-=CHAPTER 18=-

Janessa

Yaaaaaaaaaaaaaaawwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwnnnnnnnnnnnn nnn...

After 10 years, natapos na rin ang first day ng klase...Di ko man lang na-miss mga pagmumukha ng mga prof ko...hehe...

Naglalakad ako sa parking lot papunta sa kotse ko nang biglang may napansin akong mga babae na nakatambay dun sa isang kotse na dadaanan ko..
Ay suz... Sa dinami-dami naman ng makakasalubong oh... Toh pang three witches na toh...
Nung napansin nila ako, tumayo silang tatlo.. Langya, bawat oras na lang ba na nakikita ako ng mga toh eh haharangin ako para lang sumbatan... Una, dahil kay Joshua.. tapos di ko raw mapaplitan si Trixie.. Eh bubwit... sino bang may sabing papalitan ko un?

Witch 1: (ngiti nang masama) Well, well... Look who's here...
Ako: Yeah well... It's a free country kaya dito ako dumadaan...
Witch 2: So, anoh? Na-realize mo na ba na di mo mapapantayan si Trixie...
Witch 3: Dikit ka pa ng dikit kay Joshua namen...
Ako: Di ako glue para dumikit noh...

Naglakad na ko para ikutan sila, kaya lang, humarang eh... tataba kaseh.. wahehe...joke lang..

Ako: Pwede ba... Padaanin nyo na nga ako... uuwi na ko eh...
Witch 1: Bakit di ka pa mag-move out sa apartment na un?
Witch 2: Oo nga, eh singit ka lang naman dun...

Langya, alam na yata ng mga toh lahat ng nangyayari sa buhay ko eh -- o sa buhay ni Joshie...
Wahahah.. stalkers!

Witch 3: Kapal ng face mo na mag-stay pa dun...Tingnan mo, lumalabo tuloy relasyon ni Trixie at Joshua... Dahil syo, di sila magkabalikan!

Kavoom!

Ako... ako... ako... puro na lang ako... Kasalanan ko ba na dun ako pinatira ng destiny (at ni Kristine)... Tsaka, ayaw akong paalisin ni Joshie eh, bakit ba?!

"Hoy, mga piglets kayo! Ano nanamang ginagawa nyo kay Nessy!?"

Tumingin ako sa likod para tingnan kung sinong dumating... Well, sa boses pa lang pala eh alam ko na... Sina Richie at Arianne nandun sa likod ko...

Witch 1: (kay Richie) Pakielam mo ba? Di mo gulo toh noh!
Richie: (tumabi sa'kin) Aba! Sumasagot kang bruha ka?! Inaaway nyo nanaman tohng si Nessy noh!? Ay nako, mga insecura kayo! Di

nyo matanggap na may nagustuhang iba si Joshua noh!? Mga malalandi kayo, eh magagawa nyo ba kung di kayo pinapansin ni Josh... Papanget nyo kaseh!

Whoa!

Ako: (bulong kay Arianne na tumabi rin sa'kin) T-tama bang sabihin nya un?
Arianne: Nako, hayaan mo na yang si Richie... At pag nagsimulang manlait yan eh wala nang brake...

Tumingin uhlet ako kay Richie... Sa daldal nga naman nito, mapapasubo ka naman talaga pag nang-away toh...

Richie: (dun sa tatlo) Shoo-shoo na nga kayo! Magpaligo muna kayo sa mga amo nyo... Puro galis na kayo! Baka mahawan nyo pa beauty namin, nako, mababawasan pa magaganda sa mundo! Shoo! At pag nakita kong ginugulo nyo uhlet si Janessa, humanda kayo! Bilang na ang mga tahimik nyong araw!

Translation: May kung anong tsismis na ikakalat yang si Richie, at patay ung tatlong witches...

Richie: Shoo fly na! Shoo! Mga salbabida kayo!

Tumingin sa'kin ung tatlo... Brrrrr... Kakilabot ah... Tapos umalis na sila, at bumalik dun sa tinatambayan nilang kotse... Ako naman, sinamahan na nina Richie palakad sa kotse ko...

Ako: (kay Richie) Wow, thanks ha... Di ko lam kung anong mangyayari kung di ka dumating...
Arianne: Nako, wala un noh... Sisiw lang ung mga un sa bunganga ni Richie...
Richie: Marame pa silang kakaining palay!
Ako: (natawa) Palay ha... Teka, anong salbabida? Bakit mo sila tinawag na salbabida?
Richie: Well, you know naman me, making my own dictionary... "Salbabida", as in "salbaheng kontrabida"...

Figures...

Richie: Haaaayyyy... Mga bruhang un, sinisira araw ko... After kong makita ung papable na transferee...
Ako: May transferee?
Arianne: Ay oo! At grabeh! Ang gwapo!
Ako: Eh? Bakit di ko nakita?
Richie: (tumawa) Hina kaseh ng radar mo eh! Oi, sige na, dito na kami ni Arianne... May lakad pa kame eh...
Ako: Ah, oh sige poh... babye...and thankz uhlet, Rich ha!

Umalis na ung dalawa, ako naman umikot na papunta sa kotse ko.. Kakasakay ko pa lang nang mapansin ko si Mr. Papable na dumating... Binuksan ko ung bintana ko para naman kawayan...

Ako: Eiz, hellow poh!
Mr. Papable: (napatingin sa'kin) Uy, hello din...

Umikot muna sya sa kotse nya para lumapit sa bintana ko... Hala, makikipag-usap pa yata...eh babatiin ko lang sya...

Mr. Papable: Naalala ko pag-alis mo kaninang umaga, di ko pala nahingi pangalan mo..
Ako: Janessa...
Mr. Papable: Nice name...
Ako: Thankz...

Waahhhla! Kilig naman ang lola moh! wahehehe...

Mr. Papable: Ako nga pala si Ken...
Ako: Ken...Nice to meet you...

Tumingin sya sa relo nya...

Ken: Sige na, Janessa... I have to go, hinihintay na ko ng girlfriend ko eh... See you tomorrow...
Ako: Okay, sige poh...bye!

Pumasok na sya sa kotse nya, ako naman, umatras na... Langya, lahat na lang ng matinong papable, taken na...hmp! Oh well... Kung sya pupunta sa girlfriend nya, ako, pupunta naman sa horsey ko...wahehehe...
Joshua

Haaaaaaaaaaayyyyy...bwiset na homework at projects yan... Haaaaaaaayyyyy...

6 PM na... at ehto, ang ganda-ganda ng gabi eh, nakakulong ako sa apartment... Haaaaaaayyyy talaga... Pinilit lang kaseh ako ni Janessa na gawin tohng mga sakit ng ulo na toh eh!

"Oist, horsey..."

Napatalon akong bigla... Bubwit talaga tohng si Janessa! Kung saan-saan sumusulpot!

Ako: Ano nanaman?! Ginagawa ko na nga projects ko oh! (tinapat sa mukha nya ung papel na sinusulatan ko)
Janessa: (tinulak palayo) Sira, alam ko noh... Sasabihin ko lang na lalabas ako...
Ako: San ka pupunta?
Janessa: May bibilhin lang... Nakalimutan nating bumili ng mantika eh -- sa dinami-dami ng kakalimutan...

Tinabi ko ung mga gamit ko, tapos tumayo...

Ako: Samahan na kita...
Janessa: Hala di na noh! Dame-dame mo pang gagawin, sasama ka pa... (tinuro ung mga gamit ko) Tapusin mo na yan, at pag natapos mo, eh mamasahihin kita...
Ako: Hala ano!... Di nga?
Janessa: (natawa) Oo nga...PAG natapos mo ng maaga yan...

Bwiset... Tatapusin ko pa tuloy tohng mga toh... Haaaaayyyy.. Sarap kaseh magmasahe ni Nessy eh... wahehe...

Ako: Sige, pine... (upo uhlet) Pero dalhin mo ung kotse!
Janessa: Okay ka lang? Sa kabilang kanto lang ung tindahan noh... Sayang ung gas...
Ako: Eh ang daming loko dun sa kanto na un eh!
Janessa: Wag kang mag-alala, horsey... Magpapahabol ako hanggang dyan sa tapat... Pag may narinig kang sumisigaw, baba ka na kagad ha...
Ako: Sira! Ano ba?! Dalhin mo na nga ung kotse!
Janessa: Eh bakit ka sumisigaw?
Ako: Di ako sumisigaw!
Janessa: Okay... Bakit ka nag-yyell?!?

Ay, bubwit!

Ako: ano ba!? Pinipilosopo mo nanaman ako... Pinapadala ko lang syo ung kotse!
Janessa: Eh ayoko ngang dalhin! Sayang ung gas, and besides, kailangan ng mundo ng exercise!

Nakikita ko, napipikon na si Janessa... Ayaw nya kaseh ng pinagpipilitan ung isang bagay sa kanya...

Ako: (tumayo uhlet) Kung di mo dadalhin ung kotse, sasama na lang ako!
Janessa: Ang KuuUUUuLLLLiiitTt ng lahi mo! Gawin mo na nga lang yang homework mo, babalik din ako kagad, at DI KO DADALHIN UNG KOTSE!
Ako: Pasaway ka!
Janessa: (tinalikuran ako) Tagal na! Wag kang susunod kundi isasabit kitang patiwarik sa labas!

Narinig kong sumara ung pinto... syempre, di nga ako sumunod... Baka nga sa sobrang pikon nun, isabit pa ko sa labas! Tska, baka mawala pa ung masahe ko mamaya...

Hmp!

Umupo na uhlet ako, tapos kinuha ung ginagawa ko..

Sige... Malapit lang naman talaga ung tindahan eh... La naman sigurong mangyayari dun sa pasaway na babaeng un...
Janessa

Arrrrrgggghhhhh... bubwit na horsey yan... Ganda-ganda ng gabi eh, binbwiset ako...

Naglakad ako sa kalye, papunta dun sa tindahan... Buti na lang masarap ung hangin, medyo pinapalamig ung ulo ko... Kaseh naman noh, sandamakmak ng lapit ung tindahan, pagkokotsehin pa ko!

Haaayyy... I wonder kung napasobra yata ung reaction ko...

Nag-turn ako dun sa kanto...

Ang bilis ko kasing mapikon pag pinagpipilitan ung isang bagay na ayoko talaga eh...
But still...ang babaw pa rin naman nun para pag-awayan di ba? Haaaayyy... horsey kaseh eh...

waheheh.. sisihin ba...

Bigla akong napatigil...

What's that?

Nakinig uhlet ako... May tumutunog dun sa likod ng halaman sa kanan ko... Syempre, ako namang tohng curious, eh nilapitan ko para tingnan...

Malay nyo, makakita ako ng elf ni Santa o kaya isa sa mga seven dwarves ni Snow White!

Pero sabi nga nila, curiosity kills that cat... haaaayyy...

May taong injured -- injured lang ha -- dun sa likod ng halaman... Naka-siksik sya dun sa bandang likod, as if nagtatago... Hawak nya ung paa nya, so I think, either sprained un or anoh... Di sya makatayo eh... Op cors, dahil mabait akong bata, nilapitan ko lalo...

Ako: Hey, what happened? Do you need help?--

Oh my golay!

Na-freeze ako nang makita ko nang mabuti kung sino un...

Ako: T-trixie?

 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures