-=CHAPTER 23=-

Janessa

Lumipas ang isang linggo at... (teka, bilang lang ako sa kalendaryo) aha! apat na araw! Nag-start na ang Christmas break, at nag-bear na rin ng prutas ang aking pagkanta-kanta! nyaha... Pwede nang idol! naka naman, humaba ang hair ko... Anyway, ehto at nasa MegaMall na ko para bilhin ung gitara para kay Joshie..........at Bench t-shirts para sa dad ni Joshie, kitchenware para sa mom nya, golfclub para sa kuya nya, Penshoppe clothes para sa wife ng kuya nya, complete "Undead and.." series para sa ateh nya, wag na ung asawa nung ateh nya at wala naman un dito... Yup...getz nyo na? Naging shopper pa ko nung tamad na kabayo na un...haaaaaaaaaayyyy...

Balik tayo sa shopping spree... Kasama ko nga pala si Ken... since si Richie eh lumipad na sa Baguio, si Jodi naman nasa Batangas, at si Arianne, stuck sa bahay kaseh nandun si Trixie, and wala yatang kasama... Alangan namang bitbitin ko si Warren... eh di nasakal pa ko ni Joshie nun! bwahahahahaha... nanakal na kabayo!!!

Ako: (kay Ken) Anoh, kaya mo pa ba?
Ken: (ngumiti) Kaya pa naman...

Wahehe... ilang bags na rin ung dala nya oh... Let's see...

Gift para kay tito, check! Gift para kay tita, check! Gift para sa bro ni Joshie, check! Gift para dun sa pitong pamangkin ni Joshie, check! check! check! check! check! check! check! Gift para dun sa sister-in-law ni Josh, check!

Yaahhh...hehe... Si Ken poh ang official na chimay ng chimay na toh! nyaha! Oist, di naman lahat sya may dala noh... May dala naman akong dalawang itsy-bitsy na bag... Avah, anong magagawa ko eh sa gentleman sya? Di tulad ng iba... *cough* Josh *cough*

Papunta na kami sa PowerBooks para bilhin ung gift para sa siz ni Joshie nang mapatingin ako sa KFC...

Ako: Break muna tayo...
Ken: What?!? You mean cool-off?! Bakit?! Mahal naman kita ah!

Whe?!?

Napatitig ako kay Ken... Hala, exagge ang mokong...

Ako: Sira... Inatake ka nanaman ng pagiging alumni mo ng A-B-normal College..
Ken: (natawa) Kaseh naman, halatang-halatang pagod ka na... Nalalantutay na ganda mo eh... Mukha kang ung bata dun sa commercial ng Bantay Bata...

Lokong toh... Pagtripan ba ko... Porket kahit pagod na sya eh mukha pa rin syang papable, tama ba namang i-let down ang beauty ko... Pasalamat sya, sandamakmak sya ng fafable -- at dala nya ung bundok ng plastik...

Ako: Che! Tigilan mo nga ako... (hinila sya dahan-dahan papunta sa KFC) Tara... kain lang tayo, tapos bilhin na natin ung libro para sa ateh ni Joshie...
Ken: Tapos bibilhin na natin ung gitara?
Ako: Yup... Bibilhin natin ung gitara, papabalot sa department store siguro o kung saan, tapos i-sstock ko na sya sa kotse para di makita ni Joshie...

Pumasok kami sa KFC at tinambak ung mga plastik dun sa isang mesa... Pinagtitinginan nga kame... ang lalake kaseh nung plastik namen eh! nyaha! Tapos, pag ganito ba naman ka-gwapo kasama mo, eh sinong di mapapatingin? wahahahaha...

Umorder kami ni spicy chicken tsaka ung coke, tapos enjoy sa pagkain! Lunch/merienda na toh...

Ken: (napatingin sa mga dala namin) Babalutin mo tohng lahat?
Ako: Di ah! Tutulungan na ko ni Joshua... Sasakalin ko sya pag di nya ko tinulungang magbalot noh!
Ken: Anoh toh? Sa'nyong dalawa galing tohng mga regalo?
Ako: Well, yah... Since nag-split naman talaga kmi ng pera para dyan... Kaya nga lalong nabawasan ung bank account ko..

Haaaayyyy... Papasok ang bagong taon na nag-ddiet ang wallet ko... haaaayyy...

Ken: Ang cute nyo naman...

Whe?

Ken: Sa isang card nakalagay na, "to 'someone' Merry Christmas! from: Joshua and Janessa"... Sinasabi mong di kayo pero, tingnan mo, nagbibigay na kayo ng regalo as a couple ...

Whe?!?!?!?!?!?

Anong couple?!?!?

Nako poh, kilig naman ako to the bones... yak! ang j0l0gz ko... Namumula pa ung mukha ko...

Ken: (natawa) Namumula ka, Nessy... Ang cute!
Ako: S-shut up! Spicy lang ung chicken noh!

Lokong toh, pagtawanan ba ko...
Joshua

"Nessy!!! Lika na!!!"

Christmas Eve -- ang araw na kinakatakutan ni Janessa... nyaha! 7:30 PM, papunta na kami sa bahay ng parents ko... Pero, ehtong si Nessy, nako, nagkulong ba naman sa kwarto nya!

Ako: (katok sa pintuan) JAaAnNeeSsSaaaa!!!!! Anoh ba?!?! Tara na! Nalagay ko na lahat ng regalo sa kotse ko! Ikaw na lang nawawala!
Janessa: (sigaw galing sa loob) Di ako regalo noh! Bakit mo ko ilalagay sa kotse mo!??!

Bwiset na babae toh...Papahirapan pa kong kaladkarin sya eh...

Ako: Nessy, pag di mo binuksan tohng pintong toh, gigibain ko toh!!!
Janessa: Bastah ba ikaw magbabayad ng pang-repair eh!
Ako: Sinong may sabing papa-repair ko pa?!?!
Janessa: Ayoookooooooooooo!!!! I'm scareeddddd!!!!!
Ako: Anoh ba?!?! Di nangangagat pamilya ko noh!
Janessa: Ikaw lang ba nangangagat snyo?

Whe?!

Ako: Buksan mo na toh at halika na! Kundi gigibain ko talaga toh!

Nagstep-back ako ng konti...para bumwelo sa pagsipa nung pinto... Di naman sa lagi kong ginagawa toh noh, napapanood ko lang...hehe... Di ba ganito ginagawa ni Jackie Chan? Flying kick pa un!

Ako: (sigaw) Isa!
Janessa: Dalawa!

Hala, nakibilang ba?!

Ako: Seryoso ako, kala mo dyan?! Dalawa!

Tumahimik sa loob...

Ako: Tat--

Dahan-dahang bumukas ung pinto tapos lumabas na si Janessa...

Janessa: Di ka man lang nag-dalawa't kalahati?

Tinitigan ko si Nessy... Bakit ba parang paganda toh nang paganda?

Pweesh! Nag-wwander nanaman utak ko...

Janessa: (pumitik sa harap ng mukha ko) Whoy! Lika na, bago ko pa itali sarili ko sa building na toh...

Hinaltak nya ko palabas ng apartment, tapos pagkatapon sa'kin sa labas ng pinto (amazona talaga eh noh?), eh ni-lock nya na ung apartment... Sumakay kami sa kotse ko...

Janessa: (nagseatbelt) Fully equipped ba toh?
Ako: (inistart ung engine) Oo... Kumpleto lahat nung nasa listahan mo...

By fully equipped, ibig sabihin nya nun eh, may chips na mapapapak nya, CDs na sasabayan nya ng pagkanta, unan, tubig, cookies... Haaaayyyy...talagang pinalabas nya pa ko kaninang umaga para lang siguraduhing nasa kotse na ung mga un... Sa bagay, isa't kalahating oras din ang byahe namen eh..
Mahabang byahe papunta sa parents ko...
Janessa

Pagdating namin sa house nung parents ni Joshie, ahyan na ung heart ko...nagka-kaboom-kaboom na... May tatlong kotse na dun sa driveway nila -- malamang eh sa parents nya ung isa, tapos ung dalawa sa mga kapatid nya... Napatingin bigla ako kay Joshua na kakapatay lang nung makina...

Ako: Joshie--
Joshua: Oh ano? Di ka na pwedeng umuwi, nandito na tayo... Halika na!
Ako: Hala... La pa naman akong sinasabi ah...

Wahehehe...pero deep inside, sasabihin ko sanang dalhan nya na lang ako ng kung anong pagkain dun sa loob at di na ko aalis dito sa kotse...

Joshua: Anong sasabihin mo?
Ako: La lang... Tatanong ko lang kung bunso ka ba talaga?

Nyekz...conekment?

Joshua: Oo, baket?
Ako: La lang... Parang di bagay eh...
Joshua: Anoh?

Tumawa ako tapos lumabas na ng kotse -- para maiwasan ang anymore questions...tsaka baka nga itali ko sarili ko sa kotse wag lang makapasok noh...

Kinuha na namin ung mga regalo sa likod -- syempwe, mas maraming dala si Joshua...kaya nga sya naging horsey eh, para tulungan ang mga tao... Nag-doorbell si Joshua, and maya-maya bumukas na ung door...

My golay!

Limang mukha kagad ang bumulaga sa'min!

Joshua: (napa-stepback) Anoh ba yan?!

Pero might as well naging Casper si Joshie kaseh dinedma sya nung mga people at nagtakbuhan sa'kin...
Kinuha nung isang guy ung mga regalo na nasa kamay ko (kuya nya siguro, kaseh mu~g mas bata kesa dun sa isang guy eh)... Tapos nginitian ako nung mommy yata ni horsey...

Mom ni Joshie: Nako, ikaw pala si Janessa! (kuha ung kamay ko tapos shinake) Ang tagal-tagal na naming gusto kang makilala!
Ako: Ah...hehe... Thank you poh...

Lumapit naman sa'kin ung dalawa pang babae...Eh...di ko alam kung sino dito ung ate ni Joshie, since mu~g halos magka-edad ung dalawa... Kaya sige, parehong ateh na lang lalagay ko...

Ate 1: Nako, ang ganda mo pala...
Ate 2: Oo nga... (bumulong sa'kin) Ano bang nakita mo dyan sa kapatid ko?
Ako: Heh?

Ahhhh... so ehto palang nasa right ko ung sis ni Joshie... She's really pretty din... Medyo chubby pero bagay naman sa kanya... Mga 27 or 28 na siguro sya...

Joshua: (biglang sumulpot sa likod ko) Hoy, Ate Shane, ano nanamang pinagbubulong mo dyan?
Ate Shane: Nako naman, Josh, masyado kang protective ha... Binibiro ko lang tohng si Janessa noh... (kinalabit ung isa pang ate) Di ba, Kate?

Si Ate Kate nga pala ung asawa ni Kuya...kuya... teka..ako nagsulat nung pangalan nun sa card eh... Ah! Kuya Mike! haha...

Ate Kate: oo nga naman, Josh...
Dad ni Joshie: Nako, tigilan nyo na nga yan... Papasukin nyo na sina Joshua at Janessa... Baka gutom na yang mga yan...

Pumasok na kami dun sa bahay -- ganda ng house! small and simple... And ang mga bata! Nako poh! Takbo all around! Umupo ako sa couch habang nilalagay ni Joshua ung mga regalo sa ilalim nung Christmas tree, at as if nasa automatic, eh nagtakbuhan papunta sa kanya ung mga chikiting...

Ate Shane: (umupo sa tabi ko) So, galing ka sa Chicago?
Ako: huh? Ah, opo...
Ate Kate: (umupo sa kabilang tabi ko) Pano mo nakilala si Joshua?
Ako: Schoolmate ko poh... Tsaka kakilala rin poh sya nung pinsan ko...
Ate Shane: Eh? May pinsan ka dito? Bakit di mo sinama?
Ako: Bumalik na poh ya sa States eh...
Ate Kate: Eh ikaw? Babalik ka pa ba sa Chicago?
Ako: Ahh...Di ko pa poh alam...
Ate Shane: Nako, bumalik ka tapos i-file mo ng green card si Joshie ha!
Ako: Heh?
Ate Kate: Ay, suz, wag mo nang pansinin yang si Shane... Lonely lang yan at nasa UK ang asawa...
Ate Shane: Che! Babalik din ung hayup na un sa New Year noh...

Hala?! Tawagin bang 'hayup' ung asawa nya?!

Parang ako di ko tinatawag ang my labs ko ng horsey noh?

Ate Kate: (tawag sa asawa nya) Oist! Pst!

Ahyuz din pala tawagan dito eh noh?

Lumapit sa'min si Kuya Mike...

Ate Kate: Pakuha naman kami ng champagne oh...
Kuya Mike: (tingin sa'kin) Gusto mo rin ba, Janessa?
Ate Shane: Oo! Sige na, kuya, shoo...

Napangiti ako habang umalis si Kuya Mike para kunin ung inumin namin... Napatingin ako kay Joshua na napapaligiran pa rin nung mga pamangkin nya...

Mukha silang Snow White and the Seven Dwarves.. Nakadikit sa kanya ung pito nyang pamangkin eh...

Wahahaha... si horsey?!? Nakadamit ni Snow White?!?

Napatawa tuloy ako... Syempre, kung tumatawa kang mag-isa, mapapatingin syo ung mga katabi mo di ba? Nako, na wa poise tuloy ako..

Ate Kate: (tumingin din kina Joshua) Close si Josh sa mga pamangkin nya... It's kind of weird lalo na at sya tohng all-macho na parang magpapaiyak ng bata...

Eh? Seriously? Di sya napapaiyak ng bata?

Ate Shane: Pero he's really good with kids... Nako, kung di nga lang pagkalayo-layo ng apartment nyan, eh ginawa ko nang yayo yan ng tatlong bubwit sa bahay ko eh...
Ate Kate: (ngiti sa'kin) I bet magiging magandang tatay yang si Joshua ng mga anak nyo...
Ako: HUH!?!??!?!

Nagtawanan silang dalawa... Hala, pati mga ateh nya pinagttripan ako -- may pinagmanahan naman pala si Joshie eh... Dumating na si Kuya Mike, dala ung mga inumin namin... Galing nga eh... Tatlo nadala nya...

Ako: (kinuha ung champagne) Thankz...

Tinitigan ako ni kuya habang umiinom ako... Tapos biglang nagsalita...

Kuya Mike: Alam mo, ngayon ko lang napansin... (tumingin kay Ate Kate) Ang laki ng hawig nya kay Trixie noh?

*gulp* Muntik pa kong mabilaukan... Trixie?!?

Tinitigan din ako nina Ate Kate at Ate Shane...

Ate Kate: Oo nga noh... Pareho kase kayong kutis abroad... Tsaka... Ehwan, parang pati aura nyo eh halos magkapareho..
Ate Shane: Pero wag kang mag-alala, Janessa... Mas type naman kita kesa kay Trixie... Masyado mag-make up ung babaeng un eh... Malande!
Ako: D-di naman poh sya ganon kalandi...
Silang tatlo: Eh?!!??
Kuya Mike: Kilala mo si Trixie?

Kilala?! Nako, understatement of the year... Nahabol pa nga kame ng mga Shreks eh...

Ako: Not fully, pero... yah...

Natahimik silang tatlo... Oooh awkward, awkward...

Ate Kate: Pero I like you better din...

Hmmm?

Ate Kate: May kung anong glow si Josh ngayon na wala dati...

Glow?

Ate Shane: Yup... I don't know kung ano, pero there's certainly something different kay Josh ngayon na kasama ka nya kesa dun sa time na kasama nya si Trixie...

Maganda ba un? Napatingin ako kay Joshua... Naghahanap ng kung anong ilaw daw... Anong glow?

Kuya Mike: (ngumiti sa'kin) He looks so relaxed... Medyo mukha pa ngang matino eh.. You make him happy...

Eh?

Tinitigan ko si Joshua... Mukha pa rin naman syang ung horse ng knight in shining armor na una kong nakilala... -- except ngayon eh mukha syang si Snow White... wahehehe... May glow daw... Baka na-discover nya na ung Vaseline -- sabi ko sa kanya effective un eh!

I make him happy pa raw...
Nakz! Love ko toh! Happy meal ako!
 


 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures