Ang Pamana

RING!

RING!

RING!

May kamay na dumakma sa cellphone na nakapatong sa side table.

“hello?”

“na comatose ang papa mo.”

Bumalingkwas sa higaan ang lalaki dahil sa pagkabigla.

“ano?! P-panong nangyari?” lumakas ang pintig ng puso ng binata.

“inatake sya sa puso. Pumarito ka sa ospital, nandito sya.”

Nagbihis kaagad ang lalaki at dumampot ng prutas sa lamesa. Tumakbo sya palabas at pinaandar ang sasakyan.pinagnilaynilayan nya ang mga alaalang magkasama sila ng kanyang ama.

Sya si Alponso. Alpo for short. May speech defect ang ama nya kung kaya’t nung sabihin ang pangalan ng sanggol, ito na rin ang nairehistro. Madalas bwisitin si Alpo dahil sa pangalan nya. Hindi pa rin nagagawa ang sikat na produktong pang aso nung kapanganakan nya kung kaya’t hindi nya sinisisi ang ama nya. Galit sya sa produktong pangasong iyon dahil sa pagsira ng kanyang karangalan.

Dumating si Alpo sa nasabing ospital at hinanap ang kwarto ng ama. Matapos ang 30 minutes na pagsunod sunod sa mga turo ng direksyo ng mga staffs, lumabas si Alpo ng ospital.

“sa kabilang ospital pa pala”

Ng makarating sa tamang ospital, bumungad sa mata nya ang mga kaanak nyang nakayuko, nakahilera sa labas ng ICU.

“ehem.”

Sabay sabay na umangat ang mga ulo at humarap sa kanya.

“Alpo!” tumayo ang balahibo ni alpo ng maringgan ang boses.

“kuya Koy.”

Sinamahan sya ng kapatid sa loob ng ICU. “anong dahilan?” tanong nya sa kapatid.

“alam mo namang matanda na si papa. Naguulyanin na rin. Namasyal kami sa Tagaytay kahapo. Iniwan naming sya sa playground kasama ng mga bata. Nagulantang na lamang kami ng bumalik ang panganay ko’t nagsusumigaw “pa! si lolo!” nang aming lapitan si dad, nasa taas na sya ng ‘etreme slide’. Pinigil naming sya pero malayo kami. Kasabay n gaming pagtakbo ang pagsulong nya. Ng malapitan naming ang slide, dumulas sa harap naming ang nangingisay ngyang katawan. Mabuti na lang at hindi ganong hula ng madala sya dito.”
Tiningnan ni Alpo ang ama. Nahabag sya sa kalagayan nya.

“WAAHHH!!!” gulat ng dalawa ng buglang dumilat ang ama.

“ipatawag nyo si Atty. Chiu. Ipaasikaso ngayon din an gang pamana!”“pero dad, hindi ka pa patay!” katwiran ng dalawa.

“NOW NA!!”

Tumirik ang mata ng matanda at biglang pumikit. Inakala nilang patay na siya pero ng i-check ng doctor, comatose stage ulit. Inasikaso rin ng araw na iyon ang pagpapatawag sa attorney. Lumabas si alpo at nagpinta sa kalapt na playpark.

“papa… bakit ba kasi nagslide ka pa eh… Diyos ko, wag nyo muna syang kunin….kung— huh?” napatingin si Alpo sa swing. “si, Sam yun ha!”

Si sam ang bestfriend ni Alpo. Mula highschool, matalik na magkaibigan na sila. Nagkahiwalay nga lang sila ng dalawang buwan dahil na rin sa pagkaabala sa mga buhay buhay nila.

“hoy! Sam!”

Lumingon ang babae sa swing.

Tumayo ang babaeng may balingkinitang katawan. Maypagka maputi ang kutis, malaki ngunit mapungay ang mga mata. Hanggang balikat ang maitim nyang buhok, na sumusunod sa bawat lingon nya.

Iba magturingan si Sam at Alpo. Magbespren sila pero parati silang naggyegyerahan. Noon pa mang nag aaral sila, Madalas umuuwi ang dalawa na madumi ang damit at puro galos ang katawan. Kung iisipin hindi mo talaga sila matuturing na matalik na magkaibigan. Maliban na lamang kung makikita mo silang magtulungan kapag naaagrabyado na ang isa sa kanila.

“oh, Alpo! Kamusta ka?!”

Lumapit si Alpo sa swing. “na coma si papa. Inatake sa puso.”

“Ha?! K-ka-kamusta na sya? Ok lang ba?” humampas sa ulo ni sam ang malaking kamay ni Alpo.

“kung di ka rin naman dakilang tanga eh, hindi naman siguro ako sisimangot ng ganito kung ok lang si papa diba?”

Umirap sis am sabay paandar sa swing nya.

“ano bang ginagawa mo dito? Nagsiswing ka magisa. Para kang tanga.”


Ulit, p si Sam. “may hinihintay ako.”

“sino? Maalala ko, may kameeting nga pala ako! Hay nako… sino bang hinihintay mo?”

“kadate ko.”

Lumaki ang mata ni Alpo at tumingin kay sam.

“may kadate ka?!”

“h-huh, o-oo naman. Bakit?” nahihiyang sinabi ni Sam.

“ang galing. Sino namang matatag ang sikmurang makasama ka?”

Matagal na tumahimik si Sam. Hindi ito pinagisipan ni Alpo. Mayamaya, nagsalita sya.

“hindi ka nila pwedeng isama. Ako lang ang magiging lalaki sa buhay mo,” lumingon sya kay sam at tinuro ang noo nya, sabay tulak “tandaan mo yan."

RING!

RING!

“wait lang ha, hello? Ate Atihan, ….. ngayon na? sa bahay nyo? Para pagusapan ang mana ni papa? Sige,” tumayo si alpo. “Sam, aalis na ako. Sumama ka sakin.”

“Di pwede, yung ka-date ko?”

“di na darating yun! Tara!” sabay hila sa kasama.


Habang nasa sasakyan…..

“alpo nagugutom ako..”

“antakaw mo talaga. Kang tabachoy ka. Ayan, may prutas sa backseat.”

Dumukwang si Sam sa backseat para kunin ang sinabing prutas ni Alpo. Pero nang Makita,

“ano to?”

“tanga ka talag—“ lumingon si Alpo sa prutas. “p-papaya pala. Mali ng dampot, dibale, malapit na tayo.”

Maya maya, nakarating na sila sa bahay nila Atihan. Tinipon sila sa sala at naghintay sa pagdating ng attorney. Sa kanilan gpaghihintay,

“siguradong akong wala kayong dapat ikabahala. Dahil kahit naman sakin ipamana ni papa ang bahay na to, libre parin kayong bumisita.” Buong loob na sinabi ni Koy.

“wag ka munag magpakasiguro. Hindi ibibigay ni papa ang ariarian nya sa walang natapos na katulad mo.” Hirit ni Atihan ng nagpainit pa lalo ng ulo ni Nista.

“wag kang mayabang Atihan. Tandaan mo, ikaw ang blackseep sa pamilyang to!”

Ang kapal ng mukha mo!” sinampal ni Atihan si nista, ngunit napaurong si Nista kung kaya’t ilong lang ang tinamaan sa kanya. Bilang ganti, sinuntok ni Nista si Atihan pero napigil ito ni alpo.

“magtigil kayo!!”

Nagsitigil naman.

“bigyang kahihiyan nyo naman si papa! Hindi dapat tayo nagaagawan, kundi nagbibigayan!” tumayo si alpo at lumabas ng pinto. Nanahimik ang lahat. Walang nangahas basagin ang katahimikan. Sandali pa at muling bumalik para hilahin si Sam.

Nagpalipas sila ng hapon sa Baywalk. Nakaupo sila sa isang bench. Hindi napigilan ni alpo na mapasandal sa balikat ni sam.

“ayoko tong nangyayari saamin.. endangered si papa, nakakagulo pa kaming magkakapatid.”

Nagkadikit ang daliri ng dalawa. Unti unti, hindi nila namalayang interlocked na ang fingers nila.matagal na nanahimik ang dalawa. Lumubog na ang araw ng magsalita si alpo.

“ang tagal mong nawala. Alam mo, sayo lang talaga ako napapanatag, bespren…. S-sana.. palagi na alng tayong ganito…”

Tinanggal ni sam ang ulo ni Alpo at bumitaw sa kamay nya.

“bakit?!” tanong ni Alpo.

Tumulo ang luha ni sam. “ano ba talagang nararamdaman mo para sakin, ha alpo?”

Napakunot na alng ang noo ni Alpo.

“k-kasi, palagi mo na lang pinaparamdam sakin na mahalaga ako sayo pero palagi mo na lang akong sinasaktan. Kaya naisip ko, nagkamali ako.”
Hindi nakapagsalita si Alpo. Marami syang gusting sabihin pero hindi nya magawa.

“ngayon, ayan ka nanaman. Nat hindi ko na kayang manahimik. Gusto ko lang malaman, ano ba talaga?”

Hindi parin sumagot si Alpo.

“pinagsisisihan ko at ngayon ko lang nasabi to sayo. Pero kahit anu pa mang isagot mo, hindi na pwede.” Huminga ng malalim si Sam. “mamaya, makikilala ko na ang ipapakasal sakin nila mama.

Matagal na naghintay si Sam ng sagot ni alpo pero tahimik lang ito. Kung kaya’t tumakbo sya papalayo’t umiiyak. Walang nagawa si Alpo. Tinitingnan nya si Sam sa kanyang paglayo. Sa kalooblooban nya, nagsusumigaw sya sa pagpigil sa dalaga. Unti unti, lamong bumigat ang nararamdaman ni Alpo kung kayat ibinuhos nya ito sa pagsipa nya sa paa ng bench. Dahan dahang naglakad si Alpo, na kinikimkim ang sama ng loob, kasabay ng pagtitiis ng sakit ng hinlalaki sa paa.

Bumalik si Alpo sa papa nya. Sa kanyang pagiisa, pinag isipan nyang mabuti ang sinabi ni Sam. “hindi ko nga napansin, napaka saya ko kapag kasama ko sya.pero ano nga ba?”
Tumingin si Alpo sa ama nya.

“papa, hindi tayo close, pero aaminin ko, malulungkot ako pag nawala ka. Kahit siguro gano ka pa kawalang kuwenta, labs parin kita Pa…”

“ay kabayo!” gulat ni Alpo ng bumukas ang pinto ng ICU

“Kuya Koy, Ate Atihan, Ate Nista,” matagal na natigilan ang mga kapatid.

“alpo,” lumapit ang mga kapatid. “sorry sa inasal namin.”

Nagtaka si Alpo bakit kaya biglang bait ng mga ito sa kanya?


“alpo, tama ka, hindi dapat natin pinagaawayan ang mana.” Kahit papaano ay gumaan ang saloobin ni Alpo kung kaya’t nilapitan nya ang mga kapatid at niyakap.

“tama. Dapat hindi tayo nagkakagulo, dapat tayo ay nagbibigayan at nagkakasundo.”

“kung pwede lang bakit hindi?!” sinabi na may kahalong hinagpis ni Kuya Koy.

“aba! Hindi ako makapaniwala!” napaluha si alpo sa tuwa.

“sya nga pala, kaninoo napunta ang pinakamalaking share?”

“pantay ang hati ni papa.” Nangingiyak na sinabi ni Nista habang nakatitig sa amang nakahimlay.

“bakit ba ako nagging anak ng taong yan!!!”

Muling nagtaka si Alpo.

“bakit Ate Nista? Hindi ka ba natutuwa sa pamana ni Papa sayo’t ganyan pa ang pagtrato mo sa kanya?”
“che!” tumayo si Nista at lumapit kay Alpo.

“sino bang matutuwa pag pinamanahan ka ng utang ng ama mo?!”

“ha?!

Gulat na gulat si Alpo. “ibigsabihin, p-pamana ni papa ang m-m-m-mga”

“Utang nya.” Tinuloy ni Koy.

Katahimikan.

Tulad ng mga kapatid nya, nagsimulang lumuha ang matalim na mata ni Alpo sa ama nya.

Nung kinagabihan, abala si Sam sa paghahanda sa sarili para sa dinner nila ng fiancé niya.

Habang tinitingnan ang sarili sa salamin,

“hay, Sam, eto na.” huminga ng malalim. Sa kanyang pagbuga, pinilit nyang isama ang sakit na nararamdaman nya. Maya maya pa’t lumabas na sya sa kwarto at pumunta sa dining. Sa pagbaba nya ng hagdan, bumungad kaagad ang mukhang hindi nya inaasahang Makita.

“a-alpo?!” hindi maalis sa mukha ni Alpo ang paningin ni Sam. Ngumiti sis am at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Pero,

“ay kabayo!” nakalaktaw sya ng isang hakbang at saka nagpagulong gulong pababa.

Pagdating sa dulo, napahiga si Sam sa likod nya. Kaagad namang tumayo at nagpapoise.

“sam,”

“alpo. Bakit ka nandito?”

Nilapitan si Sam ng kanyang papa.

“pinagpaalam ka nya saamin.”

“ano po?! P-pero yung fiancé ko..”

Sunod na nagsalita ang mama nya. “hayaan mo na yon. Di rin kayo bagay eh. At isa pa, ngayon ko lang naisip na gugulo ang corporation pag pinagisa naming ang business nila sa atin.”

“isa pa,” dumagdag ang papa nya. “nandito naman si alpo. Hindi biro ang ginawa nyang paglapit saamin at mangahas na magsalita, gayong nakapagpasya na kaming dalawa ng mama mo. Patunay lang na totoo ang nararamdaman nya sayo.”

Hindi na nagsalita ang dalawa. Palihim na umalis ang matatanda, iniwan sina Alpo at Sam, tahimik, pero batid ang kaligayahan sa kanilang mga mata.

 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures