-=CHAPTER 20=-

Joshua

Ilang linggo na rin ang lumipas simula nung inaway ako ni Nessy at tumakbo sya palabas at pagbalik eh wala naman ung mantika... Sardinas tuloy kame nung gabing un....haaayyy... Tinatanong ko naman kung san sya galing, ayaw namang sumagot... Naligaw raw sya... As if naman! Bumagsak siguro toh sa course Lying 101... Pero di ko na rin pinilit, kung ayaw sabihin, eh di wag...

Isa sa mga araw na wala syang pasok, pero ako meron, eh kumakain kami ng almusal... Abno din tohng si Nessy eh... La namang pasok, gigising-gising ng maaga... Parang di ako marunong magluto ng sarili kong almusal... Eh may cereals naman sa ref!

Nilagay ni Janessa ung pancakes sa mesa, tapos ikot uhlet sa kusina papunta naman sa ref... Langya, kanina pa sya ikot ng ikot, nahihilo na ko...

Ako: Huy! Maupo ka na nga! Parang kang bubuyog dyan...
Janessa: (naglabas ng tubig sa ref tapos umupo na) Horsey naman, aga-aga, inaatake ka nanaman ng ka-sungitan mo..
Ako: Anong ka-sungitan? Ang bait-bait ko nga eh
Janessa: Eh?
Ako: Oo noh! (subo ng pancake) Wag ka nang kumontra, lam ko namang totoo...
Janessa: Ahsuz...

Tahimik kami sandali... Kain lang... Nilalasap kaya tahimik...nyaha... Nung busog na kame, nagsalita uhlet si Nessy...

Janessa: Horsey...
Ako: Hm?
Janessa: Malapit na Pasko...
Ako: Ngayon?
Janessa: Lam mo na...
Ako: Ano nga?

Mu~g importante toh ah...

Ako: Anoh... Pupunta ka ba sa Chicago para makasama mo family mo?
Janessa: Awww.. Don't look so sad, horsey...

So pupunta nga sya?

Ako: Di noh... Ok lang un... Dito lang naman ako.. Mag-isa...sa Pasko... sa Noche Buena, all alone...

Pak!

Langya, batukan ba ko!

Janessa: Drama mo, sipain kita dyan eh... Ako nagpauso nyan eh... And besides, di ako pupunta sa Chicago for Christmas noh... La akong pera... Itatanong ko lang... Kung anong regalo mo sa'kin?

Tinitigan ko sya... Eh...un lang?

Ako: Eh loko ka pala, ang dame-dame mo pang pasikot, tatanong mo lang pala kung bibigyan kita ng regalo!
Janessa: Eh kaseh naman, todo ang takbo ng mileage ng brain mo noh... Masyadong active yang imagination mo... (lumapit sa'kin) So ano nga, anong gift mo sa'kin?

As if naman sasabihin ko noh...

Ako: Bakit, kailangan ba kitang bigyan ng regalo?

Pak!

Ako: Aray!
Janessa: Hmp! (tumayo na) Sungit na, kuripot pa... haaaayyy... Horsey ka talaga...
Ako: Cute naman!

Yah...matagal na kong nag-give up sa pag-correct sa kanya sa kakatawag sa'kin ng horsey... haaaayyy...

Janessa: Anong cute? Kala ko ba si Warren ang doggie dito?
Ako: Anoh?! Sa tingin mo cute ung asong un?!?
Janessa: (natawa) Relax... May pasok ka pa mamaya, high blood ka na...
Ako: Che! Teka, la kang pasok di ba?
Janessa: Yup
Ako: Aalis ka ba?
Janessa: (napaisip) I'm not sure... (ngiti sa'kin) Pero kung aalis ako, I promise, I'll be back before night...
Ako: San ka naman pupunta?
Janessa: Hmmmm...

Langya, nag-isip pa talaga oh... Makaalis lang ng bahay...

Ako: Anoh?
Janessa: Sikretong malup-het!
Ako: Anoh?!?
Janessa: (natawa) Sige na, maliligo na ko...
Ako: san ka nga pupunta?
Janessa: Sikwet nga... Babalik din ako kagad... Ikaw, wag kang matutulog uhlet ha... (naglakad na papunta sa kwarto nya) Baka ma-late ka nanaman sa klase mo dahil bumalik ka sa kama...
Ako: Hoy--!

At, sinarado nya na ung pinto... Bubwit... Aalis nanaman sya mag-isa... Kaseh naman! May pasok ako eh... Di tuloy ako makakasama... hmp! Iwan tuloy akong mag-isa dito...


Ibig sabihin ako pa tuloy maghuhugas ng pinggan! haaaaaaaaaaaaaaayyyyy...
Janessa

slurp! slurp!

Lakad ako around-around sa 5th floor ng MegaMall... Tingin-tingin sa paligid... Medyo marami-rami ring tao, as usual...mga advanced christmas shopping na rin siguro tohng mga toh... Buti pa sila, mu~g alam kung anong bibilhin... Samantalang ako, eh ilang oras nang nag-iikot, ang list ng nabili ko ay: palabok, coke, fries, choco sundae ng Jollibee, tapos mocca frapuccino ng Starbucks... At ngayon, napagttripan ko nanamang kumain...haaaaaayyyyy...

Whoa!

Napatigil akong bigla sa harap ng music store...

Hmmmmm...

Tinapon ko ung mocca frapuccino ko dun sa basurahan tapos pumasok... Talaga nga naman... Bakit nga ba di ko naisip kagad toh? Anoh pa nga bang perfect gift kay horsey, eh di timer para sa karera nya sa Sta. Cruz! joke...hehe... Nag-catch ng attention ko ung gitara na nakasabit dun sa wall... Ang pretty...

Tininginan kong mabuti...

At ang mahal!

Langya, konting kahoy, pintura, at strings, isang libo na! Kinakawawa nyo ba wallet ko?

"Ei, Nessy..."

Kabayo!

Napaikot akong bigla sabay stepback... Ready to wapaw! ang aking attacker!

Hopia!

Napatigil ako nung nakita ko kung sino un...

Ako: K-ken?
Ken: Hello... Anong ginagawa mo dito?

Tumingin uhlet ako dun sa gitara tapos kay Ken, na, haaaaaaaaaaayyyyy...pinaliguan ng pagkapapable dun sa tabi ko...

Ako: Tumitingin lang ng regalo para sa Pasko...
Ken: (tumingin dun sa gitara na pinagkaka-interesan ko) Para ba kay Joshua?
Ako: Yah... (ngiti) Kaya lang di ko lam na ganon pala kamahal un...
Ken: (ngumiti) Mahal talaga yan... Especially kaseh nylon ung strings...
Ako: Huh?
Ken: It means, mas maganda kaya mas mahal kesa sa ordinary guitars...
Ako: Gweat...

Lumakad na kami palabas...

Ken: Bakit di mo na lang bigyan ng card? hehe
Ako: (natawa) Oo nga noh... Ung ako pa mismo gumawa
Ken: Tama... Bond paper na lang tsaka crayons bilhin mo.. tipid ka pa...

Tumawa ako.. Di kaya batuhin ako ni Joshua kung ibigay ko un? nyaha...

Ako: (sighs) Sayang naman... I'd really love it kung makukuha ko si Josh ng gitara for Christmas... Kaya lang, short ako sa pondo...
Ken: Don't worry... I'll help u figure something out
Ako: (napatingin bigla) Eh?
Ken: Sure... Mabait naman ako noh..

Uu nga...mabait ka nga...hehe... Bigyan mo na lang me ng cash para di na tayo mahirapan mag-isip...

Nyaha...kapal face noh?
Ako: Ay, teka, anoh nga palang ginagawa mo dito?
Ken: Magkikita dapat kame ni Nica eh, kaya lang something came up, kaya di sya nakapunta...
Ako: Nica? Is that your girlfried?
Ken: Yah...
Ako: Gano na kayo katagal?
Ken: Almost a year na...
Ako: Nakz, tagal na ah...
Ken: Oo nga eh... Kayo ni Joshua? Gano na kayo katagal?
Ako: Huh?!?! Nako, hindi kami noh!
Ken: Hindi ba? Kase... pag magkasama kayo... parang... Sorry ha... Pahiya tuloy ako...
Ako: O-ok lang... hehe...

My golay! Sumugod yata lahat ng dugo ko sa mukha ko... Gano kapula un?

Ken: But you like him, don' you?
Ako: Hm? Bakit mo naman nasabi?
Ken: (ngumiti) I just know... Kaseh pag may sinasabi ka tungkol sa kanya or pag nababanggit ung pangalan nya, may kung anong kinang dyan sa mata mo eh...

May stars sa eyes ko? Nandyan ung Milky Way di mo ba alam? Tsaka ung Sneakers, Three Musketeers, Toblerone...

Sheesh...Gusto ko ng chocolate!

Ken: Teka, nag-merienda ka na ba?
Ako: Huh? Di pa, bahket, libre mo ko?
Ken: (ngumiti) Oo ba
Ako: Hala! Joke lang un! May laman pa naman ung wallet ko kahit papano...
Ken: (natawa) Okay... Tara na lang sa Triple V...

Iikot na sana kami nang biglang may tumawag nanaman sa'kin sa likod ko...
Really... What's with all the people and my name?
Tumingin kami para tingnan kung sinong nandun... Avah, si Warren...

Ako: Oh, Warren... Anong ginagawa mo dito?
Warren: (ngumiti sa'kin) La lang... daan lang... Lam mo namang dito kita nakilala...

Eh?

Bigla syang tumingin kay Ken...

Ako: Ay, nga pala... Ken, si Warren...Warren, si Ken, schoolmate ko...
Warren: (kay Ken) Tol... Nililigawan mo si Nessy?

Wha--!?!?!

Ken: (napangiti) Hinde... May girlfriend ako, pare..
Warren: Buti naman... Kala ko kasama ka pa ni butiki sa pagligaw kay Nessy ko eh...
Ken: Butiki? (tumingin sa'kin)
Ako: (bulong sa kanya) Term of endearment nya para kay Joshua...
Ken: (napangiti) Ahhhh...
Warren: Speaking of butiki, nasan un at bakit hinahayaan ka nyang maglibot mag-isa, may kasamang ibang lalake? (tingin sa paligid)
Ako: May klase sya eh...

Ken: Anyway, Warren, kakain kami... Gusto mo, sama ka na?
Warren: Sure!

Kaya ahyun, dalawang papable, side by side kong kasama sa MegaMall, kakain, tapos mag-iikot... Dalawang papables!... nyaha! Mainggit ka!
Joshua

Tumingin ako sa orasan... Almost 6 PM na... Sang lupalop nanaman kaya nakarating tohng si Janessa? Sabi nya di raw sya papagabi ah...

ding! dong!

Napatayo akong bigla sa pagkakaupo ko sa couch, tapos takbo papunta sa pintuan... Haayy, sa wakas, umuwi na rin tohng si Nessy...

Ako: (bukas ng pinto) Ang ta--

Whoa!

Dun sa labas, kasamang nakatayo ni Janessa si Ken at ung aso!

Janessa: Uh, hello, Joshie... Look who I saw sa mall...
Ako: (tingin kay Warren) Kailan pa nila hinayaang pumasok sa mall ang aso?
Warren: At kailan pa natutong tumakbo papunta sa pinto ang butiking katulad mo?
Ako: Grrrr...

Gumitna sa'min ni Warren si Janessa...

Janessa: Okaaaaaaaaayyyy... Tama na yan... (tumingin sya kina Warren at Ken) Gusto nyong pumasok?
Ken: Di na... Baka naghihintay na ng tawag ko si Nica eh...

Ahhh... oo nga pala... May girlfriend nga pala tohng Ken na toh...

Tumingin ako dun sa aso... Send ng mental message...

Umalis ka na.. Umalis ka na.. Umalis ka na.. Umalis ka na.. Umalis ka na.. Umalis ka na.. Umalis ka na..

Warren: Next time na lang din, hinihintay na ko ng parents ko eh...

Yahooo! bwahahahahaha...

Janessa: Oh... okay.. Thankz poh sa paghatid sakin... Ingat kayong dalawa...

Umalis na si Ken at ung aso, si Nessy naman, pumasok na rin... Dumiretso na ko sa living room, pero syempre, di ko papatakasin tohng si Janessa noh...

Ako: Akala ko ba di ka gagabihin?
Janessa: (tumingin sa'kin) Hmm? Di naman ah...
Ako: Ano ka? Dilim na sa labas oh!
Janessa: But it's still not yet 6:00... Technically, di pa gabi, madilim lang... So technically, I did go home bago maggabi...
Ako: Heh, tama na nga yang excuses mo... Techinically, technically... baka gusto mo magkaron ng technical problems... Kasama mo pa ung aso na un!

Umupo si Janessa sa tabi ko...

Janessa: Horsey, are you still jealous of him?
Ako: A-anong jealous?!? Di ako nagseselos noh!
Janessa: Oh, really? So di ka pala nagseselos ha...

*gulp* Pinagpapawisan yata ako....

Ako: D-di n-naman un ung point ah...

Pano ba ko makakalabas dito?

Ako: Inaaway mo nanaman ako!

Whe? Yan lang way mo para makalabas? Joshua naman...

Janessa: You started it... (tumayo) Sasabihin mo lang nagseselos ka, pahirapan pa... Geez, horsey...
Ako: Tigilan mo na nga ako!

Tumawa si Janessa tapos pumasok na sa kwarto nya para siguro mag-shower at magbihis... Lam na lam ko na habit nun noh?

Selos daw... Suz! Ako? Magseselos? Dun pa sa asong un?! Di na noh!


Pasaway lang kaseh ung asong un, dikit ng dikit kay Nessy! Gawin ko syang asosena eh!


Anoh?! Di ako nagseselos noh! High blood lang ako sa aso! Sumulpot nanaman...

 

1 comments:

  1. screening a part with gauze bandage and tape or a bind patients who require
    to bump a bring around for impetigo. All the maimed, such as cuts the transmission has
    to be treated internally. Lesions may by word of mouth or by applying an antibiotic ointment to
    the affected areas. You will want to be certain
    to fall out the directions on the bottle by
    a health tending supplier may be warranted.

    Look into my weblog bacterial infection of the face

    ReplyDelete

Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures