Sa Kanya

Alam naman niyang uulan pero hindi siya umalis sa kanyang kinalalagyan. Humigpit lamang ang hawak niya sa kadena ng swing. Wala na ang mga tao sa playground. Siya na lamang ang natitira.

Napangiti siya. Mas mabuti na iyon. Ayaw niyang may makakakita o makakaabala sa kanya.

Naririnig naman niya ang mga kulog. Mukhang mabigat na ang mga ulap. Ilang minuto na lang at uulan na. Mababasa na siya sa luha ng langit.

Tinulak niya ang sarili at nilasap ang pakiramdam ng kanyang pagsi-swing. She closed her eyes and savored. Minsan ay inihalintulad niya ito sa pagibig. She was swinging in between two opposite extremes of happiness and sadness.

Nakalugay ang mahaba niyang buhok at sigurado siyang sa kanyang puting damit ay mukha siyang multo. A giggle escaped her lips. Pero alam naman niyang napakaganda niyang multo.

Pumatak ang ilang droplets sa kanyang mukha. Nagsisimula na ang isang malakas at nakakalinis na ulan.

Tama lang yun, she thought, kailangan kong ialis lahat.

"Clara!"

Lumingon siya at nakita ang isang familiar na lalaki. Nakatayo ito ilang metro sa kanyang kinatatayuan sa likuran niya. Napangiti siya. But that was a bittersweet smile.

"Oh, Ryan, ba't nandiyan ka?" wika niya. Pero alam niyang alam ni Ryan na dito siya pupunta dahil dito sila laging naguusap at naglalabas ng mga sama ng loob sa isa't isa.

"Ikaw dapat ang tanungin ko niyan." Mataman ang titig nito sa kanya. Ngayon lamang niyang napansin na may bitbit itong payong. Hello Kitty ang tatak. Kanya pala iyon.

"Wag mo na itanong," nakangiti pa rin niyang sabi. She waited for his reaction.

"Umuulan." Ryan was still staring seriously at her. "Mababasa ka. Halika rito, makisilong ka na."

"Akin yan ah," sabi niya.

"Oo nga. Magkakasakit ka, Clarang bruha, kapag hindi ka sumilong." Paalala nito sa kanya. Lalong lumuwang ang ngiti niya. Ryan's old nickname for her still survives.

She shook her head and turned away. Paborito niyang pakiramdam ang ulan sa kanyang mukha. Nakakagaan ng loob. Nakakapayapa. Nakakapaglinis.

Hindi kumibo si Ryan sa likuran niya. Nandoon pa rin ito at pinanonood siya. He didn't seem to get tired from standing. She could see him in her mind with his handsome face schooled into a mask as well as the aching heart he was hiding beneath the mask.

Nagulat si Clara. Ngayon lang niya napagtanto iyon. Hindi siya masyado aware sa kanyang childhood best friend ng ganoon. Marami siyang alam tungkol kay Ryan pero ang kalagayan ng puso nito tungkol sa kanya ang hindi niya talagang alam.

She bit her lip. Kaya lang naman siya hindi pinipilit ni Ryan na sumama sa ilalim ng payong ay dahil alam nitong gusto niya ang ulan.

At ibang lalaki sana ang aalok noon para sa kanya.

The rain pounded on. Malapit nang maggabi pero hindi pa rin sila umaalis doon. Alam naman ni Clara na magkakasakit na siya pero wala siyang lakas upang umalis sa kinauupuan at sumama na kay Ryan pauwi.

"Clara," mahinang sabi ni Ryan "tara na."

Marunong naman itong lalaking ito na respetuhin ang personal space ng best friend. They've been together for so long he didn't know what it felt to be alone. Pero alam niyang may mga pagkakataong hindi niya kayang manghimasok kay Clara.

Kaya hindi niya sinubukang kausapin ito o i-comfort man lang sa mahabang oras. He knew she wanted him to be there but not really there. Masakit para sa kanya, oo, pero mauuna ang respeto sa kanya.

He walked towards her. Naging tahimik siya sa mga nakaraang minuto at natatakot na siya doon. Clara was never quiet. Nilalabas nito kung ano ang saloobin nito upang maibsan ang sakit. Hindi nito ugaling manahimik na lamang.

Tumigil si Ryan sa paglalakad noong nakatayo na siya sa likuran mismo ni Clara. Madilim na ang paligid. Gabi na pala. He stared at her with hurt tearing up his insides.

Nakatungo ito at ang kanyang mahabang buhok ay bahagyang itinatago ang kanyang mukha. Sa sobrang kahigpitan ng kapit niya sa kadena ay namumuti na ang kanyang mga kamay. At basang-basa na siya.

"Clara." Bulong ni Ryan at lumuhod siya sa isang tuhod upang tingnan ng mabuti ang mukha nito. "Please, look at me."

They had contrasting appearances but their hearts were one and the same.

"Hindi na niya ako mahal." Sobrang hina ng bulong nito pero narinig ni Ryan. Lumungkot lalo ang anyo niya. "Nakita ko siya kanina na may kasamang ibang babae. Tapos nagkunwari siyang hindi niya ako kilala. Nasampal ko siya..."

Naalala ni Ryan ang pangyayari kaninang tanghali. Nagpunta sila sa mall ni Clara kasi may kailangang bilhin ito at wala rin ang boyfriend dahil daw may appointment. Kagagaling lang niya sa pagbili ng ice cream nung masaksihan ang pangyayari. Tumakbo palayo si Clara pero alam na ni Ryan kung saan direksyon ito pupunta.

"Bakit ganoon? Minahal ko siya ng sobra-sobra, Ryan..."

She looked so beautiful and so sad with her wet hair framing her hair and raindrops on her eyelashes. Napakalalim ng kanyang mga mata at ramdam niyang patuloy siyang malulunod sa lungkot at ganda nito.

"Clara..." Lumuwag ang kapit nito sa kadena at unti-unting kumalas. Naging isa na ang kanyang mga luha at ang ulan. Kaya pala gusto ni Clara ang pakiramdam ng ulan sa kanyang mukha.

Lumuhod din ito sa putikan at hindi napigilan ni Ryan ang sariling hindi lumapit sa kanya upang yakapin ito. She was so cold and so wet and so sad. Hindi niya alam kung kaninong kalungkutan ang bumabalot sa kanyang kalooban. Matagal na rin niyang hindi nayayakap si Clara ng ganito; naamoy niya ang mabangong buhok at nararamdaman niya ang lambot ng katawan nito. Sobrang iba sa nakasanayan na niya noong bata pa sila ngunit mas gusto niya ito.

Yumakap na rin sa kanya si Clara at umiyak. Hinagod ni Ryan ang likuran niya at hinayaan na lamang na nakalapat ang mukha nito sa kanyang dibdib at nakakapit sa kanyang damit. Basa na rin sila pareho dahil nabitawan na ni Ryan ang payong noong yinakap niya si Clara.

"Bakit ba kung magmamahal ako ay lagi akong nasasaktan? Hindi na ba ako nararapat? Bakit niya ako pinagtaksilan? Ryan, sobra na eh... Ang sakit..." hikbi ng kanyang paboritong kaibigan "nagmahal naman ako ng tapat at totoo. Hindi ako dapat masaktan..."

"Shhh... Clara..." Hinagod na lamang nito ang buhok at likod. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Mas mabuti sigurong manahimik. "You'll be fine..."

"Hindi ko na kaya 'to... Paano na ako papasok sa school bukas? Maraming nakakakita sa ginawa ko... sa ginawa niya... Nakakahiya kasi matagal niya nang ginagawa ito sa akin and worse, nagbulag-bulagan ako. Naniwala akong mapapabago ko siya. Ang tanga-tanga ko pala, ano?

"Bakit kaya hindi mo sinubukang sabihin sa akin? Ka-barkada mo siya, Ryan, pero best friend mo ako... Bakit hindi mo ako ipinaglaban?" Her words broke his heart.

"Kung pwede nga lang sana eh, ginawa ko na. Pero naawa ako sa'yo kasi mahal mo siya. At alam kong hindi ka maniniwala hangga't hindi pa nangyayari sa iyo." Napapikit na lamang ang binata. Regret tightened it's hold on his heart. "You will go to school tomorrow. Tapos na iyon. Wala na kayo kaya huwag mo na siyang isipin.

"You loved because it was inevitable for you. Alam ko naman na matagal mo nang crush iyong si Mark eh. Minahal mo siya kahit hindi buong-buo iyon. Sorry na at hindi ko sinabi sa iyo na playboy iyon. I knew you won't last long and you would get hurt too. Ano pa ba naman ang magagawa ko kung hindi abangan ang katapusan at sambutin ka?"

Humigpit ang yakap ni Clara sa kanya. Ngumiti siya kahit alam niyang umiiyak na rin siya.

"Best friends na tayo ng sobrang tagal, Clara." Ryan kissed her hair, all the while wondering why he reveled in their bittersweet embrace. "Kilalang-kilala na kita. Makakabangon ka at magmamahal ng iba... You'll be fine on school tomorrow. Hindi ka rin tanga kasi pinili mo akong best friend. That was the wisest decision."

She broke away from their embrace. He let her go reluctantly. Napahagikgik si Clara kahit umiiyak siya kanina. "Ang yabang mo talaga."

Natawa na rin si Ryan. "Eh, sa totoo naman. And yung sakit mo para sa kanya, bukas wala na."

"Parang ganun kadali." Nagtaas pa ng kilay si Clara. She looked so adorable to Ryan's eyes. "I mean, we were together for at least seven months. Hindi ba siya nararapat iyakan?"

"Hindi pa naman patay yung gagong yun. Wag na. At drama mo lang yun."

"OA ka naman. Hindi ako drama queen, ha." she said in mock-rage. He wanted so much to laugh and hug her.

"Anong tawag mo sa kanina?" ngiti ni Ryan.

"Drama." At sabay silang tumawa. Kanina lamang ay gusto niyang umiyak pero ngayong kasama niya si Ryan ay napakadali na ang pagtawa. They laughed until their stomachs hurt. It was so much fun to laugh under the rain. So much better than crying.

Pagkapatapos ay naalala ni Clara na napakaliit lamang ng distansiya ng kanilang katawan. Tumingala siya at napatitig kay Ryan. Mas matangkad nga pala ito ng ilang inches at gwapo naman pala sa malapitan. At ngayon rin lang niya napansin na he looked so handsome in that moment.

The rain had tousled his hair in a sexy manner and his eyes were laughing. At nakakaakit pala ng tingin ang mga labi nito. They looked so soft and inviting. Parang ang sarap halikan. At hindi rin niya malimutan ang pakiramdam ng yakap nito. She'd felt so safe and secure.

"Clara?" Pinukaw ni Ryan ang kanyang iniisip. She immediately dismissed her thoughts.

Ito ri Ryan. Kababata niya at best friend. Nothing more, nothing less.

Pero gwapo talaga siya. Namula ulit si Clara.

"Best friend and little sister pa rin kita kahit anong mangyari." Gusto tuloy ni Ryan sapukin ang sarili. Paano niya matatawag na little sister ito eh halata namang dalagang-dalaga na ito! Incest ang mangyayari sa kanila at hindi niya maialis sa isip niya iyon.

"Ryan?" bulong ni Clara. Nagulat si Ryan. Pumungay ang mga mata nito at tila nangaakit.

"Ano?" sagot niya. Bumilis ang tibok ng puso niya.

"Mahal pala kita." sabi nito.

Tumawa siya na parang nagaalangan. "Mahal din kita, Clarang bruha." There, another barrier.

Mas nagulat siya nang bigla nitong yinakap siya at hinalikan. Mabilis. Isa lang. Namumula ang mga pisngi nilang dalawa.

"Para saan yun?" tanong ni Ryan. Pakiramdam niya ay nakuha na niya ang gatepass sa langit.

"Wala lang. Gusto ko lang sabihin." sabi ni Clara. Nakangiti ito. Tumayo siya at tiningnan ang damit. Putikan na pala ang skirt ng kanyang white dress. She sighed and helped Ryan get up. Saka niya pinanood ito pulutin ang payong.

"Ryan," sabi niya at nagkatinginan sila "buhatin mo na lang ako pauwi."

He smiled. Matagal na niyang hindi nagagawa iyon para kay Clara. Iyon na ang matagal na nilang nakasanayan magkaibigan. Ever since she started going out with boys ay nabawasan na ang kanilang time para sa isa't isa. Lagi siyang naka standby mode para kay Clara. Pero hindi nabawasan ang kagustuhan niyang alagaan at mahalin ito.

"Sakay na." At sumampa nga si Clara sa likuran niya at walang problemang tumayo si Ryan habang pinulupot ng babae ang kanyang mga braso sa leeg nito. Nasa ilalim na rin sila pareho ng Hello Kitty na payong.

Nagsimula na si Ryan maglakad pauwi at buhat si Clara. Nakangiti rin naman siya. Kahit matagal na panahon ang dadaan, alam naman niyang mamahalin rin siya ni Clara. Sa halik nila kanina, alam niyang nangangako itong sa kanya na pupunta pagkatapos maka-recover sa break-up nila ni Mark.

She was asleep on his back. Tumitila na rin ang ulan. At alam ni Ryan na bukas ay magiging magkasama na ulit sila ni Clarang mahal na mahal niya.


 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures