-=CHAPTER 15=-

Janessa

Paggising ko nung umaga, ang una kong tiningnan ay ung orasan... At ang unang inisip ko... Gutom na ko... Kaya lang antok pa win ako eh.. Abah, 8 lang oh, anong oras na kame natulog ni horsey...halos 1 na win... shosyal, kumain lang kame habang nag-uusap...hehe...

Abah, teka...

Napabukas uhlet ung mata ko, tapos biglang tayo...Bakit parang may gumagalaw sa labas?

Dahan-dahan kong binuksan ung pinto, tapos sumilip sa labas...

"Biglang may box from outerspace
Nakita ko sabay kinuha ko
`Yung box from outerspace
Binuksan ko at nasindak
May picha pie sobrang laki
Tinikman ko within five seconds
Naubos ko parang mani"

My golay... Si horsey ba ung kumakanta na un?

Naglakad ako palabas, tapos pumunta sa kusina... My gush! Si horsey! Nagluluto! Tumayo lang muna ako dun sa may pinto, pinapanood sya -- tsaka nakikinig na rin sa kanya early morning na alarm clock -- este, kanta pala...

"`Coz now I love my picha pie
As long as I eat picha pie
I know I'll be alive
I want all my garlic beef
Pepperoni, double cheese
Ang picha pie, picha pie...Penge!"

Langya, aga-aga, yan ba naman kantahin...

Nung tinanggal nya na sa kawali ung sa tingin ko eh dapat na sunnyside-up na itlog (na mu~g scrambled eggs?), dun nya lang ako napansin...

Joshua: Oh, Nessy, gising ka na pala...
Ako: Sa lakas ba naman ng pagkanta mo, sinong di magigising?

Tukso lang...hehe...

Joshua: Hoy, maganda naman boses ko noh.
Ako: (umupo na para mag-almusal) Sige, sabi mo eh...
Joshua: Pa-deny ka pa dyan, in Lab ka rin naman sa boses ko...
Ako: Horsey, ang yabang mo... Sipain kita dyan eh

ding! dong!

Napatigil kaming dalawa.. Tumingin ako sa kanya... Sya naman, tumingin din sa'kin...

ding! dong!

Joshua: Ano? Makikipag-bato-bato-pick ka nanaman?

Haaaayyy, bubwit...

Tumayo na ko, tapos papalagpasin ko ba naman...bago ako tuluyang makalabas, eh guluhin ko muna buhok ni horsey...hehe...


Joshua: Oy, anoh ba?!?

Wahehe...tapos nun, takbo na palabas para buksan ung pinto... Pagbukas ko nung pinto, sumalubong kagad sa mukha ko ung three stooges!

Mark: Nessssyyyy!!!

Whoa!

Ako: Mark? Paolo? Ralph? Anong ginagawa nyo dito?

Hinayaan ko silang pumasok...

Ralph: La magawa eh... (tingin sa paligid) Nasan si Josh?
Ako: Nasa kusina... Kumakain... Kayo? Kumain na ba kayo?
Mark: Di pa!
Paolo: Mga loko! Kakakain lang natin eh!
Ralph: Eh gusto namin kumain nung luto ni Nessy eh...
Mark: Oo nga... (naglakad papunta sa kusina) Kung ayaw mong kumain, eh di wag...

Pagpasok nila sa kusina, tiningnan sila ni Joshua mula ulo hanggang paa...

Joshua: Anong ginagawa nyo dito?
Mark: (umupo sa tabi ni Joshua) Aba, binibisita ka...
Ralph: (umupo sa harap ni Mark) Di mo man lang ba kami na-miss?
Joshua: Bakit? May ka-miss-miss ba snyo?
Mark: You're mean!
Ralph: (tingin sa'kin) Janessa oh, inaaway kame...
Ako: (tingin kay Joshua) Joshie naman, dumadaan lang naman sila eh...
Mark at Ralph: (kay Josh) Behlat!
Joshua: Hmpf!
Naramdaman ko na lumapit si Paolo sa tabi ko... Tapos, napatingin sya dun sa pagkain sa mesa...

Paolo: Nessy, no offense... Ano yan? scrambled eggs ba yan?
Ako: Don't ask me, kakagising ko lang... Si Joshua nagluto nyan...
Mark: (biglang tigil nung fork na kumukuha ng egg) Si Joshua?!?
Ralph: (napatingin sa'kin) Di ikaw?
Ako: Nope..

Biglang inusog nung dalawa ung mga plato nila palayo...

Joshua: Mga kumag kayo! Walang lason yan noh!
Mark: Di na, kakakain lang din naman namin eh...

ding! dong!

Tumingin ako kay Paolo -- ang kaisa-isang matino sa apat na lalakeng toh...

Ako: May bitbit pa kayong iba?
Paolo: Hinde, wala na...
Ako: (lumabas uhlet para buksan ung pinto) Sino kaya toh?

Si Trixie kaya? Bumalik?

Nag-toktokitok ang aking heart sa sobrang kaba! Di ko nga lam kung bakit ngayon ko lang na-realize na baka nga bumalik si Trixie... Oh well, alangan naman di ko pagbuksan...

Ehto na!

"Ganda xa!!!"

Ganda xa?

Binuksan ko ng husto ung pinto, at voila! Kaharap ko ang vaklush na si Richie...kasama sina Arianne tsaka si Jodi...
Ako: Oh, naligaw kayo?
Jodi: Mag-yayaya kame sa pyerya sa Cembo eh...
Ako: (pinapasok sila) Pyerya?
Arianne: Yup... Sama ka... Dali, bihis ka na.
Richie: (tingin sa paligid) Nasan si fafa Joshie ko?
Ako: Nasa kusina... Nandun mga ka-tropa nya eh...
Richie: Really?!?!? May mga papables sa kusina! Yum!

Heheh... Richie talaga...

Sumunod kaming tatlo papunta sa kusina...

Joshua: (tingin sa'kin) Bakit nandito nanaman toh? (turo kay Richie)
Ako: Sinusundo nila ako..
Joshua: Bakit!? San ka pupunta?! Kala ko ba--
Ako: Relax... Pupunta lang kame sa pyerya...

Horsey talaga.. Naparanoid nanaman...

Napansin ko na biglang natahimik ung mga people sa kusina, at nakatingin sa'ming dalawa ni Joshua...

Ako: A-ano? Bakit?
Jodi: Abaaaahhhh...anong nangyari dito?
Richie: I smell something fishy-fish...
Mark: Ikaw ung naaamoy mo.. Di ka naligo noh.
Richie: Ay, gaga! Naligo ako noh! Bubble bath pa!
Ako: Nako, tama na nga yan.. (umikot na ko para lumabas) Maliligo na ko para makaalis na tayo...
Joshua: Oy, di ka pa nakain.
Ako: (tingin sa kanya) Sa labas na lang ako kakain..

Palabas na sana uhlet ako nang tawagin uhlet ako ni horsey...

Joshua: Wait lang!
Ako: Ano?
Joshua: Sasama ako...

Hmm?!

Ako: Bahket?

At again, nakatitig nanaman sa'min ang tatlong pares ng mata... Mukha ba kameng sine na sarap panoorin?

Joshua: Eh gusto kong sumama eh.. Bakit, masama?
Ako: Pyn...kung san ka masaya, eh suportahan ta ka...

Lumabas na ko para pumasok sa kwarto ko at nang makaligo na... Nakz, sasama raw si Joshie sa'min..

Wahsuz... happee-happe ka naman?


avah, op cors!


Eh di may manglilibre na sa'kin...
Janessa

Nasa pyerya na kami...Tagal maligo ni horsey kaya 11 na kami nakarating... Syempre, buntot sa'min ung tatlong makukulit na kaibigan ni Joshua... Baka raw kaseh may ma-miss nanaman sila... Ano bang na-miss nila na nangyari? Eh alam nanaman ng buong world na bumalik na si Trixie?

Ang drama naming walo, sakay dun sakay dito..wahehe... Kahit dun sa ferris wheel, aba, hinila ko uhlet si Joshua... Pahirapan pa!

Joshua: Ayoko nga! Eh kung bumagsak yan!?!?
Ako: (hila sa braso nya) Ano ka ba?! Sumakay ka na dati eh... Halika na!
Joshua: Ayoko!!!!!!!
Ako: Horsey!!! Dali na!!!
Joshua: Ayokooooooo!!!!

Langya, kulang na lang maglupasay sya dun eh... Pero syempre, ako pa rin nanalo...wahehehe...

Ako: (binitawan ung braso nya) Hmp! Fine!
Joshua: H-hala... galit ka na nyan?
Ako: Che! (ikot para sumakay na sa ferris wheel)
Joshua: Nessy! (humabol sa'kin) Ano ba?
Ako: Hmp!
Joshua: (sumunod sa'kin sa pila) Ehto na nga oh... Sasama na...

Nagpalakpakan sina Mark, Ralph at Paolo... hehe... I guess, alam na alam nila na ayaw ni Joshua na sumasakay sa ferris wheell... haha... 1 point for the home team...

Pero, di ko alam na mababawi pala ung point na un... Ang next na ride: roller coaster!!!

Waaaaaaaaaaaaaaaahhhh... mommmmmyyyyyy!!!!!

Joshua: (hila ung kamay ko) Tara na! Tara na! Tara na! Tara na!
Ako: No way! Gusto mo bang magka-heart attack ako?!?!
Joshua: Di yan! Dali na! (hila uhlet sa kamay ko)
Ako: Hell no!
Joshua: (tinitigan ako) Sandali lang toh, promise...Pleasssssseeeee....
Ako: You can't make me!!!

Gustung-gusto ko nang kumapit dun sa poste! Waaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh....

Joshua: Ayaw mo?
Ako: Ayoko talaga
Joshua: Sige na, Nessy... Pag di ka sumakay, uuwi na ko.
Ako: Eh di umuwi ka..Dala ko ba ung jeep?
Joshua: Langya, sungit mo!
Ako: Excccuuuuuuz-ze moi...mabait pa ko noh...
Joshua: (hila uhlet sa kamay ko) Halika na, sakay na tayo... Roller coaster lang toh! Pleaaassssssseeeee....
Ako: Ayoko talaga...

Tumingin sa'kin si Joshua sandali, tapos humarap sya kina Mark at Paolo na naghihintay sa'min habang nakapila na ung iba...kahit si Richie...

Joshua: (kay Paolo) Sige na, tol... Sakay na kayo... Samahan ko na lang si Janessa dito..

Hm?!

Mark: Sigurado ka? Akala ko ba roller coaster ang tanging buhay mo sa pyerya?
Joshua: Ayaw sumakay ni Janessa eh... Baka kung san pa toh mapadpad habang nandun tayo..

Hala! Anoh ba toh?! Guilt trip?!?

Kinuha ko bigla ung kamay nya, tapos hinila na sya papunta sa pila...

Ako: Paawa effect ka pa, sipain kita dyan eh... Halika na nga!

Nung nakaupo na kami sa roller coaster, waaahhhh, maluha-luha na ko sa takot...

Joshua: (ngiti sa'kin) Wag kang mag-alala, Nessy... Pag nahulog ka, promise...

Sasaluhin mo ko?

Joshua: Ako mismo magbabalita sa parents mo...
Langya ka!

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh hhhhhhhhhhhhhhhh.....

Pagbaba namin sa roller coaster, suz! na-shock ang lola moh! Avah, napaupo nga ako dun sa isang bench sa gilid... I can't bilib na sumakay ako dun?!?!? My golay! Nahulog yata puso ko dun sa isang loop dun!

Joshua: (umupo sa tabi ko) Enjoy noh?
Ako: Anong enjoy?! Eh sapakin kaya kita dyan!

Tumawa lang si Joshua habang naupo sya sa tabi ko, samantalang ung ibang people eh nag-ikutan sa iba't ibang booth... Maya-maya, medyo okay na ko... Nakahabol na ung hininga ko...

Ako: (tumayo) Tara na..
Joshua: San tayo?
Ako: Ehwan? Lakad lang tayo...

So, ahyun, lakad-lakad kame... Hanggang sa may makita akong shooting booth... Ang cuttteeee nung isang prize na teddy bear...

Ako: (lumapit dun sa teddy bear na nasa gilid nung booth) Wow, ang cute naman...

Ngumiti si Joshua... tinawag nya ung tao dun sa booth, nagbayad para maglaro... Nakz...1...2...3..4...5..6... Avah! Naka-abot ng 15 na ducks ang nabaril ng mokong! Langya, asentado!

At ang prize nya? Ung teddy bear!!!

Ako: (ngiti sa kanya) Wooowww... thank you...
Joshua: Para saan?
Ako: For winning that teddy bear for me...
Joshua: Ano ka? Bumaril ka nang sarili mo...

Nyeh... Kuripot talaga!

Naglakad na sya palayo... Handang-handa na nga akong sumugod para batukan eh... hehe... Angkinin ba naman ung teddy bear! hmp! Kuuuriiiiipottttt!!!
Janessa

Medyo gabi na kami nakauwi... Eh pano ba naman, nagpadaan pa sa mga bahay-bahay nila ung mga people para kumuha ng damit at sa'min daw sila matutulog... Imbitahan ba ang sarili... Kaya, ahyan, todo ahyos kame sa living room para magkasya silang anim...

Arianne: Kasya na kaya?
Ako: (tiningnan ung space) Di ko alam... Kung gusto nyo, ung isa, katabi ko na lang matulog...?
Mark: Ay ako! ako! Ako! Gusto ko!

Pak!

Joshua: (binatukan si Mark) Ul*l!
Mark: Aray naman...
Richie: Ay, ako na nga lang... Baka ma-rape pa ko dito eh!
Ralph: Ikaw? Baka kung ano pang gawin mo kay Nessy eh...
Richie: Ay, excuuuse me, di kame talo noh...
Joshua: Suuuuz, baka naman nag-ppretend ka lang na bakla para makalapit sa babae...

Haaayyy, pinagtripan nanaman si Richie...

Richie: (lumapit sabay ngiti kay Joshua) Ay nako, papa Josh... Kaw naman, kung gusto mo kong katabi, eh sabihin mo lang noh...
Joshua: (napa-stepback) Weh! Di na noh!

Natawa ako... Tumayo ako para pumunta sa kwarto ko, kasama si Jodi na nag-volunteer na matulog katabi ko... Sa kwarto...

Jodi: Ang cute nyo talaga ni Joshua...

Ako: Anong cute? Eh lage nga akong pinagttripan nung kabayong un...
Jodi: Kaya nga kayo cute eh!

Heee?

Kumuha ako ng konting unan sa kama ko --yaman ko sa unan eh-- tapos binuksan ung pinto para ibigay dun sa mga tao sa labas...Napatigil akong bigla nang marinig ko kung anong pinag-uusapan nila sa labas...

Ralph: Eh anong gagawin mo, Josh? Bumalik na si Trixie... pero nandito na si Janessa...
Richie: Uu nga, fafa, sino ba lamang?
Joshua: B-bakit nyo ba ko tinatanong ng ganyan?!
Mark: Haaayyy, tama... Ganito talaga ang usual problems natin, di ba nga, Josh? Sa sobrang ka-gwapuhan naten, masyado tayong pinag-aagawan...
Joshua: A-ano? Tigilan mo nga ako, Mark.
Arianne: Pero sino ba talaga pipiliin mo, Josh?

Napa-take ako ng deep breath...Sasagot kaya si Joshua? Sino nga ba?

Joshua: Hmmmm... I suppose I can have them both, right?

Hmp! Anoh!??

Swwwooooosssshhhh!!! Pak!

Yan! Bull's eye sa mukha nya ung unan!
Have them both!?! Ul*l ba sya?!?

Richie: (napatingin sa'kin) Whoa, Ness, asentado ka pala! He was only joking, yah know?
Arianne: (pinindot-pindot ung braso ni Joshua) I think you killed him...

Nilapag ko dun sa banig ung mga unan, tapos umikot na uhlet pabalik sa kwarto ko...

Ako: Hmp! He deserves it!

 

1 comments:

  1. mi sense of humor tlg etong bebot na to.....

    ReplyDelete

Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures