-=CHAPTER 19=-

Janessa

Ooooohhhh...Take a deep breath... inhale...exhale...inhale...exhale...

Napatingin uhlet ako dun sa namimilipit -- naka, exagge...hehe...di naman namimilipit, pero in pain -- na si Trixie...

Inhale! Exhale! Inhale! Exhale! Inhale! Exhale! *cough* *cough*

Shtupid! Sabi ko take a deep breath, di ko sinabing habulin mo ung breath!

Tumingin sa'kin si Trixie... Nginitian ko na lang sya... Napahiya na beauty ko eh... Mabilaukan ba naman sa sarili mong hininga..

Ako: Ah...hehe... ok lang ako...

Di sya umimik...Tumingin ako sa paligid...Anoh kayang ginagawa nito dito? Nakikipag-taguan dun sa mga bata sa kanto?

Ako: Uh, Trixie... Anoh...Anong ginagawa mo dito? Anong nangyari syo? May pinagtataguan ka ba?
Trixie: (chuckles) Dami mo namang tanong...

Hmp! Kasalanan ko ba eh sa curious ang balat ko? And besides, di araw-araw na--

whoa!

Bigla akong hinila ni Trixie patabi sa kanya, patago rin dun sa likod nung halaman...

Ako: Anong--?
Trixie: Sssh!

Shut up naman ang motor ng bibig ko... Sumilip din ako dun sa kalsada kung san nakatingin si Trixie... May dalawang lalake na naglalakad ng mabilis, patingin-tingin sa paligid... In fairness, kamukha sila ni Shrek -- no offense sa mga fans ni Shrek -- pero mukha talaga ogre ung dalawa...hehe... ang fanget! Sama ko noh?

Nung nakalagpas na ung dalawang ogre, tumingin ako kay Trixie...

Ako: Sino un?
Trixie: I don't know... They just suddenly started following me...
Ako: Stalker?
Trixie: (shrug) I haven't been here for a while... Anyway, they just suddenly appeared out of nowhere and started to go after me...
Ako: So you ran sa takot? and then tripped somewhere here, kaya nagtago ka dito ngayon?
Trixie: Pretty much...

Aaaaaahhhh...

So ahyun sa aking pagkakaintindi, eh naglalakad si Trixie sa kung saan nang biglang sumulpot ung dalawang ogres mula sa kanilang swamp, tapos ini-stalk si Trixie...Ngayon nag-panic si Trixie, kaya nagsimulang tumakbo, tapos takbo rin ung dalawang ogres...tapos, biglang natapilok si Trixie, na-sprain ang kanyang right foot... malamang eh nagtago na lang sya dito sa likod ng bushes since di sya makatakbo...then, maya-maya, eh umappear naman ang beauty ko, at ehto na kame...

Galing ko mag-weave ng story noh? wahehe...

Sumilip uhlet ako sa labas, at nang makita kong the coast is clear, kinuha ko ung braso ni Trixie, pinulupot sa leeg ko, and tinulungan syang tumayo...

Trixie: What are you doing?
Ako: Gettin us outta here, dearie...
Trixie: B-but...what if biglang bumalik ung dalawa? Aren't we gonna be in a big trouble?
Ako: (tingin sa kanya) Well... I don't really care... I'd rather be in trouble than have nasty cockroaches crawling on me!

*shudder* Waaahhh...can you imagine na nakaupo sa likod ng halaman, sa lupa, tapos...tapos...bigla na lang may gagapang sa kamay mo!?!? Waaaaahhhh!!! Ipis!!!

Ako: Anoh, you still want to stay here?
Trixie: (bulong) No..

Okay!

Lumabas na kami dun sa likod ng halaman, all the while eh inaalalayan ko si Trixie sa paglalakad... Langya, it's either gutom na ko, o sa pagkapayat-payat ng taong toh, eh may

extra bag syang tinataguan ng pagkain! Ang vigat!

Pagkatigil namin sa kalsada, tingin ako sa kanan, tapos sa kaliwa... Napatingin sa'kin si Trixie...

Ako: Uh...San tayo pupunta?
Trixie: *sigh*
Ako: Hehe... Well, san ka ba nakatira? Maybe I can drop you off na lang dun...
Trixie: Kina Arianne.. You can drop me off there...

Arianne?

Malamang eh kasing blank ng expression ko ung utak ko, since nung tiningnan ako ni Trixie eh sumagot sya...

Trixie: 2nd cousin ko si Arianne, though we weren't really close... But they're the only family I have around here...
Ako: Ahhh...O-okay...

So, kailangan ng tricycle...na ang pila eh nasa kabilang kanto...
Dahan-dahan kong ni-lead si Trixie papunta sa right... Medyo kavavoom ang heart ko since dito rin ung direksyon nung ogres...pano na lang kung bigla silang umikot kaseh...anoh...uhmmm..stupid sila?

Ako: *sigh*

Napatingin akong bigla kay Trixie... Nako, baka isipin nya iniisip ko na pampabigat sya -- kahit mabigat naman talaga sya...pero di ung ganon ha!

Ako: A-anoh, I wasn't thinking n-na dapat iniwan na lang kita ha... J-just thinking of something else, na walang kinalaman syo...

Tiningnan lang ako ni Trixie na parang "huh?"... Haaaayyyyy...nice move, Nessy... Kung anu-ano nanamn pinagsasabi mo, nagmumukha ka tuloy shtupid...

Lakad na lang uhlet kame in ve-erryy awkward silence...Lord naman, sa dinami-dami naman ng pwede Mong ilagay dun sa likod ng halaman, bakit naman poh si Trixie pa?

Bigla kong naramdaman na nag-tensed ung kamay ni Trixie... Napatingin tuloy ako sa harap namin...

Uh-oh...

Bumabalik ung ogres! Langya!

Ako: (bulong) Okay... Relax... (napatingin sa paligid) We're in a very dark, deserted street, but everything's gonna be okay...
Trixie: Are you telling that to me or to yourself?
Ako: (ngiti kay Trixie) Pareho...

Tingin uhlet ako sa paligid... Pwede kame uhlet magtago sa likod ng halaman na un...Pero since injured si Trix, eh too late na kung gagalaw pa kame...

Eh kung tumayo na lang kaya kami dun, baka sakaling di kame mapansin?

Trixie: You should go hide... Leave me here so you have enough time...
Ako: Weeh?
Trixie: Well, go!
Ako: Nababaliw ka na ba?! Bakit kita iiwan dito?
Trixie: But--
Ako: Hush hush... Told ya, don't worry... (ngiti sa kanya) Malakas hatak ko sa Taas eh...
Trixie: (bulong) How can you still smile in a time like this?

Hmmm... Pano nga ba? hehe...

Nung malapit na sina ogres, dumiretso na ko ng tayo -- alalay pa rin naman kay Trixie -- hanggang sa makaharap na namin ung Shreks...

Shrek 1: (tumingin sa kin -- kadiri ang ngiti Angry ) Abah, tingnan mo 'tol.. Isa lang hinahanap nating chicks, nabiyayaan pa tayo ng isa!
Ako: Excuuuse me? Anong "chicks" ka dyan?! Mukha ba kameng manok?!
Shrek 2: Uy, sumasagot...Pwede ba akin yan?
Ako: Angkinin mo yang mukha mo! Mangdiri nga kayo sa balat nyo? Di nyo ba nakikita na injured tohng kasama ko? At isa pa, alam nyo bang pulis ang tatay ko, ang dalawa sa mga tito ko, pati kuya ko! Kaya pag may nangyari sa'kin, nakooooo, di nila kayo tatantanan!
Shrek 1: Palaban ka ha! Pero di na naman kame mahuhuli ng buong angkan mo kung di ka na nakakapagsalita pagkatapos ng "party" natin di ba!?

*gulp* Okay...I'm officially kinakabahan na over here...

Trixie: (bulong sa'kin) Pulis nga halos lahat ng lalaki sa pamilya mo?
Ako: (bulong tsaka ngiti sa kanya) hehe... Nasa States lahat ng pamilya ko... Charing lang un..
Trixie: *sigh*

Hehe... Avah, malay mo mag-work sa panakot di ba?! Eh di na-save pa kami sa rape.. sayang naman ang ganda ko... tsaka bata-bata ko pa...ang dami ko pang pangarap na kailangang tuparin... mag-ggraduate pa ko, magigigng theater actress... at bibili pa ko ng mantika para sa ulam namin ni horsey!

Sheeshhh... pano ba ko makakalabas sa gulong toh?
Joshua

Wahahahaha... Wahahahaha...Wahahaha... Tapos na homework ko!

Sinarado ko ung libro ko, kinolekta ung mga papeles ko, at inayos na pabalik sa bag ko... Tapos tumayo na ko sa upuan, stretch, sabay tingin sa relo...

Whoa! 7:30 na?!?

Napasarap yata ako dun sa homework na di ko man lang na bumalik na si Janessa ah... Pumunta ako sa kusina para tingnan kung tapos na magluto si meatballs...

Teka... Nakalabas na ung manok, pati ung kawali... Nasan ung magluluto?

Tumingin uhlet ako sa orasan.. Halos mag-iisang oras nang wala si Janessa... Sang kanto ba ung sinasabi nyang 'dyan lang' na tindahan?

Bumalik ako sa living room, binuksan ung TV...

Hmp! Kala nya ba hahanapin ko sya? Ha! Pagkatapos nya kong awayin?!?

1...2...3...4...5...

Tingin uhlet ako sa relo... 5 minutes pa lang lumilipas...

Langya! Nasan na ba si Nessy?!?

Pinatay ko ung TV, kinuha ung susi ng apartment, tapos patakbong lumabas... So much para sa di hahanapin noh?

Tumakbo ako dun sa tindahan sa may kanto na sabi ni Nessy na bibilihan nya -- well, ahyon sa pagkakaintindi ko eh dun sya bibili...

Ako: (dun sa nagbabantay) Gary...

Napatingin bigla sa'kin si Gary, suki ako dito kaya kilala ko na toh, tsaka halos ka-edad ko lang tohng si Gary eh...

Gary: Oh, Joshua... Bakit ganyan itsura mo?
Ako: Bakit?
Gary: Mukha kang patay...
Ako: Heh! Teka nga, dumaan ba dito si Janessa?
Gary: Janessa? Ung maganda mong roommate na sobrang galing kumanta?

Magandang description yan...

Ako: Oo..
Gary: (umiling) Hinde, bakit?
Ako: Sh*t...

Tinalikuran kong bigla si Gary na tinatawag pa ko, tapos tumakbo dun sa kanto bago ung tindahan... Kung di dumaan si Nessy dun sa tindahan, ibig sabihin di sya nakaabot dun sa kantong un...

Sh*t! Nasan na kaya un?!?

Nag-papanic na ko sa loob...di ko lam kung san hahanapin si Janessa... Di ko lam kung anong nangyari! Bwiset! Sabi na kaseng magkotse eh!

Mabilis akong naglakad dun sa street na hula ko eh pinuntahan ni Nessy.. Tumitingin sa paligid -- langyang dilim! -- para kung sakaling nandun si Janessa...

Nessy...
Janessa

Tinitigan ko nang masama ung dalawang ogres... hmp! Kala ba nila aatrasan ko sila! Hah! Ako pah!? Kaya nitong sumigaw na rinig s tatlong kanto noh! charing!

Ako: Shoo fly na nga kayo... I have to get this gurl home na noh...
Shrek 1: Umasa ka, bebot... (lumapit sa'min) Pa-kiss muna!
Ako: Neknek mo! Sipain kita dyan eh!

Tapang noh? Pero deep inside nagkakaputok-putok na ang veins ko...

Ako: Subukan mo lang lumapit dito, at nako, isang meeting sa dentista para sa buong pustiso ang aabutin mo!
Trixie: (bulong sa'kin) You're trembling... Is that from rage or fright?
Ako: (bulong pabalik) Actually, sa gutom...
Trixie: Joshua must be worried already...

Heh?

Ako: (natawa) N-nah... I don't think so... We just had another fight kanina eh... Though I'm sure nothing like that happened when he was with you...
Shrek 1: Oh ano? Tapos na ba kayong mag-usap?

Oo nga naman...sa dinami-dami ng panahon, ngayon pa kame nagdadaldalan noh?

Ako: Bahket? Makiki-tsismis ka?
Shrek 2: Eh kung puruhan na kaya natin tohng mga toh?! Nasasayang ang oras eh!
Ako: Mga bubwit kayo! Ginugulo nyo gabi ko, magulo na nga! Bibili lang ako ng mantika, pati kayong mga ogres sumisingit!

Medyo naramdaman kong natawa si Trixie... Oh well, at least, may isang relaxed sa'min...
Bigla kaming na-frozen nang makita naming nagsisimula nang lumapit ung dalawa... Nako poh, nagtayuan ang aking mga balahibo!

Nag-flash bigla sa harap ko ang aking life... My golay -- pati ung instant na muntik ko nang malunod ung pet dog ko sa bathtub -- kala ko pa naman eh pinagkabaon-baon ko na un sa ilalim ng paa ko...
Now, I really AM scared...

Joshua!!!

beep! beep! beep! beep! beep! BEEP!!!

Napaikot kaming apat dun sa direction nung busina...and salamat kay Lord, may tricycle!

Shrek 2: (hinila si Shrek 1) Tol halika na!

Pinanood namin silang dalawa ni Trixie na tumakbo... hehe... Di ko alam na pwede palang makatakbo nang ganon kabilis si Shrek...
Tumigil ung tricycle sa harap namin ni Trixie, at bumaba kagad ung driver...

Driver: okay lang ba kayo?
Ako: O-opo... Salamat poh..

Opo pero nanginginig pa ung boses ko...

Driver: Nako, mag-iingat nga kayo pag naglalakad kayo dito... Lalo na't gaganda nyong yan... tsk tsk...
Ako: Pasensya na poh...
Driver: Uuwi na ba kayo? Hatid ko na kayo...At mu~g namumutla pa kayo sa nangyari eh...

Tiningnan ko si Trixie, tapos ngumiti dun sa driver...

Ako: Anoh, ehto na lang pohng kasama ko ang paki-hatid... Malapit lang poh naman kaseh bahay ko, kaya ko na poh maglakad...
Driver: (kinuha ung pag-alalay sa'kin kay Trixie) Sigurado ka ba? Baka makasalubong mo pa ung mga lokong un...
Ako: (ngiti uhlet) Wag poh kayong mag-alala... Smiley Paki-uwi na lang poh tohng kasama ko...

Tinulungan nyang pumasok si Trixie dun sa tricycle, habang nandun ako sa tabi hinihintay na rin silang makaalis...

Driver: Mag-ingat ka, iha... Maraming loko dito sa kalyeng toh...
Ako: Opo, salamat poh...

Binuksan na ni manong ung makina ng tricycle nang biglang tumawag si Trixie...

Trixie: Wait!
Ako: (sumilip sa loob) Oh bahket?
Trixie: I just... I wanna... Why did you stick with me? Why didn't you run or hide when you had the chance?

Napatingin ako dun sa driver na ngumiti lang sa'kin, tapos tumingin uhlet ako kay Trixie...

Ako: (nginitian ko sya) Well, imagine mo na lang pag iniwan kita dun... Nako, ang bigat sa konsensya nun noh... Pano na lang kung someday eh bigla akong maging madre? Eh di may pasanin na kagad sa con-science ko?

Sigh....

Ako: (nagseryoso -- pero smile pa rin) And besides... Pag may nangyari syo, there's someone who will be very sad...

Parang di inaasahan ni Trixie ung sagot na un, kaseh nagblink sya eh... Tapos, sa kung anong himala, abah, nginitian akowh!

Trixie: (dun sa driver) We can go now...

Un na un?

Bigla syan tumingin uhlet sa'kin...

Trixie: And, Janessa...just to let you know... You too...

Whe?

Umalis na ung tricycle, akoh naman, eh
 
napatanga dun... Umandar nanaman ang pagka-slow ng brain ko...haayyyy... Oh well, better go home... Baka nababaliw na si Joshua dun kakahintay...

Naglakad na ko pabalik dun sa street... Haaaayyyy... What a night... Imagine, ma-stranded ba naman with Trixie sa harap ng ogres! Whoa!

Bigla akong napatigil sa paglalakad ko... May tao sa harap ko na ngayon ko lang napansin...hehe... Absent-minded... Tinitigan ko syang mabuti -- para just in case, eh magsimula na kong magsisigaw...

Ay, teka...

Ako: Joshie?

Napatingin din sya sa'kin na parang di rin ako napansin na nakatayo dun... Heh, di lang pala ako absent-minded dito eh...
Lumapit ako ng konti sa kanya... Medyo shyness pa ko... Inaway ko sya kanina eh...

Ako: Uh... You came to get me...
Joshua: (biglang tingin sa kabilang direction) Syempre! Halika na nga... Uwi na tayo...

Syempre?

Humabol ako sa kanya, tapos tumabi na rin habang naglalakad kami pauwi... Okayyy.... Nakalimutan ko na ung mantika, pero may de lata pa naman...

Should I tell him about Trixie?

Ako: Uh, horsey...

La sagot... Multo ba ko? Oh well... Everything's okay na naman...

Ako: Thanks for coming to get me...


Hinook ko ung kamay ko dun sa braso nya... Lam nyo ung arms nung bride and groom pag naglalakad sa aisle, parang ganon... Pero, oist ha, di sa altar tuloy namen noh, uuwi lang kame... Kaya sige, sabit ko ung kamay ko sa braso nya, and lumapit na rin me ng konti sa kanya -- chansing! haha...

Di naman sya tumanggi...

 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures