-=CHAPTER 24=-

Janessa
10 PM, pagkatapos naming kumain, pumunta na kaming lahat sa living room at umupo sa around ng chwistmas twee...oooohhhh.... gifts! gifts! gifts! Ung dad ni Joshie naupo dun sa may Tree kaseh sya ang Santa Claus.. Ung mga pamangkin naman ni horsey, ahyun nakaupo sa carpet, nakatitig sa lolo nila... Sina Ate Shane, Ate Kate, tsaka si Kuya Mike, nagkasya dun sa couch... Ung mom nila, nasa recliner... Kami ni Joshie nasa loveseat, since un na lang ung upuan nung pumasok kami...

Nagdistribute na si Santa ng presents, ung mga apo nya ung elves na nagdedeliver sa'min nung mga regalo na para sa'min, tapos nagtatatalon pag para sa kanila ung gift...ang kuyut! After maipamigay lahat, yehey! ahyan na bukasan na!

Binuksan ko ung regalo na pinakamalaki -- syempre un ung biggest, eh di un ang unang buksan!

Oooohhh...Ooh ooh ohh... Me likey!

Bumulaga sa'kin ang isang Secosana bag! wahahaha... Niyakap ko kagad!

Joshua: (nagbubukas ng isang regalo nya) Umiiral nanaman pagka-abno mo... Bakit pati yan niyayakap mo?
Ako: Che! Anong gusto mo? Ikaw yakapin ko?
Joshua: (smirks) Pwede rin...
Ako: Whee! Neknek mo noh! (niyakap ko uhlet ung bag ko) You'll never understand ang beauty ng isang bag...
Joshua: (tinabi ung wrapper) Kaya nga naimbento ang bulsa eh...
Ako: Che!

Pagkatanggal nya nung gift wrapper, napatingin kagad ako sa kahon...

Ako: Totoo bang kahon yan?

Nilabas ni Joshie ung loob ng kahon...Whoa! Totoo nga!

Ako: Videocam?! Ikaw?! Binigyan ng videocam?! Eh ung camera na nga lang, tinatakwil mo na, videocam pa!

Biglang lumapit sa'min ung dad ni Joshie, sabay hampas sa likod ni Joshua! wahahahaha... Sa expression ni horsey, mu~g masakit un! Napa-arouch ung mukha nya eh...

Dad: (ngiti sa'min) Yan, perfect for both of you... Para kahit malayo kayo, pwede kayong magpadala ng mga videomail..
Joshie: Dad, kaya nga nauso ang internet at webcam.. Tsaka, anoh namang ipapadala ko syo?
Dad: Abah, anoh pa nga ba?! Eh di ung mga videos ng mga apo ko! Pag first time nilang maglakad, magsalita--
Ako at si Joshua: A-apo?!?!?!?
Dad: Oo... bakit hindi? Abah, nasa iisang apartment lang naman kayo... (tingin kay Joshua) Nako, anak, sa tagal nyo nang magkasama sa iisang bubong wag mo sabihing di pa kayo nag--
Joshua: DAAADDDD!!!!!

Nako poh! Nag-elevator ang blood sa buong body ko papunta sa aking face!!! Apo raw?!?! MGA APO RAW!?!?!!? AKO?!?!? SI HORSEY?!?!?!? WAaaAahhhhh!!! Perverted ang thoughts ni daddy ---- este tito pala!

Sa init ng face ko, my golay, gano kaya ka-blush ang beauty ko?!?!?
Biglang pumunta sa'min ung mom ni Joshie at hinila palayo ung asawa nya...

Mom ni Joshie: (ngiti sa'kin) Nako, pagpasensyahan nyo na toh at matanda na eh... Since malalaki na ung mga apo nya, naghahanap ng bagong baby...
Dad ni Joshie: Pero---
Mom: Honey, tara na!

Hinila nung mom ni horsey ung husband nya papunta sa kabilan dako ng room... Ako naman at si horsey, ahyun, blush ever!

Ako: Uh... (tawa nervously) ano...

Hopia!

Napatalon ako ng konti nang maramdaman kong nagvibrate ung cp ko... Saved by the vibration!

Avah! Si Kenny!

Ako: Hello?
Ken: Merry Christmas!
Ako: Merry Christmas din! Buti nakalusot ka pa sa busy ng mga linya...
Ken: Nagpa-reserve na ko sa Smart eh na tatawagan kita...
Ako: Nyekz...Oh chigi...

Tsismisan kami for a while... Tapos after a while, vavush na kaseh kakain pa raw sya ng pansit... Lokong un, ipagpalit ba ko sa pansit...

Joshua: Sino un?

Ay, katabi ko nga pala si horsey...

Ako: Si Ken... Bumabati ng Merry Christmas...
Joshua: Babati lang sya, tagal-tagal pa...
Ako: Eh bahket ang shwungit mo nanaman?

Biglang nag-vibrate uhlet ung cp ko...

Joshua: Oh anoh? Nakalimutan nyang magsabi ng Happy New Year?

Tinaasan ko ng kilay si horsey, tapos sinagot na ung cp

Ako: Hello?

"Sweet!"

Whe?

Tinignan ko ung screen kung sino bang kausap ko... Bubwit, si Warren pala... hehe... Di naman kaseh ako babatiin ni Ken ng ganon noh...

Ako: uy, merry christmas!
Warren: Merry christmas din! Nako, nakapasok din ako... Kanina pa ko tumatawag eh...

hehe.. di ka nagpa-reserve sa Smart?

Ako: Buti nga, Warren, nakapas---heeey!!!

Nung sinabi ko ung pangalan ni Warren, biglang hinablot ni horsey ung cp ko! Sinubukan kong kunin kaya lang nag-bend sya palikod tapos medyo tinulak akong palayo... Kabayong toh!

Joshua: (kausap sa cp ko) Hoy aso!..... Si Joshua toh! Anong butiki ka dyan?!?......Oo, kasama ko si Nessy, di pa ba obvious?!? Sa susunod ka na nga tumawag, istorbo ka eh! Pangalawa ka na!

Pangalawang-- poosh!

Joshua: (iwas sa kamay ko na umaabot sa cp) Pangalawa! Pake mo?!

Tapos nun, binaba nya na! What the--!?!?

Ako: (hablot nung cp ko) That was so frickin rude!
Joshua: Alin?
Ako: Jerk!

Tumayo akong bigla, and dun ko lang napansin na nakatingin na pala sa'ming dalawa ang lahat ng people sa room...

Shwoosh...another kahiya moment... Bubwit na horsey yan!

Ako: (lakad palabas ng room) Uh, excuse me...

Pumunta ako sa kusina at tumunggan ng tubig... Might as well, kesa naman ung bote ng alak ung tunggain ko di ba? Naririnig ko si Ate Shane na sinersermonan si horsey... Hmp! Buti nga sa kanya!

Tama bang hablutin ung cp ko habang may kausap ako?!? Tapos binabaan pa!?!

Sheeshhh...

Anoh bang nakita ko dun sa kabayong un?!?!... Haaaaayyyy....


Tungga ng tubig -- feeling alak na lang!
Joshua

"Hala! Bahket ako mag-ssorry?!?"

Bigla akong binatukan ni Ate Shane

Ate Shane: Eh loko ka pala! Kasalanan mo naman talaga!
Ako: A-ako?!?! What did I do?!?!
Ate Kate: Ano ka ba? Paskong-Pasko eh pinipikon mo si Janessa.... (tingin kay Nessy) Tingnan mo nga sya... Kulang na lang pati ung baso eh tunggain na...

Sinilip ko si Janessa sa kusina... Kaka-walk out nya pa lang, sinugod na kagad ako nina ate... haaaay... Di ko naman akalain na mapipikon ng ganon si Janessa noh... Bakit ba kaseh kailangan pang kausapin ung aso na un tsaka ung manikang Ken na un? Eh kasama naman nya ko... hehe..

Tumingin uhlet ako sa mga ateh ko para kumontra, kaya lang, sheesh, napaso na ko nung mga titig nila..

Ako: (tumayo) Ok, ok... Lalakad na nga eh... Sheesh..
Ate Shane: Yehey! Go, Josh! Nasa likod mo lang kami!
Ako: (lumakad paalis) Yeah, yeah...whatever...

Lumapit ako kay Janessa na nakatitig lang dun sa baso sa kamay nya... Hala, galit ba talaga toh?!
Tumabi ako sa kanya... Tapos nag-trace ng kung ano dun sa counter with my index finger... Di ako makatingin eh!

Tumingin sa'kin sandali si Janessa tapos tumitig uhlet dun sa baso nya...

Janessa: Go away, leave me alone...
Ako: (tingin pa rin sa aking invisible drawing sa counter) A-are you still mad at me?
Janessa: No.. I'm totally pissed off! You retard!

Nako, lumalabas ang mang-away diploma nya na na-practice sa America... Nanggigil sa'kin si meatballs...

Janessa: What gives you the right to do that anyway?!? Una hinablot mo ung cp WHILE I'm talking to someone, tapos binabaan mo pa ung kausap ko! And you told such mean things to him! FYI, that was my cellphone, at kakausapin ko kung sinong gusto kong kausapin!

Hinayaan ko lang syang awayin ako... Di naman sya sumisigaw, ung pabulong na nanggigil lang... Kumbaga eh, on the way na sa sigaw...

Ako: Bakit gusto mong kausapin ung mga un?
Janessa: HaallleerrrR?!?! Eh mga kaibigan ko ung mga un eh!
Ako: I don't like it pag kausap mo sila habang katabi mo ko...
Janessa: Oh?! And now, kailangan na kitang sundin? You're not my boyfriend!!! I hate you!!! Leave me alone!!!
Ako: Wha... What the hell did I do!?!? Binabaan ko lang ng telepono ung aso!!! Sheesh...

Tumalikod na ko, tapos naglakad palabas ng kusina, iniwan si Nessy... Pero sinalubong ako nina ate...haaaayyy...

Ate Kate: Well?
Ako: She's crazy! Ang babaw-babaw nung ginawa ko, sobrang magalit!
Ate Shane: Ahhh...baka may PMS?

Kailangan pa bang ipaalam sa'kin un?

Ate Shane: Try mo uhlet...
Ako: Hell no!
Ate Kate: Sige na... Pag nalagpasan mo tohng stage na toh, nako, kahit anong sungit nyang si Janessa, eh yakang-yaka mo na...

Sinilip ko si Janessa... Nagmumukmok pa rin dun, tumutungga nung tubig nya... Kung alak un, malamang eh lasing na si meatballs...

Ate Shane: (tinulak ako pabalik) Dali na, Josh... Go! Go! Go na!

Haaaaaaaaaaayyyyy...

Bumalik ako kay Janessa...at balik na rin sa pag-ttrace dun sa counter...

Janessa: (bulong) What do you want?

Medyo kalmado na ung boses nya... Abah, mu~g mabubuhay pa nman ako! haha..

Ako: A-ano... Sorry na...
Janessa: Huh?
Ako: I'm sorry... Mali ung ginawa ko, and... and... I'm sorry...

Sh*t! Kulang talaga ako sa practice pagdating sa pag-ssorry!

Janessa: Ok... thankz for apologizing...
Ako: (tingin sa kanya) So you're not mad anymore?
Janessa: (tingin din sa'kin) I wasn't mad... just pissed off...
Ako: Then take back what you said earlier...*pouts*
Janessa: H-huh?
Ako: Sheesh! Wag mo sabihing nakalimutan mo na?!?! Sinabihan mo ko ng "I hate you"! That hurts you know?!?
Janessa: I-I'm sorry... Sinabi ko un?

Ergh...

Ako: Pano mo nakalimutan?!?
Janessa: Ooh, horsey, sorry... I guess I was just so spaced out, I mean, (tinapat sa'kin ung hawak nyang baso) kanina ko pa iniisip kung pano kaya nila ginagawa tohng crystal clear na baso...

WTH?! anong klaseng utak ba meron tohng babaeng toh?!?

"Josh! Janessa!"

Napatingin kami sa may living room... Nagtatawag na si kuya... Mu~g magsisimula na ang traditional music festival ng Pasko ah... Kinuha ko ung kamay ni Janessa tapos hinila na sya papunta sa living room...

Janessa: What's going on?
Ako: Bastah...

Tapos, ka-poink! Tinamaan ako ng idea! Naiisip mo ba naiisip ko B1? Sa palagay ko nga B2! -- wag kayong kumontra, pinapanood ko un hanggang mag-2nd yr high school ako!

Ako: (bulong kay Nessy) Babawi rin ako syo...


Janessa

Umupo kami ni Joshua dun sa inuupuan namin kanina habang nag-ddistribute si Santa ng gifts... Well, lahat naman ng people eh sa same seats pa rin nakaupo, except ung mga kidz, kaseh pinaakyat na sila para matulog -- kasama si Ate Kate... seven kids at si Ate Kate... grabeh...parang sandamakmak na unfair noh? Eh kung daganan sya nung pitong un? Siguro, since family affair naman itich, dapat umakyat din ako and tulungan si Ate Kate na bihisan and patulugin ung mga chikiting na un...watchu tink?

Biglang pumasok si Kuya Mike na may dalang gitara...

Okay... no tink na lang... kayang-kaya na ni Ate Kate un!

Ako: (bulong kay Joshie) Ooohhhh... kakanta si Kuya Mike?
Joshua: Yah, kinda... Every Christmas, pagkatapos mamigay ng regalo ni dad, aakyat na ung mga bata para matulog tapos, (turo kay Ate Shane) ung matatanda, iinom ng champagne, at (turo naman kay Kuya Mike) magkakantahan...
Ako: Never heard of a karaoke?
Joshua: Nah... Mas gusto nina mommy ng acoustic guitar eh... Tsaka baka sa pag napasarap si kuya sa pagkkaraoke eh, nako, di na titigil yan... Lalaksan nya pa, eh di di na nakatulog ung mga bata...

Adik si kuya...

Ako: So, ano na mangyayari ngayon?

Dumaan sa harap namin si Ate Shane, kumuha si horsey ng isang baso ng champagne para sa kanya, tapos isa para sa'kin...

Ate Shane: (tingin sa'kin) Relax ka lang, Janessa... Pagkatapos ng maraming excitement, ehto na ung hour para mag-relax... Hintayin lang nating bumaba si Kate...

So, ahyun, inom lang kami...habang pinatono ni Kuya Mike kay Joshie ung gitara... Maya-maya, bumaba na rin si Ate Kate... After 10 years! Di na ko mapakali kung anong mangyayari eh...

May candy kaya? Lollipop? Cottoncandy?

Wait... walang kinalaman un... Balik tayo sa nangyayari...

Ate Kate: Whoa, (collapse sa tabi ni Ate Shane) natapos rin.. pasaway yang anak mo ha... ayaw matulog!
Ate Shane: Si Christian?
Ate Kate: Obvious ba?
Ate Shane: Hihi... U know naman my dear sister-in-law... boy eh... Last year naman eh ako nagpatulog sa mga un noh... Wag kang mag-alala, next year, may third na...

Ngumiti sya sa'kin...

Whe!? Ako?!

Joshua: Huy, wag nyo ngang takutin si Nessy... Baka di na yan pumunta uhlet dito noh...
Mom ni Joshie: Oh sige na, awat na yan... Pagod na kami ng daddy nyo... Sinong unang kakanta?
Dad ni Joshie: Tama... Pagkatapos ng maraming taon na kayo kinakantahan namin para makatulog kayo, kami naman kantahan nyo ngayon..
Ate Shane: Haaaayyy... (tingin sa'kin) San ka pa makakakita ng parents na nanghihingi ng sukli sa pagkanta syo nung bata ka?
Dad ni Joshie: Hoy, kung di kami naging magulang mo, sa tingin mo ba eh gaganda ka nang ganyan!?

Whe?
Dad: Pasalamat ka at gwapo tohng tatay mo noh...
Joshua: Dad, umaatake nanaman pagkakapal ng mukha mo...
Kuya Mike: Mahinga nga kayo kay Janessa...
Dad: (pouts sa asawa nya) Mommy oh, pinagtutulungan nanaman ako ng mga anak naten...

My golay... May pinagmanahan pala talaga ka-weirdohan ni horsey noh...

Biglang lumapit sa tenga ko si Joshie...

Joshua: (bulong) Makinig ka ha.. Babawi na ko sa pagbaba ko nung cp kay aso...
Ako: Eh?
Joshua: (tumayo) Sige na, dad... Mangunguna na ko...
Ate Shane: Woohoo! Go Joshua!

Hyper talaga si Ate Shane...

Umupo si Joshua dun sa silya sa gitna nung living room, tapos inayos nya ung hawak nya sa gitara... Medyo humarap sya sa'kin tapos ngumiti ng konti...

Avah ako naman, eh kilig to the bones! wahaha... namumula ba ko? namumula?

Nagsimula ung intro nung kanta ni Joshie... familiar...wait...

Oohhhhh...I love this song! Para sa'kin ba yan horsey!?

Joshua:
G Em/C
Bakit pa kailangang magbihis?
C9 Dsus-D-D9-D
Sayang din naman ang porma?
G Em/C
Lagi lang namang may sisingit
C9 Dsus-D-D9-D
Sa tuwing tayo'y magkasama
G Em/C
Bakit pa kailangan ng rosas
C9 Dsus-D-D9-D
Kung marami namang magaalay sayo?
G Em/C
Uupo na lang at aawit
C9 Dsus-D-D9-D
Maghihintay ng pagkakataon

Am7 D- Dsus
Hahayaan na lang silang
G D/F# Em
magkandarapa na manligaw sayo
Am7 D- Dsus
Idadaan na lang kita sa
G D/F# Em
awitin kong ito
Am7 D G-D/F#-Em
Sabay ang tugtog ng gitara...

Woohoo!!! Kilig to the bones ang lola moh! Ganda talaga ng boses ni horsey ever!

Natulala ako panonood kay horsey... Drools... wahehe... joke lang...
Pagkatapos kumanta ni horsey, ahyan na, nag-hyper nanaman si Ate Shane....

Ate Shane: Woohoo! Kapatid ko yan! (turo sa'kin) Magiging kapatid ko na yan!

Whe? Hala... Pero deep inside....waheheh...

Umupo na uhlet sa tabi ko si horsey pagkatapos nyang iabot ung gitara kay Kuya Mike... Ngumiti sya sa'kin tapos lumapit ng konti...

Joshua: (bulong) Oh, ano? Bawi na ba?

My golay! Tinatanong pa ba un?!??

 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures