Gusto ko lang sana maishare sa inyo tong istorya naming ng kasintahan ko.
Almost 5 years na kami magkakilala. Pero napakacomplicated pa din namin.
I’m 20 years old and siya 18 years old at itago natin siya sa pangalan na Alexa.
Nagkakilala kami sa isang online game, hindi naman talaga kami close nung mga panahon na yun, pero bigla siyang tumawag sa akin thru YM. Umiiyak siya, kasi nagbreak daw sila ng boyfriend niya. So ako naman, kahit hindi ko siya kilala or kaclose. Nakinig ako sa mga hinanakit niya. Hanggang sa tumagal nakalimutan na din niya yung boyfriend niya, natutunan na niya na maglet go. Hanggang sa may nakilala siyang isang lalaki na mahal na mahal siya itago na lang natin siya sa pangalang Fran, through online lang din niya nakilala si Fran. Tapos ayun, eto pa din ako. Nakikinig lang sa mga kwento niya sa nangyayari sa buhay niya. Kinukwento niya na, araw-araw sila magkausap, na unti unti na din daw siya nafafall Fran. So ako naman, medyo nasasaktan din. Pero binalewala ko yun. Inisip ko na lang na friends lang talaga kami. So hanggang sa nagtagal, nakakausap ko na din Fran. Kapag nagaaway sila parang ako pa yung nagiging way para magbati sila. Hindi din nagtagal, parang nagsawa na din silang dalawa magbati. Parehas kasi silang mapride, hindi parehas marunong magpakumbaba. So kami ni Alexa, tuloy pa din ang communication. Lagi kaming nagtatawagan, parang magjowa nga kami nun. Kasi updated siya sa mga nangyayari sa buhay ko, updated din siya sa mga nangyayari sa buhay ko. At ayun, college na kami parehas. Magkaiba kami ng school. Siya ay napasok sa isang unibersidad at ako ay sa isang colegio lamang.
Hanggang dumating ang isang araw na nagkita kami. Kala ko nung una, nagjojoke lang siya na pupuntahan niya ako sa bahay. Pero totoo pala, kaya ayun sinundo ko siya sa bus station. Kumain kami sa MCDO tapos umuwi na sa bahay naming. Isa sa rason kung bakit siya nagpunta sa bahay naming ay para magpaSCAN ng mga pictures for project. So tinulungan ko siya sa mga pictures nya. Hanggang sa maggabi na, dumating na parents ko. Then nagulat sila, sino daw yung girl na nasa bahay naming. Sabi ko, siya si Alexa. Yung lagi ko kinukwento sa kanila na friend ko. So ayun, Malas namin. Wala palang food sa bahay for dinner naming ni Alexa so binigyan na lang ako pera ni mommy para punta na lang kami sa bayan para kumain. At ayun, kumain kami sa Pizzahut! Iba ang pakiramdam ko noon, nung kasama ko siya habang naglulunch kami non. Ang saya, kasi dati pinapangarap ko lang siyang makasama. Pero ngayon kasama ko na siya. Umuwi na kami sa bahay nun, sa bahay na namin siya natulog kasi gabi na din nun.
Hanggang sa naulit ng naulit yung pagkikita namin, hanggang sa naipakilala na din niya sa ako sa mga magulang niya. Hiyang hiya pa ako nun. Tapos ayun, nakaclose ko naman agad yung mommy niya. Actually, gustong gusto ako ng mommy niya. Hanggang sa minsan na may pupuntahan sila, talagang sinasama nila ako sa bilang ng taong kasama. Tinuturing na nila akong kapamilya kumbaga.
Dumating ang Christmas 2009. Medyo nafefeel ko na MAHAL NA MAHAL KO NA SIYA! Di ko lang alam kung mahal niya din ako. Ayun, dapat magkikita kami ni Alexa nun sa manila. Kasi nasa Manila ako nun, kasama ko ang buong family namin. Nagrent kami ng condo para dun magcelebrate ng new year. Magkikita na dapat kami nung Paskong yun para makilala na ng pamilya ni Alexa ang pamilya ko. Kaso, hindi natuloy. Kasi, parang tinamad yung daddy niya. Parang nabad mood. So, wala kami magagawa don. So nung December 26 2009. Nakapagkita kami, Hindi nga lang nagkita ang family ako at family niya. Nanood lang kami sine nun, kumain sa labas. Medyo nagshopping ng konti. Tapos umuwi na din.
December 29 2009, magkachat kami nun sa YM. Tapos biglang parang nagkaminan na kami nun. Sabi ko mahal na mahal ko siya. Tapos siya sabi niya mahal na mahal niya ako. Tapos nagkakwentohan kami tungkol dun sa minsanan na gusto na naming iparamdam na mahal naming ang isa’t isa kaso nauudlot dahil na din siguro nagpapakamanhid ang bawat isa sa amin. Tapos ayun, tinatawanan naming yung mga moments na yun. Tapos ayun, nagstart na kami nagligawan.
Mahal na mahal naming ang isa’t isa nun. January 28 2010. KAMI NAAA! Ayun, masayang Masaya kami nun. As in, mas lalo naming napatatag yung relationship namin. Alam na alam naming sa sarili namin na napakasaya namin. Nagpalitan ng mga quotes, nagpalitan ng I love you at ginawa naming ang lahat para maging special ang relationship naming.
February 13-14 2010. Magkasama kami para icelebrate ang Valentines day. Simple lang ginawa namin nun, nanood ng sine na last full time show. Sa aking pagkakatanda, ang pinanood naming nun ay “Valentine’s day” movie. Tapos nagkwentuhan, pinakita talaga naming na mahal na mahal naming isa’t isa. Binigyan ko siya ng regalo din since valetine’s day non.
Nasundan pa siya ng madaming madaming movie, parang naging routine na din naming yun na tuwing magkikita eh manonood ng sine. Minsan, maiisip mo na magastos. Mahal na kasi pamasahe papunta sa kanya, manonood pa. Pero binalewala ko yun. Hindi masusuklian ng pera ang mga oras na magkasama kami nun.
Nagbirthday na siya. Bago pa siya magbirthday, tinanong ko na sa kanya kung anong regalo ang gusto niya sa birthday niya. Ang mga sinabi naman niya ay mga simpleng regalo lang. Kaya lahat ng hiniling niya sa birthday niya ay binigay ko. Sa mismong araw na ng birthday niya, umabsent ako. Exam day pa nun, laboratory exam at alam ko na kapag namiss ko yun. Hindi na ko makakapagmake up exam. Sa akin, okay lang. Bukod sa kampante na ako na papasa ako sa subject na yun. Iniisip ko din na gusto ko makasama si Alexa sa araw ng kaarawan niya. Pinuntahan ko siya sa school, inintay makalabas ng klase niya at ayun. Kumain kami, sabay kami naglunch. Inabot ko yung gift so sa kanya na mga hiniling niya. Nagpaggawa din ako ng letter doughnuts. After maglunch, nanood ng sine kami. 2 movies napanood naming nun. Sobrang adik talaga kami manood ng sine nun. After manood namin ng sine. Mga 5pm na, imineet up namin yung friend niya nung highschool para itreat niya ng dinner daw. So ayun, nagdinner kami sa Classic Savory. At ayun nakaclose ko na din ang kaklase niya nung high school. Hinatid ko na si Alexa sa dorm niya at ako ay umuwi na.
Naging complicated na ang relasyon namin. Kahit Facebook na wala namang ginagawang masama. Pinagbabawalan na ako. Kasi daw nakakausap ko mga kaklase ko. Nagseselos daw siya. Di ko naman alam kung anong pinagseselos niya sa facebook ko. Halos wala namang makikita sa facebook ko. Mga kamaganak ko pa ang mga nakakausap ko minsan. Pinilit niya akong idelete ang facebook ko nun. Kung hindi daw, hihiwalayan niya daw ako. Napaisip naman ako. Parang nasasakal na ako nun sa kanya. Pero wala ako nagawa. Dinelete ko na din!
April 6 2010. Umalis ako ng pinas. Nagbakasyon kami ng pamilya ko. Alam ni Alexa yun. Mula nung malaman niya yun, lagi ang lamig niya makipagusap sa akin. Tinatanong ko siya lagi kung meron ba kami problema. Wala naman daw kami problema. So sige. Okay lang. Nakarating na ako sa Singapore nun. Para di mawalan kami ng communication, tinatawagan ko siya lagi. Para kahit wala ako sa Pinas, maaalala pa din niya ako. Tapos nagopen siya sa akin, na kaya daw niya ako hindi masyado kinakausap nung mga nakaraan araw kasi ayaw niya daw ako umalis. Natouch naman ako dun sa sinabi niya. Mas lalo kong naramdaman na mahal na mahal ako ni Alexa. So ginawa ko nun, habang nasa ibang bansa ako. Magkachat kami, or magkausap sa phone. Kinukwento ko yung mga ginagawa ko sa Singapore. Ang hindi ko alam, nasasaktan ko na pala siya sa aking pagkwekwento. Dahil daw minsan inaabot ako ng 10pm sa labas. Iniintay niya kasi ako magonline nun. Bago matulog lagi. May nakilala akong friend sa Singapore. Lagi niyang tinatanong yung facebook ko. Gusto daw niya ako iadd. Sabi ko, akin na ang eadd niya at ako na lang magaadd sa kanya. (wala naman talaga ako balak iadd yun kinuha ko lang eadd niya para matapos na usapan naming nun). Tapos ayun, si ate din nagtatanong na din kung anong eadd ko sa FB. So sa dami na din nung nagtatanong kung anon gang FB ko. Napagdesisyunan ko na gumawa na ng FB account. Para na din matigil yung mga nagtatanong. Di ko naman ginagalaw kasi ang FB account ko. Ginagamit ko lang siya para maging updated sa mga tao. Ayun, after almost 3weeks. Umuwi na kami ng pamilya ko sa Pilipinas. At nagtext agad ako kay Alexa. Medyo cold pa din siya sa akin nun. Habang tumatagal, biglang nasabi niya sa akin ay sa susunod na magpunta ka pang Singapore. Di na kita kakausapin pa kahit kelan.
Medyo naguluhan na ako nung panahon na yun. Inisip ko kung ano bang gusto niyang iparating sa akin bakit biglang nagging ganun ang tono ng pakikipagusap niya. Mula nung makabalik ako ng pinas nun. Lagi kami nagaaway hanggang May. Lagi na lang niyang sinasabi na huwag na kami magusap. Pero kahit ganon, nagpapalitan pa din kmi ng I LOVE YOU nun. Habang tumatagal din, nakikita ko yung mga blogs niya na ipinaparating niya na ako ay property niya. Masaya pa din naman ang relationship namin nun dati.
June 2010, pasukan na ulit. Naging complicated na ang relationship namin. Kasi, kahit mismo sa pakikisama ko sa mga kapamilya ko. Pinagseselosan niya. At kapag may times na hindi kami nagkikita dahil may gatherings sa family nagagalit na siya. Habang tumatagal, hindi niya na talaga ako naiintindihan.
August 2010, may naging kaklase siya na same ng relationship namin. Pagkakaiba lang, mas successful yung relationship namin kesa dun sa kaklase niya. So inadvisan siya nung kaklase niya na naiinggit siya sa relasyon naming ni Alexa. Full of love daw. Naging kaclose ko yung kaklase niya. Nagpalitan kami ng mga advices.
November 2010 nagulat ako. Biglang nandito na si Alexa sa bahay at galit nag galit siya. Di ko alam kung bakit. Tapos bigla niya ako sinampal. Break na daw kami. Kasi nahuli niya ako na may Facebook. Nahuli niya yung ginawa kong facebook dati. Ayun, iyak ako ng iyak sa kanya na wag niya ako hiwalayan. Hanggang sa ayun, medyo naging kalma siya. Break na daw talaga kami nun. Hinatid ko siya sa Glorietta. Dun kasi siya susunduin pauwi sa bahay nila. Habang iniintay niya sundo niya. Naiyak ako sa kanya at nagmamakaawa na wag niya na ako iwanan. Pero walang nagawa, nagmukha lang akong tanga sa harapan niya.
At habang tumatagal, ganon pa din kami, At nung kaarawan ko ng December. Di niya ako binati kasi 19th birthday ko. hatest number daw niya ang 19! Medyo nasaktan ako, na yung taong mahal na mahal na mahal mo. Hindi ka nabati sa araw ng kaarawan mo dahil lang sa simpleng 19th birthday mo. Pero binalewala ko ulit yun. Mahal ko siya eh. Mahal na mahal! Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak na lang habang tumatagal. Hanggang sa dumadami na yung dahilan niya kung bakit ayaw na niya sa akin. That time. OFFICIALLY Break na talaga kami. Pinipilit ko makipagbalikan nun. Ayaw niya talaga.
Hanggang ngayon, parang wala na siyang respeto sa akin. Ultimo simpleng pagkakamali ko lang, sobrang galit na siya. Natuto na siyang magmura sa akin, or saktan kapag naiinis siya. Minsan namumura ko na din siya. Pero ang hindi ko nagagawa sa kanya ay ang saktan siya physically. Binalewala ko lahat ng naging pagkukulang niya sa akin at pinunan ko lahat ng mali ko sa paningin niya.
Sa akin lang naman, wala naman sigurong bawal sa facebook kung basta nageexist lang siya. Wala naman kinakausap sa facebook or wala ka naman nilalandi. At wala akong makitang kahit anon a dapat pagselosan. Kasi sa akin, mahal na mahal ko siya talaga. Dumating pa sa point na kayak o pang ipagpalit ang family ko makasama lang siya. Hanggang sa may nakilala siyang isang guy. Crush daw niya, nasasaktan ako nun. Alam naman niya na hindi pa kami nakakarecover nun e. Pero 3months na din kasi kami break nun. At nararamdaman ko na habang nakakausap niya yung guy na yun Masaya siya. At minsan na gusto ko makipagkita sa kanya. Hindi siya nakikipagkita. Parang nawawalan na siya ng gana. So ako, Life must go on. Pero iyak ng iyak ako nun. Hindi ko maggawang magalit kasi unang una. Nakipagbreak na siya sa akin.
Ang ginawa ko dahil gusto ko makamove on. Nagpunta na lang ako ulit Singapore. Magisa na lang. Since dun naman nakatira ang ate ko. Less gastos na din. Mga 2weeks ako sa Singapore. Nakamove on naman ako. Pero nung bumalik ako sa pilipinas. Nakausap ko na naman siya. Parang balewala. This time nga pala. Nagpunta ako ng Singapore ng hindi niya alam.
Hanggang sa nagtagal, din a niya nakakausap yung guy na yun. So ako na lang ulit nkakausap niya. Kaso, wala ng pagbabago pa. Palala ng palala yung nangyayari. Mahal na mahal ko siya pero siya nawala na. Nagiba na yung Alexa na nakilala ko.
Sobra na siyang manlait. Magutos. At kung masabihan pa ako ng bobo. Para akong walang pinagaralan. As in, Hindi lang siya physically nakakasakit pati emotion ko nasasaktan na din.
Di ko alam kung ako ba yung may mali sa relasyon na to e. Or siya? Pinilit ko naman baguhin ang sarili ko sa pamamaraan na gusto niya ng hindi ako nagigipit sa panahon na inilalaan ko para sa pamilya ko. Lalo pang lumalala, kasi parang yaya na niya ako kung ituring. Pero binalewala ko ulit yun. Sinunod ko pa din. Kaso, nung maramdaman ko na hindi na talaga na wala na pagasa. Natuto na akong tumanggi sa mga gusto niyang gawin ko para sa kanya. Natuto ako magkaroon ng sariling paninidigan. Hindi na ako sumusunod sa kanya minsan. Lalo na kapag naaargabiado ako. Hanggang ngayon ganito pa din kami. NAPAKACOMPLICATED NG RELASYON!
Ang lagay ng relasyon naming ngayon? Mula dun sa taas. Nasa baba na ngayon. Landslide. Kung anong saya naming nung dati, siya namang lungkot ko ngayon. Good thing ngayon, TANGGAP ko na may chances na hindi na talaga kami. Na parang ngayon okay na mapapunta siya sa ibang guys ngayon. Kasi, pakiramdam ko suko na akong ipaglaban pa siya. Kasi parang wala na talagang mangyayari sa amin pa. Wala na din kasi ako maramdaman na kasweetan sa aming dalawa. Lampas isang taon na akong umasa na babalik kami at magiging ayos pa ulit kami. Kaso wala na talaga. Nagpakamatryr pa ako para lang mapatawad niya ako sa tinatawag niyang kasalanan. Pero wala pa din nagawa. Although hanggang ngayon,iniiyakan ko pa din yun. Pero hindi na ako ganun kaaffected ngayon. Napakaminsanan na lang nga kami magusap e. Basta super complicated. At ako sinisisi niya sa lahat ng to.
------------------------- THE END-----------------------
Love Stories
- 1 Message Received
- 10 Wishes Part 1
- 10 Wishes Part 2
- 10 Wishes Part 3
- 10 Wishes Part 4
- 10 Wishes Part 5
- 10 Wishes Part 6
- 10 Wishes Part 7
- 10 Wishes Part 8
- 10 Wishes Part 9
- 10 Wishes Part10
- 10 Wishes Part11
- 10 Wishes Part12
- 10 Wishes Part13
- 10 Wishes Part14
- 10 Wishes Part15
- 10 Wishes Part16
- 10 Wishes Part17
- 10 Wishes Part18
- 10 Wishes Part19
- 10 Wishes Part20
- 10 Wishes Part21
- 10 Wishes Part22
- 10 Wishes Part23
- 10 Wishes Part24
- 10 Wishes Part25
- 10 Wishes Part26
- 30th Day
- Accidentally In Love 1
- Accidentally In Love 2
- Accidentally In Love 3
- Accidentally In Love 4
- Accidentally In Love 5
- Accidentally In Love 6
- Accidentally In Love 7
- Accidentally In Love 8
- Accidentally In Love 9
- Accidentally In Love10
- Accidentally In Love11
- Accidentally In Love12
- Accidentally In Love13
- Accidentally In Love14
- Accidentally In Love15
- Accidentally In Love16
- Accidentally In Love17
- Accidentally In Love18
- Accidentally In Love19
- Accidentally In Love20
- Accidentally In Love21
- Accidentally In Love22
- Accidentally In Love23
- Accidentally In Love24
- Accidentally In Love25
- Accidentally In Love26
- Accidentally In Love27
- Accidentally In Love28
- Accidentally In Love29
- Accidentally In Love30
- Accidentally In Love31
- Accidentally In Love32
- Accidentally In Love33
- Accidentally In Love34
- Accidentally In Love35
- Accidentally In Love36
- Accidentally In Love37
- Accidentally In Love38
- Accidentally In Love39
- Accidentally In Love40
- Accidentally In Love41
- Accidentally In Love42
- Against All Odds 1
- Against All Odds 2
- Against All Odds 3
- Against All Odds 4
- Against All Odds 5
- Against All Odds 6
- Against All Odds 7
- Against All Odds 8
- Against All Odds 9
- Against All Odds10
- Against All Odds11
- Against All Odds12
- Against All Odds13
- An Evening at the Waldorf
- Ang Aking Story
- Another Sad Love Story
- Apologies
- Are you Gay or Straight
- Blind Girl
- Blossom Flower Yet Thorny
- Boomerang
- Bulalakaw
- Busy Text Message
- Chris Diary
- Confession
- Darlene Daniel
- Diary
- Divorce
- Feathers
- First Love Never Dies
- Forever Loved Never Appreciated
- Friend of Mine
- Ghost Story 3
- Guitara A Love Story 1
- Guitara A Love Story 2
- Guitara A Love Story 3
- Guitara A Love Story 4
- Guitara A Love Story 5
- Guitara A Love Story 6
- Guitara A Love Story 7
- Guitara A Love Story 8
- Guitara A Love Story 9
- Guitara A Love Story10
- Guitara A Love Story11
- Guitara A Love Story12
- Guitara A Love Story13
- Guitara A Love Story14
- Guitara A Love Story15
- Guitara A Love Story16
- Guitara A Love Story17
- Guitara A Love Story18
- Guitara A Love Story19
- Guitara A Love Story20
- Guitara A Love Story21
- Guitara A Love Story22
- Guitara A Love Story23
- Guitara A Love Story24
- Guitara A Love Story25
- Guitara A Love Story26
- Guitara A Love Story27
- Guitara A Love Story28
- Guitara A Love Story29
- I Love You
- I Love You Not
- I Love You So What
- I Still Love You
- ILove You
- Its Complicated
- Lab Story
- Leaf and Wind
- Liar's Diary
- Life Together
- Love
- Love Is
- Meteor Shower
- Middle Star
- My 2nd Boyfriend
- My First Love
- not words win arguments
- One Forgotten Memories
- One true love
- Pamana
- Peksman
- Please Visit Me
- Promise
- Rain
- Rejection
- Sa Kanya
- Sad Love Story
- Salty Coffee
- Savior
- Send My Love to Heaven
- Seno
- Share your Love Story
- She Was Not Beautiful
- Short Love Story
- Silent Love
- Since i was 14
- Slam Dunk
- Steps
- Story of Love
- Story of Regret
- Tagalog Sad Love Story
- Tell Them I Lied
- The Butterfly Lady
- The Diary
- The Doctor
- The Hardest Thing I Had to Say
- The Missing Rib
- The Necklace
- The Other Woman
- The Rose
- Thinking of You
- Third Wheel
- Tisyu
- Tree
- Tunay na Pagmamahal
- Unfaithful Wife
- Unforgotten Friendship
- When I See You Smile
- White Hankerchief
- Will you Marry Me?
- Wishful Thinking
- Witness
- Your Song
ai ganun nkkalunkot nman story nyo!
ReplyDelete..ibig sabihin nun, di ka niya love, isa makapagsisira ng magandang relasyon ay ung pagseselos, move on kana lang, hayaan mo may darating din para sau na mapapahalagahan niya ang love mo...
ReplyDeletehay naku alam mo meron tlgang ganyang mga tao peu ndii nla alam nkkasakit na sila ..kya move on ka nlang !
ReplyDelete