CHAPTER 22

Sachiko's P.O.V.
*flashback*
Naman! kasi si ma'am! andaming pinaggawa sa akin. bilis, bilis! baka maabutan ko pa ang PRINCE CHARMING ko.

Atlast! andito na rin ako sa tapat ng school nya.

Tingin tingin sa mga nalabas ng gate. Tsk! bakit wala sya? Nakalabas na ata...  :(


"Hayy... Wala akong inspirasyon para bu--"


*boogsh!*


"Oops! sorry miss, ayus ka lang?" sabi nung lalaking nakabunggo sa akin at sabay abot ng kamay sa akin.

Ohmygawd! totoo ba to? Si prince charming ko!  :o

Inabot ko kamay nya at dahan-dahang tumayo.

"Ah..eh.. salamat."  :)


"Ron! bilis!" sigaw ng kaibigan nya sa di kalayuan.

"oo. papunta na!" sigaw nya din sa kaibigan tapos humarap ulit sa akin, "Sige miss, pasensya na talaga ha."

"Ron!!! Ano ba!"

"Oo na Kyle!"

"Sige ha.." sabay takbo palayo. Grabeh. ang gwapo nya talaga. >.<

At ang bait pa rin nya hanggang ngayon.

Hindi talaga ako magsasawang pagmasdan sya. Kahit araw-araw ko syang sulyapan ng palihim ay ayos lang. Kahit makita ko pa syang may ibat ibang babaeng kasama ay ayos lang. Ayos lang kahit hindi nya alam na nageexist ako. Ayus lang.

*end of flashback*



Ron's P.O.V

"Are you crying?"


*toot-toot*

Shet! ibinaba nya!

?Sinubukan kong tawagan ulit pero ini-off na ata nya! pakshemay naman oh!

-------


kamusta na kaya si Sachi? Hindi ko na sya nakontak kagabi eh..


*tunog ng bell pag awasan na (tinamad ng magsound epeks ang author eh)*


haay sa wakas! Awas na din!


Haay.. nakakalungkot, wala na si bestfriend. Hindi ako sanay ng ganto. Haay... Sino naman kasabay ko? Hindi naman pede si Steph, half day lang naman lagi yun. Baka nasa bahay na yun... Ayoko pa namang umuwi pero wala naman akong kasama, haay nako... Ah! Si Sachi! kakaawas lang din nun. Mapuntahan sa school nya, para na rin makamusta ko.




Sa tapat ng school ni Sachi...


nakita kong lumabas ng gate si Sachi...


"Sachiko!"


tumingin sya sa akin tapos ngumiti ng matamlay tapos naglakad na ulit. bumaba ako ng kotse ko at nilapitan sya, "Sachi!"

hindi pa rin tumitigil sa paglalakad. hindi ako pinapansin.

"Sachi.. wait lang.." hinawakan ko kamay nya para pigilan sya sa paglalakad. tumigil naman pero hindi tumitingin sa akin... ano kaya problema nito?  ???


"Sachi? Ano bang problema? Kagabi parang umiiyak ka tapos bigla mong binaba yung phone tapos ini-off mo pa... what happened ba Sachi?"


"Ron... naalala ko ng lahat..."


"Talaga? Eh di alam mo na kung nasaan katawan mo? Tara, balik ka na sa katawan mo."

"Hindi pa ubos wishes mo..."

"Huh? Required bang ubusin wishes ko para bumalik ka sa katawan mo?"

"Hindi..."

"hindi naman pala ehh.. saka na lang ako magwiwish.. tara, samahan na kita sa katawan mo.. nasaan ba?"

"Hindi na muna ako babalik Ron.."

"Bakit naman?"

"Basta.. pede wag ka na lang munang magtanong ng kahit ano Ron?"  :-[


mukhang upset talaga si Sachiko... hindi ko sya maintindihan pero sabi nya wag na daw muna akong magtanong.. i gotta respect her...

"Huh ron? where are you taking me?" hinila ko sya papunta sa kotse ko.

"Sa may peryahan.."  ;D

"Huh? anong gagawin natin dun?"

"Magpapakasaya! haha. ampanget mo na kasi eh, laging nakasimangot. Pag dun sa peryahan, happy tayo. Saka, igagrant ko lang wish mo.. " ;)

"Wish ko? alin dun?"

"Basta. Peryahan here we come!!" at pinaharurot ko na ang aking kotse. *broom broom* haha. may soundeffect pa eh noh?  :D

 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures