ko pa siya. But the sad part was hanggang ngayon love ko pa siya. Hindi ko talaga siya makalimutan. Ewan ko ba. May nagsabi rin sa akin na malay ko daw.. Someday baka magkita daw ulit kami. Someday down the road, baka matuloy yung Fairy Tale. Everytime I see him, wala akong magawa kundi umiwas sa kanya. Ngayon, 4th year na siya. Ilang araw na lang kami magkikita. Ga-graduate na siya. Malabong magkita pa kami ulit in the future. College na siya next school year. Malamang hindi na kami magkikita. Sana makalimutan ko na siya. Para hindi na ako mahirapan.



Oopz.. kala ko tapos na story namin.. gosh hindi pa pala.. know what?, kami na naman.. but I know hindi seryosohan ito. Sus, kilala ko na si Anjo. Third time na to no. third time ng pagbabalikan namin. Kaya I know him very well. May gf nga daw sya e.. auz db?.. kea nga di nrn aku nagtataka kung bkt bigla nlng xang di nagpaparamdam e tpos after a wik mgttxt ult.. ganun nmn xa e..



But as for now, masasabi ko na medyo stable na relationship naming.. ok na kami.. wala na sila nung gf niya.. Lagi nga xa pumupunta dito sa hauz e.. and I feel na seryoso na xa..

Tuwing kayakap ko xa para bang ayoko na xang bitawan.. gusto ko lagi xang nasa tabi ko.. yung lagi kong hawak kamay niya.. nararamdaman ko yung sincerity niya tuwing sinasabi niyang I love you.. chaka hopefully matupad niya yung mga promis niya na hindi na niya ako iiwan.. mahal ko talaga siya..

but suddenly... kala ko happy ending na.. pero eto nagtapos din.. now.. break na kmi ULIT.. kala ko totoo na yung sinabi niya sa aking for real na.. pero hindi pala.. sad db?..

that's my story with my first bf..

 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures