Boomerang
Nagsimula ang lahat ng yun nung mga bata pa kami. Childhood friends ika nga at tulad ng malimit sabihin ng mga tao na nakapaligid sa amin, baka magkatuluyan daw kami paglaki namin. Pero pinagtatawanan nalang namin yun at di iniinda. Mga bata pa nga kami nun, wala pang masyadong alam sa mundo…
“Hindi ganyan! Mali ka naman kasi ng pagkakabato eh!” sabay kuha ng boomerang na bumagsak.
“E pano ba?! Ang hirap naman kasi!” pagmamaktol ko naman.
“Ang hirap mo namang turuan. Paulit-ulit na ako dito eh! Manood ka na nga lang.”
“Eeee…gusto kong matuto!”
“Balang araw mababato mo rin yan ng tama, kaya wag kang magmadali.”
“Pano kung di dumating yung araw na yun?”
“Dadating yun…maniwala ka sakin.”
Lumipas ang taon at naging mas malapit kami sa isa’t-isa. Nag-aaral kami sa parehas na eskwelahan hanggang sa makatungtong na kami ng hayskul. At dulot na rin ng mahabang samahan e naging matalik na magkaibigan kami. Akala ko hanggang dun lang ang magiging turing ko sakanya pero nagkamali ako. Hindi ko namamalayan na habang tumatagal e nahuhulog ako sakanya. At saka ko lang ito napatunayan talaga nung nalaman kong may iba na siya…
Nagpatuloy ang tinatago kong damdamin hanggang sa nakarating kami ng kolehiyo. Marami na rin ang nanligaw sa akin simula nung hayskul palang pero ni isa wala akong sinagot dahil ang puso ko ay nakatali pa rin sakanya. Pero alam ko ang puso niya ay nakatali na rin sa iba. Sa kalagitnaan ng pagkokolehiyo ko, feeling ko wala na talaga akong pag-asa at sumuko na rin ako. Nabalitaan ko kasi na naging legal na sila at pati mga magulang nila e nagbabalak ng ipakasal sila. Dahil sa nalaman ko, sinubukan ko ng magmahal ng iba at sinagot ko na rin yung taong matagal na sa aking nanliligaw.
Iba ang feeling dahil first time palang pero lagi kong pinapaalala sa sarili ko yung mga limits ko. Magmula na rin nun sinubukan ko ng lumayo sakanya. At habang tumatagal e mukhang napapansin din niya sa wakas yung unti-unti kong paglayo.
“Bakit ka ba umiiwas? May nagawa ba akong kasalanan?” isang araw na tinanong niya sa akin nung minsang sinugod niya ako sa bahay.
“Hindi ako umiiwas. Maysado lang akong busy dahil malapit na ang graduation.” Malamig ko namang tugon sakanya.
“Hindi ganun yung nakikita ko eh. Umiiwas ka talaga sa akin.”
“ano bang sinasabi mo dyan?” sabay iwas.
“Tingnan mo nga, umiiwas ka na naman.” Sabay harang sa akin. “Bakit ka ba naging ganyan, Umi?! Nagkaroon ka lang ng bf, nag-iba ka na!”
“Anong nag-iba?! Ikaw kaya ang nag-iba sa ating dalawa! Magmula nung naging kayo nung Sandy na yun, nakakalimutan mo na may bestfriend ka! Pero wala naman ako nireklamo sayo di ba?! Kaya wag ka ring magreklamo dyan na iniiwasan kita dahil ikaw mismo ang lumalayo sa akin!”
“That’s it! Ayoko ng makipagtalo pa. Kung yan ang gusto mo, edi mas mabuti na ngang lumayo na tayo sa isa’t – isa!”
Lumabas siya ng bahay at naiwan lang ako doon na nakatulala. Dahan-dahan akong napaupo at niyakap ang mga binti ko..
“Kung alam mo lang, Andrei…” sambit ko sabay patak ng luha na kanina ko pa pinipigilan.
Dumating na din sa wakas ang araw ng graduation ko. Masaya sana pero alam kong hindi pa rin kumpleto. Ito lang ang graduation ko na dumaan na wala sa tabi ko si Andrei para magsaya. Tanging isang malamig na “congrats” lang ang narinig ko mula sakanya nung minsang pinilit kami ng mga magulang namin na magpakuha na magkasama. Dahil mukhang ayaw naman niyang itago yung picture, ako nalang ang kumuha. Iyon nalang ang huling alaala niya mula sa akin dahil magmula rin ng araw na yun…hindi na kami nagkita pang muli.
Isang araw nakatanggap ako ng tawag na nagbibigay ng offer na trabaho sa ibang bansa. Tinaggap ko naman agad ito dahil mukhang ito na ang pagkakataon kong makalimot at magsimula ulit…
Lumipas ang maraming taon at naisipan kong magbalik ulit ng Pilipinas upang dalawin ang pamilya ko. I’m now a successful businesswoman pero single. I prioritized my work first before anything else kaya naman nagbreak na rin kami nung dati kong bf. Nung malaman ng mga magulang ko iyon e inuudyok na nila akong mag-asawa para magkaapo naman daw sila.
“Don’t worry, ma. It will come.” Sabay tawa.
Inayos ko naman yung mga gamit ko sa dati kong kwarto. Tulad pa rin ito ng dati dahil mukhang di naman nila ginalaw yung mga gamit ko na nandoon. Habang nag-aayos ako, napukaw ang tingin ko sa isang bagay na matagal na rin nung huli kong nakita. Kinuha ko naman na yung boomerang na nakadisplay sabay punas ng alikabok na nakapalibot dito. Habang tinitingnan ko ito, unti-unting nagbalik sa akin ang mga memorya nung mga bata pa kami ni Andrei. Akala ko nabaon ko na ang lahat sa limot pero sa isang iglap, bumabalik din siya agad.
“Di mo man lang sinabi na babalik ka na pala.” Nagulat naman ako dun. Pagtingin ko, may isang lalaking na nakasandal sa may pintuan.
Tinitigan ko naman siya at napansin na medyo familiar yung mukha niya.
“Don’t tell me, nakalimutan mo na ako?” umayos naman siya ng tayo tska lumapit.
Doon ko lang napagtanto kung sino yung lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko.
“Andrei…” ngumiti naman siya.
“Nasayo pa pala yan.” Sabay turo sa hawak ko.
“Ah, oo nga eh…kakikita ko pa nga lang.”
“Hmm…Tara…” hinila naman niya ako patayo.
“T-teka, san tayo pupunta?”
Di naman niya ako sinagot basta dire-diretso lang kami hanggang sa makalabas at makarating sa may park. Matagal na rin nung huli kong punta dito kaya naman minasid ko muna yung paligid.
“Ang laki na nung pinagbago noh?” napatingin naman ako sakanya.
“Oo nga eh…”
“Pwede mahiram yung boomerang?” ibinigay ko naman ito.
Pagkakuha niya e pumwesto na agad siya sabay hagis ng malakas. Maya-maya lang bumalik na ito at nasalo niya. Naaalala ko tuloy yung scene na to kung saan inihahagis ni Andrei yung boomerang habang ako e nanood lang.
“Alam mo ba, nakakarelate ako sa ginagawa ko ngayon sa boomerang.” Bigla niyang salita sabay hagis ulit nito.
“Pano mo naman nasabi?”
“Kasi may isang tao akong pinakawalan noon at labis akong nagsisi…” bigla naman niya ulit sinalo ito.
“Si Sandy?”nakita ko namang natigilan siya.
“Matagal na kaming wala.”
Magtatanong pa sana ulit ako kaso bigla niyang inabot sa akin yung hawak niya.
“Kaw naman magtry.” Sabay ngiti.
“Wag na. Baka sablay na naman eh.”
“Sige na. Malay mo magawa mo na diba?”
Tumayo naman na ako at tnry ko yung sinabi niya. Hinagis ko naman ito ng malakas kaso nung pabalik na hindi ko pa rin ito nasalo.
“Sabi ko sayo di ko pa rin kaya eh.”
“Ok lang yan. Itry mo pa.” Pinulot naman niya ito tapos inabot niya ulit sa akin. Ginawa ko naman ulit ito at nagulat nalang ako sa nagawa ko…
...nasalo ko na rin siya sa wakas.
“Kitam. Sabi ko sayo dadating yung araw na masasalo mo rin yan eh…”
At nagpatuloy lang kami sa paglalaro hanggang sa mapagod kami. Matagal na rin nung naging ganito ako kasaya. Kung pwede nga lang manatili nalang kami sa ganong sitwasyon habang buhay eh…kaso alam ko namang hindi pwede. It was then I realized one thing…after all of these years, I’m still inlove with him. :-\
All things must come to an end ika nga. At ang araw ng pagbalik ko sa states ay dumating na. It was a short time for me to spend only 3 days with my family and friends…especially with Andrei. Kahit gusto ko pang magtagal, alam kong hindi pwede. Hindi ko naman pwede pabayaan nalang yung trabaho ko na matagal ko pinagsikapan para lang matamo. They’re waiting for me there…and I know I must go back…
I thought he will come over to say goodbye but no, he didn’t. Since that day in the park, hindi na siya nagpakita ulit sa akin. I’m already in the airport, biding farewell to everyone whom I loved so much, but I know there’s still something missing. Naghintay pa rin ako sakanya hanggang sa huling sandali, nagbabakasakaling pigilan niya ako. Pero…wala pa rin.
I’ve boarded the airplane and still no sign of him. I went for my seat and cried all the heartache, thinking it was all over. But then…
“Ang mga babae di dapat umiiyak.” Sabay may nag-abot ng panyo mula sa gilid ko. Nagulat naman ako nung makita kung sino yun…
Umupo siya sa tabi ko at pinunasan yung luha ko.
“A-anong ginagawa mo dito?” ngumiti naman siya.
“Boomerangs always come back once you threw it away. And now it did came back, I will never let it go again.”
Naguluhan naman ako dun. Pero tska ko lang ito tuluyang naintindihan nung sabihin na niya ang mga salitang matagal ko ng hinihintay…
“I’m inlove with you, Umi…at hindi bilang isang kaibigan lang…” tapos niyakap niya ako.
Napakabilis ng mga pangyayari at di ko inaakala na matutupad ang lahat ng inaasam ko. Pero isa lang ang nasisigurado ko…masaya na ako.
“I love you too, Andrei…even before you threw me away.”

0 Comments:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Post a Comment