TISSUE.
By: Infamy


"Miss.. you are possitive" sabi saakin ni Doc. "Pero, nag-iingat ho ako paano nangyari yun?" " I'm sorry but HIV possitive ka" ang akala ko sanggol ang dinadala ko.. PERO.. Sakit na pala ang dala-dala ko..

Yun! Yun, yung hindi ko malimutan na sinabi saakin ng Doktor pagkatapos kong magpacheck-up. Paano na ang mga pangarap ko? Paano na lang ang pangarap ko na magkaroon ng isang masaya at simpleng pamilya?

Oo. Bobo na ako kung bobo, pero anong nagawa ko para maranasan ang mga ito? Ang drama ko! Hindi bagay! Habang pasinghot singhot na sa sipon kong nararamdaman kong tutulo na. Kinapa ko naman ang bulsa ko para hanapin ang panyo ko. Teka.. panyo? Asan ang panyo ko?

Maya-maya lang may lumapit na sakin na isang lalake. "Miss may problema ba?" Nakakahiya pinunasan ko ang muka ko ng kamay ko lamang ang gamit. "Ah..wala." tumalikod ako.

Naramdaman kong may inaabot sakin yung lalake. Isang tissue? anong gagawin ko dito? "Pasensya na miss ah. Wala akong panyo eh, kaya tissue na lang". Tinanggap ko na lang ito. Tinabihan nya ako at nagsimula syang magtanong saakin. Sinagot ko naman sya...

At simula nun.. Naging close kami. Siya.. siya ang lalakeng nagbigay sakin ng tissue.. Siya ang nagpapasaya saakin hanggang sa huling sandali ng aking buhay.

Dahil sa tissue. Tissue ang naramdaman ko nung nakilala ko sya. Oo. Tissue, sya ang nagpatuyo sa mga luha ko. Kaso, ang tissueng naramdaman ko..ang tissueng yun..


DISPOSABLE din pala..

 

1 comments:

Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures