CHAPTER 26

"Ron... itatanong ko lang... mahal mo ba si Sachiko?"


"Ron... alam mo ba, pansin ko... may pagtingin ka kay Sachiko..."


"Kuya Ron, baki ansaya ng mga mata mo pag tinitignan mo si Ate Chi? May gusto ka sa kanya noh?"



Si Kyle... Si Erinn... Si Sam...
Napapansin nila yun... Bakit ako? Ant@nga ko! Bakit ngayon ko lang nalaman!

Pagkatapos namin mag-usap ni Steph eh umuwi na sya kasi bukas aalis na sila ni Carl... Ako naman pinag-isipan ko lahat ng sinabi ni Steph...

Noong una, hindi ko pa rin magetz...

Kinabukasan noon, hinanap ko si Sachiko... Wala sa school nya, wala kahit saan...

Kahit si Chiko... hindi ko makita. Isang linggo na ang nakalilipas, wala pa ring Sachiko.


Saka ko lang narealize na kung kelan wala na yung tao saka mo lang malalaman ang halaga nya...

ant@nga ko kasi! Why did I say such words to Sachiko... Nadala ako ng galit ko... Ano ba ang ikinagalit ko nung araw na yun? Sa tingin ko nagagalit ako noon sa sarili ko at hindi kay Sachi... naiinis kasi ako sa sarili ko kung bakit ganun yung nararamdaman ko, bakit lagi na lang nasa isip ko si Sachi, naiinis ako kasi hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ako...


Araw-araw, hinahanap ko sya pero wala... nagtatanong rin ako sa mga estudyante sa school nya pero hindi na daw napasok si Sachi...

Ngayon, hinanap ko sya sa buong syudad pero wala pa rin... tumigil muna ako sa isang lugar, ipinark ko yung kotse ko at isubsob ang ulo sa manibela...

bakit kung kelan ko na nalaman kung ano ang talagang nararamdaman ko sa iyo tsaka ka pa nawala? Bakit nung nandun ka lagi sa tabi ko dati eh isinasantabi ko lang tong nararamdaman ko. Bakit kung kelan ka pa nawala?!


maya-maya, inangat ko ang ulo ko at sinuntok ang manibela, "Shet! Sachiko! Asan ka ba?!"


kring... kring...


bell? ang pamilyar na bell! ayun ang tunog ng bell ni Chiko! tumingin ako sa kaliwa kung saan nanggaling ang tunog...


 :o :o


SH1t!


ST. CLAIRE HOSPITAL

*flashback*

"Sachiko, ano ba ang address mo?"

"St. Claire 107"

*end of flashback*




Shet talaga! Bakit ngayon ko lang narealize?! ang st. claire ay itong hospital at ang 107 ay room number... teka! yun yung room na tinitigan ni Sachiko nung araw na maospital si Sam!

Bumaba ako ng kotse ko at pumasok ng hospital, nagdire-diretso ako sa may room107..

Pagkabukas ko ng pinto...


"Huh?" asan si Sachiko? Bakit walang tao?  ???


"Excuse me?" napatingin ako sa isang nurse na tumawag sa akin, "are you looking for the former patient dyan sa room 107?"

"Ahmm.. opo."

May tinignan sya sa parang listboard ata nya yun, "Teka... Sachiko Ferrer ba?"

"Opo, asan na po sya?"

"Ahmm.. comataused patient sya..pero dahil kaming lahat ay nabigla ng magising sya last week ay inilipat namin sya sa St. Jude hospital para mas masuri sya at maalagaan ng maigi kasi may theory ang doctors na sa sunod na attack, eh baka hindi na sya makasurvive."

"Ano pong attack?"

"Heart attack. May sakit sa puso si Ms. Ferre, nacoma sya because of her heart attack."

kinuha ko lahat ng impormasyon sa nurse at pati room number ni Sachiko sa St. Jude's hospital at agad ng pumunta doon.


7pm na ako nakarating.


ROOM 72

kumatok ako at ang lalaki uling iyon ang nagbukas ng pinto.


"Ron Esguierra." nabiglang sabi ng lalaki.

"Kilala mo ako?"

"Ako si Renz, kuya ni Sachi. Oo, kilala kita. Nung magising si sAci ay kinuwento nya ang lahat sa akin."

ang lahat?

Pumasok ako ng kwarto at nakita ko si Sachiko, tulog sya. Na-miss ko ang mala-anghel nyang mukha.

"Maupo ka, marami kang dapat malaman." tumalima naman ako.

"Bata pa noon si Sachiko nung una ka nyang makilala..."

"Ha?"

"Nung araw na iyon, inaaway sya ng mga bullies sa may playground, nakita mong itinulak sya ng isa sa mga bullies, binato mo sila ng bato para lumayo. Tapos nung umalis na sila, nilapitan mo ang umiiyak na si Sachiko at binuhat ito at dinala sa may malapit na faucet at nilinis ang sugat nito. Ayon ang unang araw na nakilala ka nya."

Naalala ko na... sya pala yun...

"Eh bakit hindi ko na sya nakita pa pagkatapos noon?"

"Hindi naman kasi kami taga-dito dati, nagbabakasyon lang kami dito noon tapos bumalik na kami sa san pablo. Doon talaga kami nakatira. Nung nag-grade 5 na si Sachi, naging mapilit sya sa parents namin na dito sa manila mag-aral, gusto ka kasi nya talagang makita ulit. Nag-enrol kami sa Seiyuu academy, hinahanap ka pa rin nya, ang alam nya lang sa iyo noon eh ang buong pangalan mo. Isang araw narinig nya sa mga classmates nyang girls na pinaguusapan ka, di ba sikat ka sa mga girls? kaya ayun, nakarating pangalan mo sa academy namin. Doon nya nalaman kung saan ka napasok. Pumunta sya sa may tabi ng gate ng school nyo pagkaawas nya, tinitingnan nyang maigi ang mga mukha ng lalaking nalabas ng gate ng school nyo. hinahanap ka. Nalaman nya lang na ikaw ang lumabas ng may kaibigan kang tumuwag sa pangalan mo kaya simula noon, tuwing aawas sya ay pupunta agad sya sa tapat ng school nyo para lang makita ka. Kuntento na sya sa pagtingin na lang sa iyo, masya na syang nakikita kang masaya. It really takes one moment to be kind but the result can last forever, dahil sa pagtulong mo lang noon sa kanya, hndi ka na nya nalimutan. Kaya nga nung isang araw ng makita ka nyang mag-isa sa playground na malungkot at narinig nyang nagbanggit ka na sana matupad ang wish mo. Isang wish about sa girl na mahal mo. Nalungkot sya kasi nakita ka nyang malungkot pero wala syang magawa para mapasaya ka, gusto nyang magrant ang wish mo pero hindi nya alam kung papano. Naglakad lakad sya, hindi muna sya umuwi, gabi na noon, may nakita syang pusa at hinawakan ito at hinimas himas ang pusa, habang ginagawa yun eh tumingin sya sa langit at may biglang dumaan na shooting star, humiling sya sa shooting star... Hiniling nya magrant ang sampung kahilingan mo, pinikit nya ang mga mata nya at narinig nya ang tunog ng bell na nasa paa ng pusa at pagkatapos noon, hineart-attack sya at nacomatause na..."

"Pano mo nalaman ang lahat ng yan?"

"Ikinuwento sa akin ni Sachiko ang lahat... Pati na rin ang nangyari sa kanya habang nakacomatause sya...  Noon pa man, mahal ka na ng kapatid ko... Masaya ako kahit papano kasi nakasalimuha ka ng kapatid ko sa nalalabi nyang oras. Alam ko hindi naging maganda yung paghihiwalay nyo pero sana, magkasundo na kayo. Please Ron, pasayahin mo ang kapatid ko. Masama sa kanya ang maging emosyonal, makakaapekto sa puso nya. Pag inatake ulit sya, wala ng makakapagsabi ng kaligtasan nya." tumayo na sya.

"Sige, kaw na muna bahala sa kapatid ko. uuwi muna ako." dumiretso na sya sa pintuan at binuksan to pero bago tuluyang umalis....





"Ron, kahit anong mangyari, please wag mong uubusin ang 10wishes dahil ang kapalit nun ay buhay ni Sachiko."

 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures