CHAPTER 25

Maraming nangyari nitong mga nagdaang araw...


Pagkatapos nung ferris wheel incident, naging pusa na ulit si Sachiko at iniwan ako, san kaya nakatira yun?? Ah ewan. Eh di umuwi na din ako pagkatapos. Umuwi akong may baong kalituhan. Ewan, basta may gumugulo sa isip ko eh. haay...


Tapos nung isang linggo, ginrant ko yung 4th and 5th wish nya, dinala ko sya sa isang lugar na punong puno ng mga bulaklak tapos yung 5th wish nya may konek sa 4th wish nya, yun ay makapagpicnic, eh di nagpicnic kami. Ang suot nun ni Sachi ay isang yellow bestida printed with flowers with matching saklob(yung pang-feminine na saklob ha. salakot ba tawag dun?). Tapos nakasandals. Nakakapanibago si Sachiko... she looks prettier...  :o


Tapos, the other day, dinala ko sya sa tagaytay upang igrant ang 6th, 7th and 8th wish nya. Isinakay ko sya sa kabayo for her 6th wish, nasa unahan ko sya habang pinapatakbo ko yung kabayo, and she doesnt have any idea na pupunta na kami sa 7th wish nya, sa may waterfalls. Gusto nya kasi makakita ng waterfalls. Tapos sa tabi ng waterfalls ay isang bundok, hinanda ko na yung gear na dinala ko (syempre, prepared to) at sinimulan na ang 8th wish ni Sachi, which is umakyat ng bundok. Anweweird ng wishes ni Sachi noh? Ayun, umakyat kami. Nagkandahulog hulog pa kami. Nahulog pa nga sya sa akin.. eh erase that part. Basta ayun pagkatapos umakyat bumalik na kami sa townhouse tapos kinabukasan umuwi na kami. Nadagdagan na naman yung gumugulo sa akin.  :-[

Nagtataka siguro kayo kung nasan si Steph noh? Kahit ako nagtataka eh, kasi nitong mga nakaraang araw eh, hindi sya nagpaparamdam. Hindi nagtetext o nagpapakita. Tuwing tatawagan ko eh laging naka-off anf phone, pag naman pinupuntahan ko sa bahay nyaay laging wala. Ano na kayang nangyari kay Steph? Hindi kaya nakidnap? Eh ron! WAg ka ngang pessimist!  :-\

haay... andito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga at nakatitig sa kisame... haay... namimiss ko na si Steph...


tsaka si Sachiko..

"I wish na sana tumawag naman si Steph.."



Calling...

       Babes. ^_^

♪♪♪♪

turn around, turn around
and fix your eye in my direction
So there is a connection

I cant speak, i cant make a sound
to somehow capture your attention
I'm staring at perfection

take a lo--

♪♪♪

"Hello babes?"

"Babes?"


"R-ron..."

"Steph? May problema ba?"

"Magkita tayo tomorrow sa park. 2pm. Bye."



*end of call*


Huh? anggulo.  :-\

---------------------------

Nagpunta ako sa park na sinabi ni Steph pero...

 :o
 ???
 :o
 ???
 :o

Si Sachiko.. sinampal si Steph. ???



"Sachiko!!!" napatingin silang parehas sa akin, lumapit si Steph sa akin at umiyak.

"I don't know for whats her prob but she just slapped me with no reason."

"I have a reason! And youre the first one to slap me!"

"I didnt slap you!"

"You slapped me!" naguguluhan ako sa kanila.

"Sya ang nauna Ron!"

"Shut up Sachiko!" ewan. gulong-gulo na ako. Nabigla si Sachiko.

"Pero Ron..."

"Hindi ka dapat nanampal ng walang reason!"

"Hindi ko--"

"Wag mo ng pagtakpan ang sarili mo! nakita ko na sinampal mo sya..." oo. galit ako. hindi ko alam kung bakit.

"R-ron..."  :'( nagsimula ng pumatak ang mga luha ni Sachi.

"Stop using your tears para linisin ang kasalanan mo. Just say sorry to Steph, Sachi."

"Ayoko!"

"Bakit ba ang isip-bata mo?! Just say sorry!"

"Wala akong kasalanan! I dont have to say sorry to her."

"Then tell me why you slapped her?" napakislot naman si Steph.


"R-ron... ok na.. Tara na..."

"No steph. I want to hear her out kung bakit ka nya sinampal."



"Sinampal ko sya kasi niloloko ka nya Ron!"

"Anong sinasabi mo Sachiko?!"

"Hindi ka mahal ni Steph, Ron! Niloloko ka nya!"

lumapit ako kay sachiko...


*SLAPP!*

sinampal ko sya. Ewan. I dont wanna hear her out anymore.

"Stop saying those nonsense and lies!"

"Hindi ako nagsisinungaling!" umiiyak nyang sabi habang hawak ang pisngi nyang sinampal ko.

"I dont believe you! Just get a life Sachiko! Sobrang pakikialam na ang ginagawa mo sa buhay ko!"

"R-ron...'


"GET OUT OF MY LIFE!"

"sige gusto mong mawala na ako sa buhay mo? Sige, mawawala na talaga ako pero may isa ka pang  wish. Wish for it first."

"I dont need the wish anymore! Ewan ko Sachiko, lagi ka na lang nakikiaalam sa buhay ko eh. Wala ka bang sariling buhay na pedeng asikasuhin? lubayan mo na ako please?!"

"Hindi ako aalis hanggat hindi mo hinihiling ang last wish mo!"

"I just wish that you get out of my life Sachiko!"



pause.




"Kahit hindi pede yun, pero sige, as you wish." tumingkayad sya at hinalkan ang noo ko at tumakbo na palayo.

Ako naman, naiwang tulala.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako galit? Kanino ba ako galit? Ano bang ikinagagalit ko?


"Ron..." nabalik lang ako sa sarili ko ng hawakan ni Steph ang balikat ko.

"May... dapat na akong ipagtapat sa iyo..."




-------------------------------

"Totoo lahat ng sinabi ni Sachiko... Pinuntahan ako dito kanina upang komprontahin. Nung isang araw kasi... nakita nyang kasama ko si Carl sa mall..."

"Sinong Carl?"

"Ang ex-fiance ko..."

"Ex-fiance?! Eh college ka pa lang ah.."

"I'll explain.. Yes, college pa lang ako pero si Carl, graduate na sya and he got a good job, first boyfriend ko sya Ron, nagtagal kami ng 2 and a half years tapos nagpropose sya sa akin, sabi nya magpapakasal kami pagkagraduate ko kaya pumayag ako... P-pero Ron..." nagsimula ng magpatakan ang luha ni Steph, "Mahal na mahal ko sya Ron, pero isang araw nakita kong kahalikan nya ang bestfriend ko.. nasaktan ako ng sobra kaya umuwi ako dito sa pinas... Ayun nga, nung araw na hinalkan kita, naalala ko si Carl sa iyo... Oo, ginawa lang kitang panakip butas Ron,. I thought things would work out between the two of us. Pero hanggang little brother lang talaga tingin ko sa iyo, ititigil ko na sana Ron pero nung mapansin kong  nagkakalapit kayong dalawa ni Sachiko, nainis ako kay Sachiko kasi naalala ko yung ginawa sa akin ng bestfriend ko. Natatakot akong maagawan ulit. Tapos... last week, nagpakita sa akin si Carl, I was so shocked pero he explained everything na nung araw na makita ko sila ng bestfriend ko,it was not his fault daw, bigla na lang syang hinigit ng bestfriend ko according to him.. Hindi ko alam na matagal na palang may pagnanasa ang bestfriend ko sa fiance ko... ayun, hindi ko na napigilan ang sarili ko, mahal ko talaga si Carl, Ron. Kaya hindi ako nagparamdam sa iyo, hindi ko kasi alam kung pano magpapaliwanag pero kagabi naisip ko ng ipagtapat sa iyo kaya tumawag ako sa iyo kagabi. Balak ko na talagang ipagtapat sa iyo ngayon pero hindi ko kasi inaasahan na nakita pala kami ni Sachiko. Ron, I'm sorry. I'm sorry sa paggamit sa iyo. Babalik na ako kasama si Carl sa ibang bansa bukas.  Papakasal na kasi kami... Sorry talaga Ron..."


Ewan. Bakit wala akong makapang galit. Yung galit ko nga kanina eh nawala na. Ewan. Para pa ngang may tinik na nabunot sa akin... ewan ko. ewan.

"Ok lang..."

napangiti si Steph, "Sabi na nga ba eh.."  :)

"huh?"

"Ayus lang talaga sa iyo kasi dati alam ko na ako ang mahal mo, alam kong ako ang first love mo, nung mga bata pa tayo, alam ko na yun. Pero nung magbalik ako dito, oo ramdam ko mahal mo pa ako pero parang nawawala na sya. Sabi nga nila first love never dies pero dahil sa dumating ang true love mo Ron, eh unti-unting inililibing ng buhay ng true love mo ang nararamdaman mo para sa first love mo, ang nararamdaman mo sa akin." :)

"hindi ko maintindihan Steph..."

"Ant@nga mo kasi Ron, pakinggan mo puso mo..." pinitik nya ako sa may dibdib ko kung saan nakalocate ang puso ko, "Para marinig mo kung sino isinisigaw nito..."

"Steph... anlabo... hindi ko magets..."

"Ang hina mo talaga Ron... O sige, para sa madaling salita....








MAHAL MO SI SACHIKO." :)

 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures