-=CHAPTER 16=-

Janessa

YyyyaaaaaaaaaWwWnnnnnnnnn...

Umikot ako sa kama tapos sumilip sa relo na nakasabit duuuuuunnnn sa pader sa kabila nung kwarto ko... 9:00 na... Gwabeh... Aga pa...Pero op cors, dahil mabait naman ako, eh tumayo na rin ako para naman paggising ng mga people eh may almusal na sila...

Ava'y wait-a-minit...

Napaupo akong bigla tapos tumingin dun sa tabi ko... Nasan si Jodi? Tumayo na ko, suklay muna tapos itali sa ponytail... Lumabas ako ng kwarto -- and voila! Avaah, gising na ang mga people -- kahit ang tulog mantika na si Joshua!

Joshua: (nung nakita ako) Uy, nagising ka pa... Anong petsa na?
Ako: Shut up...
Joshua: (lumapit sa'kin) Tingnan mo toh, aga-aga, lumalabas nanaman pagkasungit mo...
Ako: Tingnan mo toh, aga-aga, binubwiset nanaman ako...
Richie: Weh, tingnan nyo nga kayong dalawa, aga-aga, may LQ na kagad...
Mark: Sya, sige...Mag-tinginan na kayo...

Tumingin ako sa lamesa... Okay na, nag-aalmusal na sila... Umikot na ko para bumalik sa kwarto ko...

Jodi: Oh, Nessy, san ka pupunta? Di ka ba kakain?
Ako: Mag-sshower lang ako...

Pumasok ako ng kwarto, at kinolekta ang aking mga parapernalias sa pagligo... Di ko napansin na nasa likod ko pala si horsey hanggang kinalabit nya ko... Syempre, ako naman, eh napatalon sa gulat! Horsey talaga toh!

Ako: (ikot para tumingin sa kanya) Anoh ba?! Bibigyan mo ba ko ng heart attack?
Joshua: Heart attack? Nagkaka-effect na ba ung mga kinakain mong cholesterol?
Ako: Anong cholesterol?! Che! Bakit ka ba nandito? Samahan mo kong magshower?
Joshua: A-ano?!? Sira!
Ako: (natawa) Joke lang! Kaw naman!

Wahehehe... Namumula si horsey oh...wahahahaha... As if naman seryoso ako noh...

Ako: Oh ano nga? Bakit ka nga nandito?
Joshua: Kaseh, ung sa kagabi...
Ako: Ano kagabi?
Joshua: Ung narinig mo...

Oh my golay... Na-sspeechless pa pala ung kapal na mukha nyang toh... Sasabihin lang eh...

Ako: Ung sinabi mong bakit di na lang pwedeng dalawa kame ni Trixie?
Joshua: A-ano...

wahahahahaha... Bumalik nanaman lahat ng dugo nya sa mukha ni horsey...wahahaha...sobrang pula ah...

Joshua: Di naman ako seryoso nun eh... Biro lang un...
Ako: Alam ko naman noh... Kaya nga unan lang binato ko syo eh...
Joshua: Ano?! Kung totoo pala un eh mas matindi pa ibabato mo sakin?!?
Ako: Abah syempre noh
Joshua: Amazona ka talaga...
Ako: Anong amazona?! Gusto mo bigyan na kita ng sample kung anong ibabato ko syo?
Joshua: (tumawa) Di na, oy!

Umikot na sya para lumabas ng kwarto...

Ako: Nga pala, horsey...
Joshua: (tingin sa'kin) Oh?

Tinitigan ko syang mabuti, tapos hinawakan bigla ung noo nya...

Joshua: A-anong ginagawa mo?
Ako: Bakit ang aga mong nagising? May sakit ka ba?
Joshua: Ano?! (tinanggal ung kamay ko) Kaya kong gumising ng maaga kung gusto ko noh...
Ako: Owwwwsssss?
Joshua: (bulong) Tsaka binulabog ako nina Ralph eh...
Ako: Aha! Sabi na nga ba end of the world na pag gumising ka ng maaga ng sarili mo eh!
Joshua: Heh!

Tapos nun, lumabas na si Joshie... hehe...sarap talaga asarin ni horsey... haha... Ang cuuuutteeee nya pa pag namumula -- kahit once in a blue moon lang un mangyari..hehe... Pumasok na rin ako sa banyo para magshower...

~~~

Nag-stay pa ng konting oras ung mga people bago magkayayaan umuwi... Mga... hmmm... limang oras siguro...hehe... Napasarap ang mga loka sa pagkkwentuhan eh... Nung nagdecide na silang mag-uwian, eh nanghingi pa ng mga pabaon... Syempre, silip naman ako sa ref kung anong meron... nung wala akong makita eh pumunta ako sa kwarto ko... may kinuha lang sandali tapos bumalik na dun sa anim...

Ako: Oh ehto, pabaon...

Nilabas nilang lahat ung mga kamay nila...

Ako: Piso para syo, piso para syo, piso para syo...
Richie: Nakoooo poooohhh!!! Ano namang gagawin ko sa piso?!?
Arianne: Sa hirap ng buhay ngayon, wala na tohng mabibili noh...
Joshua: Kayo naman, nanghihingi kayo ng pabaon tapos ngayon binigyan nagrereklamo kayo...
Ako: Uu nga... Tama, horsey, sige, pagtanggol mo ko..
Joshua: Kasalanan ba ni Janessa na talagang kuripot sya?

Nyekz...Ok na sana eh...

Ako: Ano ba... Kala ko ba kakampi kita...
Joshua: (tingin sa'kin) Oo nga... Kinakampihan na nga kita di ba?
Ako: Che... Maghanap ka nga ng kausap mo...
Richie: Ay, sige na... Pa-sweetums pa kayo dyan, pagsasapakin ko kayong dalawa eh... Halika na nga at baka wala pa tayong masakyan...

Tumingin ako sa relo...

Ako: If you want, ihahatid ko na kayo...
Richie: Eh?
Ako: Sure... May kailangan din naman akong bilhin eh..
Joshua: Anong bibilhin mo?
Ako: (tingin kay Joshie) Ay di mo ba napansin? Halos wala nang laman ung ref...
Joshua: Ahhhh...hehe... Mamimili ka...

My golay... Naiwan nanaman yata ni horsey ung tenga nya kung saan...

Joshua: Sama na ko...
Ako: anoh ka? Di na tayo kasya sa kotse noh... Gusto mo sa bubong ka..
Mark: Yehey!!! Hahatid tayo ni Nessy!
Ralph: Di na tayo maglalakad!
Joshua: Mga ul*l! Ang lalapit lang ng bahay nyo, ihahatid pa kayo!? Di na kayo kasya noh!
Mark: Iwan kame?
Ako: Sorry.. Ung apat lang kaseh na medyo malayo ang kaya kong ihatid eh... Kung gusto nyo, (ngiti kay Joshua) pahatid na lang kayo kay Joshua...
Joshua: Hala! Ano ka!? Sayang pa gasolina ko dyan sa dalawang yan!
Ralph: Kuripot ka talaga! Kuripot!
Mark: Kuu-riii-pot!!

Pak! Pak!

Haaaayyyy...nabatukan na naman ung dalawa...

Mark: Nessy oh...
Ako: Ay nako, tara na nga... (tumingin ako kay Joshua) I'll be back as soon as possible, ok? Wag kang lalayas, di ko dala ung susi!

Tapos non, naglabasan na kame... Naglakad na pauwi sina Mark at Ralph, tapos nagpasukan na sa kotse sina Paolo, Arianne, Jodi, tsaka si Richie... Round-trip muna kame... Tapos unang bumaba si Jodi... Si Richie sunod, may pahabol pang flying kiss kay Paolo...

Paolo: (pagkalabas ni Richie) Brrrr... Feeling ko na-rrape ako nung baklang un eh...
Ako: Yaw mo nun? May sobrang attracted syo?

After ilang ikot, si Paolo naman binaba ko... Ilang ikot uhlet, nakita na namin ung condo ni Arianne...

Ako: Yan na, layas na...
Arianne: Langya ka, di mo man lang ako ma-mimizz?
Ako: Sira... Magpapasukan na noh... Araw-araw nanaman kitang makikita..
Arianne: Kailangan bang ipaalala un?
Bubuksan nya na sana ung pinto nang bigla syang matigilan...Eh di syempre, napatingin ako... Baka inaatake na ng epilepsy, di ko pa alam...

Ako: Oh?
Arianne: Janessa, about kay Patricia...

Sino raw?

Ako: Sino?
Arianne: (humarap sa'kin) Si Trixie...

Ahhhhh... Patricia ba totoong pangalan nun..

Ako: Ahh... oh, ano?
Arianne: Wag mong hayaang gumitna snyo ni Joshua un...
Ako: H-ha?!? A-ano bang sinasabi mo?! Eh di naman kami ni Joshua... Pano may gigitna?!?
Arianne: Ahsuz, lokohin mo yang lelang mo... Obvious na obvious naman na may chuva-chuchu ka dun sa horse ng knight in shining armor mo...
Ako: H-hinde ah!

Ganon ba ka-obvious?!? Shuckz...kahiya naman to the bones...

Arianne: Wag ka na ngang mag-deny... Pero anyway, all I'm trying to say is, wag kang mag-gigive up kay Joshua... Mahal ka rin nun eh...

Sure... Mahal din ako nun eh... And maybe, totoong nag-eexist si Santa Claus...

Ako: Ano ka ba? Si Trixie mahal nun noh...
Arianne: Haller?!? Past is past noh... Medyo may pagka-stupid lang yang si Joshua kaya di nya pa napapansin un...
Ako: Saan ka nga uhlet pupunta sa usapang toh?
Arianne: Kaseh nga... Masyadong na-hang up yang si Joshua kay Trixie na feeling nya eh hanggang ngayon eh mahal na mahal nya pa rin un.. Di nya makita na nag-fade na ung time nila... Suz, kahit si Trixie nakikita na faded na ung "love" nila for each other na sobra na selos nya syo eh... Shtuuupid lang talaga si Joshua...

Malamang ilang beses nang nakakagat ni Joshua dila nya... hehe...

Arianne: Kitang-kita naman ng world kung pano ka tingnan ni Joshua noh... Ay grabeh, gustung-gusto ko na ngang mag-wish upon a star pag nagtitinginan kayo...

Anong tingin? Ung pang-aasar nya? May stars dun? Bakit isang malaking bola ng sun ang nakikita ko? --- nag-aapoy sa asar...hehe...

Ako: I don't get what you're talking about, pero, oo na lang ako...
Arianne: Namamana mo na pagiging slow ni Joshua ha... (binuksan na ung pinto) Pero anyway, think of this ha... Di ba nga, most people stare at the closed door for so long na di nila napapansin ung bagong door that had been opened for them... Batuhin mo kaya uhlet ng unan para naman matauhan na at makita ka..

Bumaba na si Arianne, tapos sinarado na ung pinto... Pinanood ko lang sya sandali na makapasok tapos reflect-reflect muna ako ng mga pangyayari..

Hmmmmm.... Isip... Hmmmmm again... Isip isip... Hmmmmmmmmmmmmm...

Waaaaahhhhh bubwit! Imposible namang mahal ako ni Joshie eh halos magkandarapa nga sya sa paghabol kay Patricia -- Trixie -- whatevah!

Hinalungkat ko sa likod ung bag ko para tingnan kung magkano ba dala ko... Abah, mamimili ako, di ko naman alam magkano dala ko...


Erase-erase-erase na nga yang "mahal-mahal-chuchu" na yan... Kahit ilang unan ba ibato ko kay horsey, di lilingon un noh...

Eh hollowblocks kaya ibato ko? hehe...

Avah...wait-a-minit...

Hinalungkat ko uhlet ung bag ko... Nasan wallet ko? Ay gaga... Naiwan ko sa cabinet sa kwarto ko...

Haaaaaayyyyyyyy...

Mu~g kailangan ko pang bumalik sa apartment nito... Sayang gas... tsk tsk tsk...
Janessa

Tumakbo ako paakyat ng apartment, tapos pasok na lang... Loko talaga ung si Joshua, di nanaman ni-lock ung pinto... Speaking of the horse, nasan nga ba un? Narinig ko ung shower sa kwarto nya, so malamang eh nag-sshower ano nga?

Pumasok ako sa kwarto ko, as a reflex, sinara ko ung pinto, tapos tsaka ako naghalungkat sa cabinet ko para sa aking mahiwagang wallet...

"Josh? Josh?"

Whoopsidaisies...

Na-freeze akong bigla... Oh my golay...totoo ba itich?
Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan ko, binuksan pa rin ng dahan-dahan tapos sumilip sa labas... Ahyun na nga! Sya nga! Si Trixie oh...

Kabute talaga tohng babaeng toh, bigla-biglang sumusulpot...

Sinarado ko uhlet ng dahan-dahan ung pinto... Di ko alam kung napansin nya ba ko since nakatingin sya sa kabilang direction... Pero I ain't gonna go out while she's still outside! Ooooohhhh awkward awkward awkward awkward awkward...

Haaaaaayyyy...

Narinig kong bumukas ung pinto ni Joshua... Malamang narinig nya na ang calling ng kanyang maiden fair... Umupo ako sa sahig, tapos sumandal sa pinto... Oh well, mu~g stranded pa muna ako dito...
Joshua

Napatayo ako sa labas ng pinto... Langya, bagong bihis, tumutulo-tulo pa ung buhok ko from the shower... Pero nung narinig ko ung boses ni Trixie, halos di na ko nag-tuwalya... Diretso bihis na, tapos labas...

Ako: Trix... A-anong ginagawa mo dito?
Trixie: (napangiti) Haven't you heard? May nakaimbento na ng tuwalya...
Ako: Uh...eh...

Pahiya ako dun ah...

Trixie: Anyway, I came coz I want to apologize dun sa nangyari last time... That was very rash... And I shouldn't have destroyed your guitar...
Ako: Okay lang un...

Tumingin sa paligid si Trixie...

Trixie: Nandito ba si Janessa?
Ako: Wala eh... May binili...
Trixie: Ahh... That's good.. Coz I don't want her to hear this conversation...

gulp.. bakit kaya?

Lumapit ng konti sa'kin si Trixie, tapos tumingin sa mata ko...

Trixie: Tell me the truth, Josh... Janessa... Does she really mean so much to you?
Ako: A-ano? A-anong ibig m-mong sabihin dun?
Trixie: You know... Do you feel something for her? Gano na ba sya ka-espesyal syo?

Ano bang tamang isagot sa mga tanong na toh ha?

Ako: S-si Nessy... We're just friends -- roommates... Wala nang ibang relasyon... *gulp* If she ever means something to me, eh dahil un sa kaibigan ko sya... Parang sina Paolo... They mean a lot to me dahil ka-tropa ko ung mga kumag na un...
Trixie: Are you sure?
Ako: Yeah... And if she ever becomes special to me, you should know, she'll never be as special as you are to me...
Trixie: Really?
Ako: Really.

Tumingin si Trixie sandali sa'kin, tapos dun sa pinto ng kwarto ni Janessa... Napangiti sya ng konti, tapos bumalik ung atensyon nya sa'kin...

Trixie: That's good to hear.

Umikot na sya para umalis...

Ako: Sandale, san ka pupunta?
Trixie: I already asked what I wanted to ask, so I'm going home..
Ako: San ka ba nakatira ngayon? Hahatid na kita..

Ngumiti uhlet sya sa'kin tapos sumulyap dun sa pintuan uhlet ni Janessa...

Trixie: You don't have to worry about me... Go worry about something -- or SOMEONE -- else... Bye, Josh... I'll see you soon...

Tapos nun, umalis na sya... Wala na... Ka-poof! Ehwan ko ba kung nagpaparinig sya nung sinabi nya ung mag-alala raw ako about "someone"...eh! ehwan!

Biglang natigil ung pag-iisip ko nang all of a sudden eh bumukas ung pinto ng kwarto ni Janessa...

Multo!!?!?

"Oh my gosh..."

Nanlaki mata ko nang makita ko si Janessa na lumabas ng kwarto nya... T-teka... A-anong ginagawa nito dito?!

Janessa: (tingin sa'kin) Akala ko mamamatay na ko sa gutom dun... Grabeh, ka-choke ang tension ha!
Ako: K-kanina ka pa dyan?
Janessa: Nah! Lumipad ako galing sa labas tapos pumasok sa bintana ko... Haller?!? Whatchu tink, horsey? Nakita mo ba kong pumasok?

Uh-oh...

Ako: N-narinig mo lahat un? B-bakit di ka nagpakita?
Janessa: Ano ka ba naman? Eh di nakaistorbo pa ko... Di ba, di mo alam na nandun ako -- though parang nakita yata ni Trixie nung sinilip ko sya -- eh di nakapag-usap kayo...heart to heart...

Sumilip sya sa salamin sandali tapos tumingin sa'kin...

Janessa: Okay ka lang, horsey? Namumutla ka...
Ako: K-kung kanina ka pa don, i-ibig sabihin... Narinig mo lahat un...
Ngumiti sa'kin si Janessa...

Janessa: Yup... Heard it right from the beginning...

 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures