CHAPTER 23


"Wow! angganda naman dito sa peryahan. andaming tao. ang ingay. andaming ilaw. andaming rides. ansaya saya naman. " hahaha. nakakatuwa naman tong si Sachiko parang batang ngayon lang nakapunta sa peryahan. Pero infairness, effective sya ha! parang nakalimutan na ni SAchi na may problema sya. Grabeh, ayoko talagang nakikita syang ganun kalungkot. Parang ako din kasi yung nalulungkot pag ganun sya... bakit kaya ganun nararamdaman ko? hmm.. siguro, nagmamalasakit lang ako kay Sachiko kasi sya na ngayon ang bestfriend ko ngayong wala na si Kyle. dont get me wrong, bestfriend ko pa rin si Kyle, bestfriend number 2 si Sachi. hehe.


"Ngayon ka lang ba nakapunta sa peryahan?"

"Yep... ngayon lang." naglalakad-lakad kami ngayon dito sa may peryahan... Andami ngang tao eh..

"Talaga? Bakit ngayon ka lang nakapunta sa peryahan? Ako nung bata pa ako, lagi kaming nandito ni Kyle eh, lagi kaming nasakay sa mga rides. Ang saya. Kung nakilala na kita nung mga bata pa tayo sana naisama kita dito sa peryahan noon pa para nalaman mo na agad kung gano kasaya dito sa peryahan." grabeh, antahimik ata ni Sachiko? hindi man lang naiimik sa pinagsasabi ko? Anyways, tuloy pa din ako sa pagimik, baka nakikinig lang muna to kaya hindi naimik...





Grabeh.. kanina pa ako nagsasalita ng nagsasalita pero bakit para talagang wala akong kausap, hindi naimik si SAchiko...

"Sachiko? Nakikinig ka pa ba?"


Walang sagot.


"Sachiko?"


WAlang imik.


"Sachi---" pag baling ko sa right ko----  ??? ???  :o :o :o



TAE! wala na si Sachiko! asan na yun?!!!



"Sachiko?! Sachiko?!!"" hinahanap ko sya. punta dito, pasok doon. Asan na ba si Sachiko?? Andami naman kasing tao... Aggh.. Nasaan na yun? Baka naliligaw na yun? Eh sabi pa man din nya ay hindi pa sya nakakapunta sa peryahan.. naman oh! asan na ba yun!



"Sachiko?!!!!"



"Miss, miss.. may nakita po ba kayong babaeng ganto katangkad (minuwestra ko yung tangkad ni sachiko), tapos maputi, tapos may pagka-cat eyed, hanggang dibdib ang haba ng buhok na tuwid at itim na nakataling ganto (minuwestra ko din yung pagkakatali ng buhok nya na yung taling may pigtail sa magkabila pero hindi lahat ng buhok nakapigtail, meron pa ring nakalugay), tapos naka-Seiyyu uniform?"

nagiisip yung babaeng tinanungan ko, "Ai.. sorry po.. wala eh.."


nagtanung tanong pa ako.. ano ba naman kasi yang si Sachiko, hindi pa nga kami nakakatagal dito sa peryahan, nawala na agad..


"May nakita po ba kayong ganung babae?" pagtatanong ko sa isang lalaki pagkatapos kong madescribe si Sachiko. Nagisip yung lalaki...


"Hmmm... teka... parang may nakita ako...."


"Talaga po?! Saan po??"

"Kung hindi ako nagkakamali.. nakita ko sya kanina-kanina lang sa may bakanteng lote dun sa likod ng mirror house na may kasamang tatlong lalake..."

"Lalaki?!!"  :o

"Oo, lalaki.. "

Takteng pusa yun!!! Sinong mga lalaki yun?! baka... oh-no!, "sige po, salamat po!"

Sabay takbo ko dun sa sinasabing mirror house nung mama... naman Sachiko.. anong trouble tong pinasukan mo.. kaw na pusa ka oh..


Nang marating ko na yung bakanteng lote sa likod ng mirror house... nakita ko si Sachiko, pinaliligiran ng tatlong panget na lalaki..


"Miss... Sumama ka na sa amin.."
"Ayoko nga... May kasama ako eh."  >:(
"Sino?! boyfriend mo? haha. iniwan ka na nun miss.. samin ka na lang sumama.."
"oo nga.. hamak na mas gwapo naman kami sa boyfriend mo miss.."
"Ahmm... weh.. hindi eh.. mas gwapo yun sa inyo ehh.. ampapangit nyo kaya!"  ;D
"ABA'T! Babangasan ko tong babaeng to mga pre eh!"  >:(





"SUBUKAN NYO LANG AT HINDI NA NYO NA MASISILAYAN PA ANG BUKAS!"



"Ron!" tumakbo sya, lalapit sana sa akin pero nahawakan ng isa sa mga panget ang buhok nya, "Aray!"

"Saan ka pupuntang babae ka?!"
"Dyan sa boyfriend mo? Nah.. sa amin ka na!"
"Uupakan lang muna namen tong boyfriend mo."

"Bitawan nyo sya mga pwet ng kabayo!" lumapit ako sa kanila..

"Pwet pala ng kabayo ha.. tingnan natin kung sino magiging pwet ng kabayo pagkatapos nito.."
umumbag ng suntok ang isa sa mga panget...


umilag ako, duling pala to eh. sabay suntok ko naman. jackpot! ayan, pinagtulungan na ako ng dalwang panget, yung isa kasi hawak pa rin si Sachiko.


umbagan dito, umbagan doon.


*pooksh*

*boomsh!*

*tooksh*

*bo-goomsh!*

*pakksh*



and the winner is..... ME!! haha. kala nila ha. kaya ko silang dalwa, hindi ko nasasabi sa inyo, nagtaekwando nga pala ako nung bata ako, blackbelter nga eh.  8)


"Oh ikaw naman panget." sabi ko dun sa may hawak kay Sachiko.

"Ai, papa.. ayaw na aketch.. babuush na lang papa..." sabay bitaw kay Sachiko at tumakbo palay, sumunod na din yung dalwang ugok.

Punyemas yung mga yun! bading pala!


Nilapitan ko si Sachiko, "Ayos ka lang Sachiko?"

"Yep."  :)

pumikit ako ng mariin tapos,"ANO KA BA SACHIKO! BIGLA BIGLA KA NA LANG NAWAWALA! ALAM MO BANG SOBRANG NAPRANING AKO AT NAGALALA NUNG HINDI KITA NAKITA! HALOS MABALIW NA AKO SA KAHAHANAP SA IYO DITO SA PERYAHAN! TAPOS NUNG MALAMAN KO PANG MAY KASAMA KANG TATLONG LALAKI PARA AKONG ROCKET NA NAGMAMADALING MAKAPUNTA DITO PARA MALIGTAS KA! SOBRANG NATAKOT AKO KASI HINDI KO ALAM KUNG MAABUTAN PA KITA DITO! BUTI NA LANG HINDI PA AKO NAHULI! SA SUSUNOD SACHIKO KUNG ALAM MONG HINDI KA PA NAKAKAPUNTA SA ISANG LUGAR NA TULAD NITO, WAG KANG HIHIWALAY SA AKIN!"


nang matapos ako, narinig ko na lang na humihikbi si SAchiko, napamulat ako... umiiyak sya.. nga pala.. tendency nga pala ni sachiko na umiyak pag sinisigawan...

"s-sorry.. h-hindi ko s-sinasadya.. ron..  :'(" sinasabi nya yun sa bawat pagitan ng hikbi nya.


"Sorry. Nakalimutan ko, ayaw mo nga palang sinisigawan ka." sabay higit ko sa kanya palapit sa akin. Niyakap ko sya ng mahigpit. "Nadala lang kasi ako sa emosyon ko, sobrang nag-alala kasi ako sa iyo. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama sa iyo. Tahan na Sachiko..."

nilayo ko sya ng konti sa akin tapos pinunasan ko yung luha nya na pumatak sa pisngi nya, "Tahan na please?"

"a-ayaw t-tumigil e-eh.." :'(


naman.. bakit ko kasi sinigawan.. bakit kasi ang OA kong magreact.. ano ba kasing nangyayari sa akin...


"Tara.. alam ko na kung pano ka patatahanin ULIT..." naalala ko nung unang beses ko syang paiyakin (see chapter ewan.. basta yung mga unang chapter nandun yung chapter na pinaiyak ko sya), napatahan ko sya dahil dun...

hinawakan ko kamay nya, napatingin sya sa akin, "Para hindi ka ulit maligaw, mahirap na eh. lalong dumadami ang tao, mabuti na yung hawak kita para alam kong andyan ka pa sa tabi ko."  :)


naglakad na kami.. sinusundan nya lang kung saan ang pinupuntahan ko..


sa isang bench, "Dyan ka lang ha.. sandali lang.. may bibilhin lang ako.. sandali lang to.."

"Okie." umalis na ako.



Sa isang cotton candy store...


"Kuya, pede magrequest?"

"Anong klaseng request bata?"

"Pede po bang bumili ng cotton candy sa inyo na rainbows ang kulay?"

"Ahmm... hindi kami naggawa ng ganun bata eh.."

"ganun ba? pero kaya nyo po ba maggawa?"

"Oo naman.. kaya ko, specialty ko ata ang cotton candy eh.."  8)

"Talaga po? kuya, request naman, gawa ka naman ng ganun, babayaran na lang po kita ng malaki."

"Sorry talaga bata."

"Naman oh.. please na po, malaki po talaga ibabayad ko, 1000pesos, igawa nyo lang po ako ng ganun.."

"Teka.. bakit ba parang importante sa iyong makagawa ako ng rainbow colored cotton candy?"

"Eh.. kasi.. po.. may isang tao... na..."

"para sa girlfriend mo ba bata?"

"ha? hindi po..."

"eh para kanino?"

"Sa isang kaibigan ko po.."

"Ah ganun ba.. mukhang ang espesyal naman nyang kaibigan mo na yan, akalain mo yun magbabayad ng isanglibo para lang makabili ng cotton candy.."

"Ehehe.. opo, espesyal po.. igagawa nyo po ba ako?"

"Hmm... gagawa ako kung sasabihin mo kung bakit espesyal yung kaibigan mong yun.."  ;D

anchismoso naman nitong tinderong to... pero di bale na nga, "Ano.. ah eh.. kasi, tong taong to... hindi ko alam eh, pero napapasaya nya ako lagi tapos ang gaan gaan pa ng loob ko sa kanya..gusto ko lagi syang nakikita, tapos napapangiti ako pag nakikita ko sya, tapos pag nalulungkot sya, nalulungkot din ako tapos gusto kong gumawa ng paraan para mapasaya sya, tapos napakaimportante nya sa akin.. tapos--"

"Tapos.. mahal mo sya."  ;D

"Waaa... hindi po.. may girlfriend po ako."

"Itapon mo na girlfriend mo. haha. peace tayo. haha. mukha namang mas mahalaga tong kaibigan mong to kesa sa girlfriend mo eh.."

"Ha? pano nyo po nasabi?"  ???

"Kung nakikita mo lang kanina ang sarili mo habang pinapaliwanag mo sa akin kung gano kaespesyal yung kaibigan mong yun.. sobrang seryoso ka.. para ngang kung titingnan kita eh parang wala kang girlfriend tapos nililigawan mo pa lang tong babaeng to.."

"Ha.. eh.. h--"

"anyhoo.. gagawa na ako. sandali lang to bata, haha. sige, habang naggawa ako, pag-isipan mo muna yung mga sinabi ko kahit malabo."  ;D

at nagsimula na ngang maggawa yung mama..


naguluhan naman ako dun sa sinabi nung mama... kayo ba naintindihan nyo?  ???

 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures