1 Message Received
credits to: sQuirreL_tObee
Nauuso na talaga ngayon ang mga chain messages sa text Gaya ng mga stories na napapanuod natin sa pelikula at nababasa sa Wattpad at TeenTalk ng Candymag, meron din itong sariling genre—may spiritual na kung saan para matupad ang hiling mo, kelangan mo itong ipasa sa ilang tao na malapit sayo para magkatotoo. Eh kung paano kung loner ka? Walang friends? Walang mapasahan? O walang load? Hindi na mangyayari yung wish mo? Naisip mo bang ang unfair nun?
Meron ding thriller/horror type. Ito yung mga namatay dawn a nagkatawang text para manindak ng mga may cellphone. Pag nakatanggap ka raw ng ganun, kelangang ipasa agad dahil kung hindi, sa ilang araw daw, mamamatay ka o ang ibang mahal mo sa buhay. Or worst, pag natulog ka sa gabi, nasa ilalaim daw sila ng kama mo at sasaksakin ka. Isang besess nga nakatanggap ako, aba, imbis na matakot ako e tinawanan ko na lang. double deck kasi ang kama namin. Ako ang nasa itaas, at yung kapatid ko sa ibaba. Sinong sasaksak saken?
May mga romantic styles naman, mga tipong pag nakatanggap ka ng ganito, ipasa mo daw sa crush mo o sa taong mahal mo o kaya sa crush mo. Pagkatapos ng three days o fifteen days, magiging kayo raw. Aba, sinubukan ko nga, ilang araw, nagtext yung crush ko, ang reply ba namang “Hu u?” daw?! Simula nun, hindi ko na tuloy siya naging crush. Bad trip diba?
Isang araw, habang wala kaming prof, nagdaldalan lang kami ng mga kaklase ko nang sabay sabay kaming nakatanggap ng chain message. As usual, dinedma ko lang. wala ako samood magpasa, sayang oras sa chikahan eh. Tas wala pa akong load.
“Ano na naman yan? Bat kayo kinikilig sa chain message na ‘yan? Ipasa sa crush mo tas magiging crush ka din daw niya after 3 days tas rereplyan ka ng Hu u? tss. Sayang oras!”
“Cha. Tumigil ka nga dyan. Palibhasa kasi wala kang load kaya di ka makakapag-GM ng ganito.” Sabi nang kaklase ko saken. At some point, tama siya. Medyo pahiya nga ako eh.
“Oo na, ako na walang load. Basta walang kwenta ang mga ganyan. Teka nga. CR muna ako.” Tumayo ako tapos lumabas ng classroom para pumunta ng CR.
Habang umiihi ako, naisip ko, paano kung subukan kong mag-GM ng mga pinapasa sa akin for a change? Try lang naman. Wala naman sigurong mawawala diba? Ay meron pala. Pero syempre papa-unli muna ako. Para oks na okas. Pagtayo ko, naghugas ako ng pwet. Di lang pala ako naihi, natae din pala. Yikes! Oy, secret lang ha! >_>
Tumambay muna ako ng ilang minuto sa CR. Dini-disinfect ko yung sarili ko kasi baka mangamoy ako sa room eh. Nakakahiya. Paglabas ko, nakabunggo ako ng isang estudyante. Napa-sorry na lang ako sa kanya. Sabay silay nga kaunti sa mukha niya. Ay nako. Eeling ko matatae ak oulit—nagkabungguan lang naman kami ng SC President naming ubod ng pogi at talino! Arrgh! Nakakahiya! Baka ma-jerbucks pa ako. Mygahd! I suddenly feel butterflies—no, reticulated pythons in my stomach, I feel like I’m at the top of the Mt. Olympus Mons, I feel like drowning in a septic tank. Ohmy.. bakit ba masyado kang gawpo Mr. President? Why oh why? Masyado na akong nakatitig sa kanya kaya nginitian niya ako at pumasok sa CR ng boys syempre. Baka kasi nagkamali siya ng pasok, baka ma-rape ko siya ng wala sa oras. Yippee! Ba’t ganun? bigla tuloy akong nahirap huminga. Pero okay lang. nakita ko naman si Mr. President. Hoho.
Bumalik na ako sa classroom namin. Syempre, di ako nagpahalata, crush din kaya nila si Mr. President kow. Ayokong malaman nila na nakita ko siya. Ayun, proceed kami sa chikahan. Hanggang uwian, walang prof kaya nag-ayos na ako ng mga gamit ko.. kaso parang may nawawala. Teka nga, asan yung cellphone ko? Asa bulsa ko yun kanina ha? Wala naman sa bag. Shet. Nawawala yung ketay ko!? Maganda pa naman yun. Blackberry. Made in China, bought in Divi.
“Anong problema mo? May nawawala? “tanong ng seatmate ko.
“Yung cellphone ko eh . di ko mahanap. Nawala ata. Di ko laam kung saan =_=”
“Tongeks. Bili ka na lang ng bago. Wag ka na maghinayang dun. Wala namang load yun eh.”
“Sabagay, tama ka. Mumurahin lang yun eh. Sige, alis na’ko. Bye. Ingat ka.” Nag-wave bye kami sa isa’t isa tas lumabas na ako sa room.
Palabas na ako ng gate nang biglang mmay humarang sa pangalan ko. Isa yun sa mga kaklase ko. “Hoy bruha! Yung Blackapple mo, kung saan-saan nakakalat, di naman kagandahan, ipinamimigay mo pa!” whoa! Ang cellphone ko, nabuhay!
“Yup. Thanks. Saan mo ito nakuha?” actually, di ako masaya na makita ‘to. Bwisit. :-\Nabuhay pa. JK. ;D
“Galing lang ako ng SC, may nagsauli raw. Nakita ko to. Nalaman kong sayo. Wallpaper mo yung mukha mo eh.” Nga pala, SC Scretary tong barkada ko. At karibal ko pa kay Mr. President.
“Malay mo, may nagkakacrush saken, ako yung wallpaper haha.” Biro ko sa kanya.
“OO gaga, pwedeng panakot sa daga!” adik haha. Nagtawanan lang kami hanggang sa makalabas ng school campus.
Nung nasa bahay na ako, tumambay na lang ako sa kwarto, dahil walang assignment, ayun. Soundtrip sa sarili kong boses habang pagulong-gulong sa kama nang biglang magvibrtae yung fone ko. Wee. May nagtext.
1 message received.
Unknown number??
Uhm. Hey Mikky. I just received a message from a friend that if I want to have a girl to be mine, I should take the first text, approach her and talk to her. It was a chain message though. Nothing will lose anyway. So I tried.. I just want to say that , I’ve been crushing on you since our freshmen days. You’re true to yourself. Jolly, energetic, sweet and kind. I know I made the right choice for a girl that I would spend my life through. But I don’t know how to talk to you. I’m shy enough to show my true feelings and it hurt in my part. Now, I’m very much happy that I was able to text you. don’t bother asking you friends where I got your number. You’ll just get tired. And I don’t want that to happen to you okay?
I know you’re itching to know me:
Valentne’s day.
On our school’s Valentine’s Night.
The only brightest lamppost on the soccerfield, you’ll see me.
Time? I don’t know. But if you want to meet me there, I’ll be patiently willing to wait for you.
--MP
Teka. Anu to? Trip? Pero bakit ganun? ??? Alam niya ang pangalan ko.. maniniwala ba ako or what? Bigla na lang bumilisang tibok ng puso ko. Di ko alam kung bakit. Arrgh. Siya daw si MP. Sinong MP? Manny Pacquiao? Ngek. Michelle Pfeiffer? My Parents? Oh si.. MR. PRESIDENT ng SC?! :o Ohmygasss! :D :D :D :D Wala na akong ibang kilalang MP kung hindi siya lamang! Shet! Paano kung hindi siya? Ang feelingera ko lang. Pero sana, siya na lang diba? Kahit sa panaginip lang..
February 11 pala ngayon, three days na lang Valentines na.
>>FastForward<<
February 14 na. since Feb 11, di na nagtext si MP. Tss. Pinagtripan lang ata ako nung hinayupak na ‘yun eh. Umasa pa naman ako ng very light. Baka naman he’ll surpise me? Nako. Malabo. Haay. Hayaan ko na nga lang yung power trip na ‘yun. Walang klase sa buong university dahil nga may Valentine’s Fair. May mga tiangge, rides, game booths at mga food stalls. Syempreh appy-happy lang kami ng mga barkada ko.
“May concert mamaya sa soccer field, nuod tayo mamaya.”aya samen nung isa kong barkada. Bigla ko tuloy naalala si MP. Haay, tutupad kaya siya? Wah. Di ko alam!
8pm ang simula ng concert. 7pm pa lang pero marami nang mga students sa field. Malamang kasi libre lang yung palabas. Napagkatuwaan ako ng mga barkada ko na ako raw ang bumili ng drinks sa isang food stall. Ako naman si tanga, nagpauto. Ewan ko ba, kanina pa ako wala sa sarili! Bumili ako ng 5 coke in can. Syempre kanya-kanyang pera yan. Hello. Di ito libre noh! Pagtingin ko sa wrist watch ko, 7:57pm na. three minutes na lang, simula na yung concert kaya nagmadali na akong naglakad papunta sa pwesto namin. Ang epicfail naman kung di maganda ang pwesto ko sa entrance nung performers diba?
“Mikky!”
May narinig na naman akong tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko, thistime kinabahan ako ng todo-todo abot langit. Seryoso. Kahit natae pa ako sa kinatatayuan ko. Kaklase ko ‘yun eh. Di kami close pero bakit niya ako tinawag?.. F*ck! Maurice Perez ang pangalan niya! Siya si MP?! Bigla kong tumingin sa lamppost sa likuran niya, pati sa iba pang lamppost sa paligid..—ito ang pinakamaliwanag sa lahat.
Hindi kaya siya yung nagtext saken?!
“Oh bakit?” kinakabahan ako.. WAHH.
“Kanino yang mga coke?” tanong niya saken.
“Sa barkada namin. G-gusto mo?” binigyan ko siya ng isa pero di niya tinanggap. Yayakapin niya ba ako tulad ng mga napapanuod ko sa teleserye? >_>
“Hindi na. bibili na lang ako. Saan mo nabili yan?”
“Doon oh. 25 isa.” Sagot ko. Pero syempre nandito pa rin yung kaba ko.
“Ah okay! Sige thanks!” umalis na siya at ako naman nilingon siya, nagbabaka-sakaling lumingon siya at amining siya si MP..
PERO HINDI.
Napabuntong-hininga na lang ako. Abkit ba ako nagpapaniwala sa mga nagtetext ng ganun? Ang lakas ng trip. At ako naman si every loyal utu-uto. Tsktsk. ???
Maglalakad na sana ako nang makita ko si Mr. Prseident.. sa tapat ng lamppost kung saan nakatayo si Maurice Perez kanina. Lumakas ang tibok ng puso ko.. dahan-dahan kong tinignan ang lamppost. Mas lalo pa ‘tong lumiwanag. Mas maliwanag pa sa ibang lamppost sa paligid nito.
Pagbaba ko ng mukha ko, nasa harapan ko na si Mr. President.. katapat.. katapat na katapat. Nginitian niya ako, yung katulad ng ngiti niya saken nung nagkabungguan kami sa tapat ng CR. Pero mas gwapo siya ngayon..
“Nareceive mo na ba yung text ko three days ago?” tanong niya saken.
DUG DUG. DUG DUG. DUG DUG.
“Oo..”
DUG DUG. DUG DUG. DUG DUG.
“Ako si MP. Si Mr. President..”
DUG DUG. DUG DUG. DUG DUG.
“Oh my God.”
DUG DUG. DUG DUG. DUG DUG.
“Or you can call me Mallowine Preston..” hinawakan niya ang kamay ko ng sobrang higpit.. Na-realize ko, Mikky Pascual ang pangalan ko. Parehas kaming MP. *,,* :P :-[ “Sorry kung masyado akong torpe. Kinailangan ko pang maka-receive ng chain message na ‘yun para mapadalhan ka. But believe me Mikky, I’ve been loving you since 1st year pa tayo. When we bumped 3 days ago, muntik na akong himatayin sa sayang naramdaman ko. You said sorry to me. I might die. One word but it almost took a lifetime para magsink in saken na kinausap mo ako for the first time.”
Speechless ako. Yun lang.
“Di mo napansing nahulog ang cellphone mo from your pocket. At ako naman, dahil sa pagkataranta, di na naibalik sayo ang phone mo. Good thing that the SC Secretary is your classmate at naibigay niya yun sayo.”
“Ok lang kahit di mo na isauli yan. Wala namang kwenta yan eh. Saka walang load.” Sabi ko sa kanya. Narinig ko naman siyang tumawa. Ito ang unang beses na narinig ko siya ng ganun. Mas lalo ko syang nagusuhan.
“Eh di na kita maitetext nun kung itatapon ko diba?”
Ako naman yung tumawa, ang tanga ko talaga kahit kelan eh no?
“Sorry kung pinakialaman ko yung phone mo, kinuha ko lang naman yung cellphone number mo..”
“Okay lang..”
“At saka sorry din kung binluetooth ko sa phone ko yung solo pictures mo..” pinakita ya saken yung phone niya na may wallpaper ng mukha ko.. Medyo pahiya mode ako. Yung kanya kasi original Blackberry. Yung saken Blackapple—este china phone na BB. Kaderder diba? :P ;D
Nginitian ko siya. Pareho lang kami nagtitigan. Yung tipong enough na yung tinginan namin para masabi namin yung feelings namin sa isa’t isa. At yung puso namin.. sila lang ang nag-uusap. Bigla akong niyakap ni Mr. President este ni Mallowine Preston ng mahigpit, at ginantihan ko rin siya ng power hug ko. Haay. Kilig na kilig ako. Parang panaginip eh. Pero totoo. Pwede pala itong mangayari sa real life. Ang gaan ng pakiramdam ko pero pinabigat ito ng pagmamahal niya saken. :)
“I love you Mikky Pascual..”
“I love you too Mr. President, Mallowine Prestone. Nice name. parang ice cream lang.. ::)”
“Thanks. It is as sweet as me. You can taste it as well as me. ;)”
Pinalo ko siya ng mahina sa braso.. “You’re obscene.”
“Haha. You just misunderstood it. You can taste my love. ;D”
“Che lulusot ka pa.” kinurot ko siya sa pisngi tas niyakap ulit siya.
“Pero pwede ding ako. ;) :D”
:o
;D
“You naughty President!”
Haay. Ang sarap mainlove. Lalo na yung taong mahal mo, matagal ka nang minamahal ng di mo alam at siya pa ang naunang nagmahal sayo. Wala lang. feeling ko, ang haba ng hair ko.. In fairness, naka-isa sa akin yang chain message na ‘yan ha. Kung di napadalhan si Mallowine niyan. Forever na yang matotorpe at mawawalan na ako ng jowa na matalino, mabait, gwapo at SC President! Hoho! ;D ;D
Yung coke? Ito nasa akin pa rin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nakakaklig, hbng bnbasa ko to ang bground music ko, changes in my life, bumagay hehe.. nice your lucky :)
ReplyDeleteAng ganda ng story... Sana mg karoon rin ako ng story na ganyan. :')
ReplyDeleteang nice namn ng story...nakakakilig.....03/08/13
ReplyDeletepuwede po bang i share yo s page pero msy credit to owner???
ReplyDeleteshare ko din poh, sana pede ^_^
ReplyDelete<3 ang ganda nakakatawa din . hehe :D
ReplyDelete