-=CHAPTER 17=-

Joshua

Napatitig lang ako kay Janessa... Iniisip kung anong gagawin ko... Tatakbo na ba ko o hihimatayin? hehe... Tahimik lang din na nakatingin sa'kin si Nessy... Nakakapikon talaga pag ganitong di mo mabasa kung anong iniisip nung isang tao... Haaaayyyy...

Janessa: (tumingin bigla sa relo) Oops... Gotta go... Hinihintay na ko nung grocery...
Ako: Di ka pa namimili?
Janessa: Naiwan ko kaseh ung wallet ko, kaya bumalik ako...

Bwiset na wallet yan! Nagpa-iwan pa!

Ako: A-ano... Nessy...
Janessa: Hmm?

Ano bang iniisip mo?!?!?

Umupo ako dun sa couch, tapos sinabihan syang maupo sa tabi ko...

Janessa: B-baket? Anong meron dyan? May daga ba dyan?! Nako, horsey, pag dyan lang may daga, ipapakain ko syo un!
Ako: Anong daga? Wala noh! (napaisip) Pero tatandaan ko un for someday...
Janessa: Sipain kita dyan eh...

Umupo naman sya sa tabi ko... nandun ung proper space, at ang walang kamatayang awkward silence...

Ako: Nessy... Galit ka ba?
Janessa: Bakit?

Di ako makatingin ah! Baka biglang umiyak toh... O kaya bigla akong sakalin! Ilambitin patiwarik sa labas!...Oh hindeeeeee!

Ako: D-dahil dun sa mga narinig mo... Ung mga sagot ko sa tinanong ni Trixie...
Janessa: Ay suz! Un lang? Di ako galeet noh...
Ako: No, really... (tumingin na ko sa kanya) It's okay if you wanna punch me...
Janessa: Ayoko nga...
Ako: Kick me?
Janessa: No...
Ako: Bite me?
Janessa: Eh batukan na kaya kita ngayon?
Ako: So you ARE mad!
Janessa: Oh, shut up...

Tumahimik naman ako... Baka nga bigla akong kagatin, wala pa namang anti-rabies yan...

Janessa: I understand naman why you said those things eh...

Napatingin uhlet ako sa kanya... Nakatingin lang sya dun sa carpet sa paa namin...

Ooooohhhh... mu~g seryoso na ah...

Janessa: I'm not trying to come between you and Trixie... Alam ko naman na sa tagal ng pinagsamahan nyo, syempre may bond na kayo na kahit ako hinde ma-bbreak...

Ngumiti sya ng konti... Ako naman, eh ehto, inaatake na ng guilt...

Janessa: I don't want to compete with Trixie din... Kaseh di ko naman mapapantayan ung mga nagawa nya na... Di naman ako mabibigyan ng opportunity na makipag-all-out-war sa family ko, dahil ginayuma mo na silang lahat...
Ako: Anong gayuma? Kasalanan ko bang lovable ako?
Janessa: (tumingin sa'kin) Joshua, horsey ka, hinde puppy...

Hala! Anong ibig sabihin nun?! Di ako cute?!

Janessa: So, anyway, I kinda understand how Trixie feels... Like me, gusto nya lang din na makasama ka, at least for a while... Nung naisip ko un, I felt closer to Trixie, somehow, coz we're sharing something that no one else understands...
Ako: (bulong) Nessy...
Janessa: (ngumiti sa'kin) That's why I decided not to let these things bother me anymore... After all, I can't tell you to forget about her, o kaya naman iwasan mo sya...Coz that would be unfair to both of you, tsaka, as if naman kaya mo... (tumawa) Wag kang mag-alala, di kita minamaliit...ang lake-lake mo nga eh! All I'm sayin is, I'll just be here, mag-work out man kayo ni Trixie or hinde...ok?

Napatango na lang ako... Eh anong sasabihin ko?
Biglang tumayo si Janessa...

Janessa: Okay! Now that THAT's clear, eh pupunta na ko sa grocery.. Naghihintay na dun ang aking mahiwagang rocky road ice cream... (tumingin sa'kin) Sama ka, horsey? Ibibili kita ng carrots... or oatmeal na lang kaya?

What the--!?
Ako: (biglang tayo tapos sigaw sa kanya) Langya ka! Di ako kabayo!
Janessa: (tumatawa habang nagstep back) Hehe... uu na, horsey... ree-lax... Nagmumukha ka lalong horse eh...
Ako: Heh!

Lumakad na ko paalis sa living room tpos kinuha ung susi ng apartment sa may lamesa...

Ako: Halika na nga! Bibigyan mo nanaman ako ng high blood eh!
Janessa: (sumunod sa'kin tapos sinilip ung mukha ko) Eh? Hinahigh blood ang horse?
Ako: Sasakalin na kita eh!
Janessa: Pano? Wala namang fingers ang horse?
Ako: (ni-lock ung apartment) Manahimik ka na nga! Ang daldal mong meatball ka!
Janessa: Ooooh, alam ng horse ang meatball? Kumakain ba kayo nun? May halo rin bang tomato sauce?
Ako: Nesssssyyyyy!!!!!!

Tumawa ng tumawa si Janessa habang pumapasok kame sa kotse ko... Bubwit talaga tohng babaeng toh... Lakas nanaman ng topak!

Napangiti ako... Pero gusto ko sya nang ganito...


Ung malapit sa'kin...kinakausap ako -- kahit sukdulan na pang-aasar pa ang favorite past time nya...
At least...

nandito sya...
Janessa

Sit on the bed alone, staring at the phone..
He wasn't what I wanted, what I thought, no..
He wouldn't even open up the door..
He never made me feel like I was special..
He isn't really what I'm looking for..

Ugh...bubwit...

Stretchingness ako para patayin ung alarm clock sa nightstand ko... Langya, 7 AM na kagad?! Parang kailan lang eh nag-eemote-emote pa ko dito sa kama ah... Waaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh... back to school na...

Tumayo na ko... wala na rin namang magagawa ang beauty ko kung magpapaikot-ikot ako sa kama noh... di naman nun pipisatin ang school ko... Punta ako sa kusina para magluto na ng almusal... Maya-maya pa sigurado gigising si horsey -- mantika un eh... hehe...

Si horsey...

Yah...ok naman kami kagabi... Ikot kame sa grocery, bili ng beef, pork, chicken, konting veggies, mga canned goods, milk, eggs...Bili kame ng stock for a whole month na, at pinagdebatehan na rin kung ano bang nauna, chicken or the egg? As usual, di nanaman nagpatalo ung horsey, kaya hanggang sa ice cream ko eh pinagdidiinan na nauna raw ung egg -- di naman masagot kung san galing ung egg...

Ahyun...okay naman kame...kahit after nung mga narinig kong words na kavoom-pooosh! sa aking heart... I mean, totoo naman ung mga ka-dramahan ko kagabi about sa kanila ni Trixie, pero syempre di ba? Hindi ako si darna...wala akong lakas at kapangyarihan upang hindi masasaktan...Ako ay tao lamang... May puso rin at damdamin...

Teka, mali na yata ung lyrics ah...wahehe... di ko na maalala ung sunod...

Pewo anyways, un nga... I told him the trut and nothing but the trut, so help me god... Upbeat pa nga ako buong oras na magkasama kame sa grocery store, hanggang sa pagkain namin sa jollibee, at pag-uwi namin at pagpapak ng ice cream hanggang 10:30...

Un nga lang, pagdating ng dilim... mag-isa sa kwarto...woooooooohhhhh... Nabigyan na ko ng chance na mag-todo emote, kaya un, reflect ako... haaaaaaaaaaaaayyyyyyyy...wala naman talaga akong magagawa kung close si Joshie at Trixie eh... kaya shut up na lang ako...

Pagkatapos kong magluto, kumain na rin ako... Tapos punta na sa banyo para maligo...
Tinatowel-dry ko na ung legs ko para magshave nang mapansin ko: mapurol na pala ung razor ko...sheesh...

Isa lang ang alam kong sagot dito.... Kidnappin ang razor ni Joshie!

Un, balot ng towel, eh dahan-dahan akong pumunta sa kwarto ni Joshua para hiramin -- hiramin lang ha -- ung razor nya... Nung nakita ko na, eh di kinuha ko tapos balik na sa kwarto ko, sa sarili kong banyo... Avaaaaahhhh...mas maganda pala talaga mag-shave ang razor ng lalake...bahket ganon? sexist! hehe...

Nagbihis na ko...Halos 9 AM na nga nung matapos ako eh...Abah, tulog pa rin ang mantika... baka atakihin naman ako ng guilt pag di ko ginising kaya bago ako umalis, eh magsisilbi muna akong alarm clock..

Pumasok ako sa kwarto nya, tapos umupo dahan-dahan dun sa tabi nung sleeping horsey...

Ako: (bulong habang tinutusok ung braso nya) Horsey... hhooooorsssseeeyyyy...
Joshua: (mumbles) Anoh ba?
Ako: Hhoooorseeeyyy..tumayo ka na dyan, may pasok ka pa...
Joshua: Oo na... (umikot sa kama)

Langyang toh... Talikuran ba naman ako... Abah, tumayo nga ako... Wait lang, bwelo muna... Tapos takbo, at talon sa kama ni horsey! yahooo! Talon! Talon! Talon! Talon! Talon! Talon! Talon!

Joshua: (biglang napatayo) Huy! Anoh ba?!?!

Tumigil na ko...tapos bumaba ng kama...ayos muna damit ko, nawala ang poise eh...

Ako: (ngiti kay Joshua) Yan, gising ka na... Sige na, horsey... Vavush na... Papasok na ko... Ciao!

Lumabas na ko ng kwarto ni Joshua... Malamang umuusok na tenga nun... hehe... Sarap talagang asarin ni horsey! Lalo na pag ganito kaaga! haha...
Janessa

Pumasok na ko sa parking lot ng school, diresto papunta sa aking official parking space... not naman na may name ako dun na naka-assign, inangkin ko lang talaga, and dahil laging kotse ko naka-park dun, eh inassume na ng mga people na reserved un... haha...

Malapit na ko sa aking parking space nang biglang mapansin ko na may kasalabong ako...eh di syempre, nagbigay ako para maka-diretso sya... Ganda pa naman nung car, sayang kung magagasgasan ko lang...

Ava'y wapaw!

Hinde dumiretso ang mokong! Instead, lumiko sya tapos nagpark dun sa parking space KO! sa space KO!!! Pahiya ang beauty ko, pinagmamalaki ko pa naman kaninang inangkin ko na ung parking na un oh...

Tumigil ako sandali, tapos nakita kong bumaba ung driver... Nako poh! Kung yan lang din naman ang mang-aagaw ng parking space ko eh, sige na... sa kanya na! Ibabalot ko pa at lalagyan ng wrapper!

Ang gwa-apoh!!!

Biglang tumingin sa direksyon ko ung driver... Syempre, pahiya nanaman ako... Nahuli akong nakatitig eh... Tumingin sya dun sa kotse nya, tapos lumakad papunta sa'kin...

Mr. Papable: Uh, miss, anoh, dito ka ba sana magppark?
Ako: Uh, oo sana eh... kaseh nasanay na kong dyan lagi nakapark...

Ang wafu naman ng mokong na toh! Teka, namumula ba ko?

Mr. Papabe: Ay, sorry ha... sige, lilipat na lang ako...
Ako: Nako wag na! (ngumiti ako) Okay lang, dun na lang ako sa tabi mo magppark... Mag-aaksaya ka pa ng gas pag lumipat ka pa eh...
Mr. Papable: Sigurado ka?
Ako: Yup, don't worry... Shoo shoo ka na, baka masagasaan pa kita...

Napangiti si Mr. Papable, at nako poh, B-E-A-M Beam smile! Smile kaming mag-Beam, Beam na Beam ngipin protektado... Kalaglag mata ang smile... wahehe...

Lumayo na sya ng konti, tapos ako naman eh nagpark na dun sa tabi ng parking space ko na pinahiram ko muna kay Mr. Papable... Smiley Paglabas ko, nilapitan nya ko...

Mr. Papable: Thankz ha... Tsaka sorry na rin... Di ko talaga alam na may reserved pala dun eh...
Ako: Okay lang un noh... Tsaka di naman reserved un... Kinarir ko lang...
Mr. Papable: (natawa) Ah, ganon? Sige, bukas, papakarir ko na uhlet syo... Dun na ko magpapark sa tabi nun...
Ako: Okay...

Napatingin ako dun sa mga stone table sa kabilang dako ng grounds... may tatlong tao na, nandun na sina Richie... Tumingin uhlet ako kay Mr. Papable...

Ako: Sige na poh, una na ko... See you na lang around, okay?
Mr. Papable: Okay... thankz nga pala uhlet...

Tapos nun, umikot na ko, tapos naglakad papunta dun sa official morning tambayan namin nina Arianne, Richie, at Jodi... Lahat na lang "official" noh... wahehe... Kinarir na rin namen toh eh...
Pagdating ko...

Arianne: Oist! Anong petsa na? Tagal mo ah!
Ako: (nilagay ung bag ko sa table) Sorry... Ginising ko pa si horsey eh... Tulog mantika kaseh...
Arianne: Whoo, anoh, binuhusan mo na naman ng tubig?
Ako: (umupo sa tabi ni Richie) Hinde ah... Jumping alarm clock ang drama ko kanina...
Richie: (tumawa) Ay, ang taray! Nahulog ba?
Ako: Hinde eh... Napatayo lang...
Jodi: Speaking of Joshua, musta na kayo?
Ako: Anong musta na kame?
Richie: Ay, suz, tinatanong pa ba yan? Eh sa drama ba naman ng life nyo...
Arianne: Di pa ba nagpapakita si Patricia?
Richie: Oo nga... di ba umeeksena ung Trixie na un?
Ako: Well...

Kinwento ko sa kanila ung bisita ni Trixie, at ung mga pinag-usapan nila ni Joshua... Ung ibang sagot ni Joshie.. Ehto nanaman ung bang! bang! sa heart ko... Itz hurtz! Pero...hmpf! remind uhlet the self na magiging okay lang akowh... Ma-gan-daah a-ko!

Jodi: OMG! Sinabi ni Joshua un!??
Richie: Nako, masasakal ko yang horsey mo!
Ako: Okay lang un noh... Kayo naman... Lam nyo naman di ba pag first true love...

Bang! Bang! Pow! Araaaayyy....

Ako: Hirap ma-forget...Hung up pa for a long time... lalo na since by force pa sila nagkahiwalay...
Arianne: Ano ba yan?! Pa-martyr ka pa dyan, kung ako un eh tinulak ko na sa bangin un! Grrrrr...

Pinagpapawisan ako sa mga toh ah...

Ako: O-okay nga lang... Anoh ba kayo? Tsaka, ok na nga kame...la naman masyadong nag-iba...

La ba?

Richie: Ay nako, sa diname-dame kase ng mamahalin mong gandaxa ka, eh ung shtufid pa...
Ako: A-ano?! A-anong m-mahal?
Richie: Nako, showbiz ka pa dyan, eh obvious nman na chuva chuchu mo sya noh...

Napatingin ako sa kanilang tatlo... Ibig sabihin, di lang si Arianne nakapansin? Ay suz! Gano ba ko ka-transparent?!?

Jodi: Sinabi mo ba sa kanya kung ano feelings mo?
Ako: H-hinde ah!
Arianne: Di nya na kailangan pang sabihin un noh... Halata naman sa pag-alala pa lang nyang si Nessy na may toktokitok ang heart nya for him... Kahit naman si Joshua napansin na un... in denial pa nga lang ung loko...
Richie: (tingin kay Arianne) Really? You think? Nako, may mental defects din pala ung papable na un... Sayang naman...
Jodi: Ganon ba talaga sya ka-hung up dun sa Trixie na un? Pano si Janessa?

Parang silang tatlo na lang nag-uusap ah..

Richie: Oo nga... grabeh, pang telanobela ang buhay!
Arianne: Kawawa nga si Nessy eh.. tsk tsk...
Ako: Oh sige, tama yan, di kayo naririnig ni Janessa...
Jodi: Kawawa nga talaga...

Hala! Dedmahin ba ko!?

Ako: Mga bruha kayo...

Haaaaaaaaaaayyyyyy...

Hinayaan ko na lang silang mag-usap... Dedma ang beauty ko eh... Di fair, three against one... Haaaaaaaaayyyyy...Nung tumunog ung bell, nako, laking pasasalamat ko dahil makakapunta na ko sa klase ko FAAAArrRRR away sa tatlong toh...

 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures