Tagalog Love Stories
Against All Odds 4


nakauwi na sila at last...bakit pa kasi kailangan maging ganito ung situation,kelan pa kaya
magbabago ung situation
nakahiga na ako kasama si crash...di ko siya pinapalabas sa room kasi nga ayaw nbi mama...ngayon
naisipan ko nlng na ilakad si crash sa park sa subdivision namin...

*park*

crash fetch!
takbo naman si crash paghagis ko ng bola niya...pero ung time na yun matagaltagal din bago siya
nakabalik kaya sinundan ko na siya..nakita ko siya na may kasamang ibang aso,and nagulat na kasi
alaskan malamute din ung dog,nandun din ung amo nung isang aso lalapitan ko sana kaso lumingon,
gulat nlng ako sa nakita ko...

IKAW!?   

pati ba naman breed ng aso pareho kami?

"aso mo to?"  

"oo,aso mo rin?"  

"yah si torpedo,babae siya pero gusto ko lng un ung pangalan"
halatang halata sa mukha niya na naiilang siya,i wonder why?

"ahhh...eto si crash,lalaki..."
bakit parang ilang din ako?

"ah ok...cute aso mo ah..."

"tnx likewise" 
ngumiti siya...habang hawakung leash ni torpedo...

wait is he blushing?

"nasa bahay niyo lng ba si crash?bakit parang di ko siya nakita kanina sa inyo?"

"nasa bahay lng siya,actually nsa room ko,ayaw kasi ni mama na nakikita siya na pagalagala
sa bahay kaya dun lng siya,di rin naman siya nanggugulo kaya ok lng din"

"ahh...eto din sa kwarto ko lng...di kasi sanay sa tao pero friendly pa rin"

"ahhh...hahaha"  

"WOW" 

gulat ung mukha niya di ko alam kung bakit para bang may biglang bumgsak na malaking puno at naging
ganun ung expression niya...

o bakit parang gulat na gulat ka ata?

"ah...eh...sorry ah...nabigla lng ako ngayon lng kasi kita nakitang tumawa simula nung
nagkakilala tayo,maganda ka pala kung ngumiti,you should smile more often"  

kinilig ako dun ah

"ganun?thanks..i think"   

"uhmmm..Rica,can we be friends?medyo masama kasi ung start ng pagkakakilala natin eh
and i would like to start over na maging peace na tayo,pls?"

payag ba ako?well,he looks sincere naman eh,ok na rin siguro gusto rin naman ni mama to eh,
kesa naman lagi nlng kaming nagtatalo
"well,ok...

"ta...tal...talaga?payag ka?yes!*ehem* hi! im Edmond Dominique Gatmaitan and it's really
a pleasure to meet you...   "

nagcourtsey siya...ang cute niya nung ginawa niya un taz inabot niya kamay ko...nagsmile lng ako sakanya,
nagbblush.. 

"and i'm Rica Jasmine Ybanez and its also a pleasure to meet you"
binigay ko sakanya kamay ko and he kissed it!parang kumuryente yung kamay ko hanggang sa braso ko...

"well then ms.Ybanez,can i escort you home?" 
taz inoffer niya sakin ung arm niya...kinuha ko naman...

gentleman rin pala siya 

"ok...like you have a choice anyway eh magkatabi lng bahay natin"

"o nga,and that's the best part of it" 
then he winked at me,nagsmile lng ako...ala rin naman akong masasabi eh...kinikilig na kasi ako..

rica bakit nararamdaman mo ba to?tama ba to?

             Naglakad na rin kami pauwi kasama sina torpedo at crash...pero di naman hanggang sa bahay
nakasabit ung kamay ko sa arm niya...tinanggal ko after a while and di rin naman siya umangal eh...at last
umabot din kami sa bahay namin...nag simple goodbye lng kami pagkatapos niya hingin ung number ko and
he went on his way na rin...
             Nagdinner na rin kami nina mama pero di ko sinabi sakanya ung nangyari kanina,baka kasi isipin niya
na pumapayag narin ako sa gusto niya...kaya after dinner nagpractice na ako ng violin..may terrace kasi sa
room ko and i leave it open pagnagpapractice ako kasi masarap rin naman ung hangin...i was playing that song
in the soundtrck in Forbidden Love matagal2 ko rin kasi sinepra un eh kaya ngayon im practicing to
memorize it...pagkatapos ko magpractice i heard a clapping sound...

huh??ano un??
lumingon ako sa labas ng terrace and gulat na gulat ako sa nakita ko... 
"galing mo talaga!!!"  


what the?
nasa kabilang terrace siya...terrace ng bahay nila...parepareho kasi ng design ung mga bahay dito sa subdivision namin kaya ganun...ang laki ng ngiti niya wyl pumalakpak,ako naman gulat na gulat,as in di ako makapagsalita,di ko alam kung kung magagalit ba ako o hindi...

"a..a...anong ginagawa mo jan??" 

"well,una bahay namin toh and pangalawa,eto kwarto ko" 

What!magkaharap pa kami ng kwarto?
"ganon?kanina ka pa ba jan?" 

"di naman masyado,narinig lng kasi kita kaya sumilip na ko..."

daming coincidences na to ah...
"ganun?uhmmm..favor naman,sa susunod wag ka na naman manggugulat ah"

"ginulat ba kita? obvious ba? ah...eh...sorry ah...di ko sinasadya"

"uhmmm cge ah...matutulog na ko gabi na rin kasi may pasok pa tayo bukas..." isasarado ko na sana ung pinto nung bigla niya akong tinawag uli...

"teka rica!"

napalingon ulit ako sakanya...para na siyang mahuhulog sa position niya eh...
"oy!magingat ka nga jan baka mahulog ka!"
wait!concern ako?

"ok lng ako...uhmmm...rica,pwede ba tayong sabay pumasok bukas?kita lng tayo sa may waiting shed...ok lng ba sayo?" 

sa mukha niya parang he's begging for a yes,pero cute ung face niya ah may pagka angelic...

"ahh..ehhh...o cge...bukas...gudnight..."     
bago ko masara ung pinto may nakita ako sa may baba...para may tao eh...kaya tiningnan ko nagtaka rin naman si edmond kaya sumilip rin siya...

"ano tinitingnan mo jan rica?may nakita ka ba?"

"ah..eh...wala...akala ko lng may tao...cge gudnight ulit"

"ah ok...cge gudnight din...sweetdreams"

halos magkasabay naming sinarado ung pinto...pero kahit nung nakahiga na ako,di ko pa rin maalis ung taong nakita ko,parang familiar kasi sakin ung taong un eh pero di ko ma point out kung sino...inalis ko nlng un sa isip ko at natulog nlng ako,for sure marami nanamang ikkwento si Hazel sakin...

*sa waiting shed*

pagdating ko dun nandun na si edmond...nakatayo lng siya..mukhang fresh siya sa mukha niya lalong gumagwapo...
alisin mo na nga yan sa isip mo rica!uhhh!
lumingon siya sakin pagdating ko...

"gudmorning!musta tulog natin?   "

"morning din...ok lng naman"
di ako tumingin sakanya...di ko alam kung bakita pero naisip ko ulit ung tao kagabi...di ko pa rin kasi maisip kung sino ung taong un...

"ok ka lng ba rica?"concern ung mukha niya habang tinitingnan ako...

"yah ok lng ako... " tumingin ako sakanya wyl smiling...

"sabi mo yan ah...basta remember this lagi lng ako nandito para sayo,ok?"

again?ano daw?

bago pa ako makasagot may jeep nang dumating..kaya sumakay na kami...medyo maraming tao ngaun kaya magkatabi kami umupo...tahimik lng kami and i cant help wondering...
ano kaya iniisip niya...

Edmond's POV

nakatingan lng ako sakanya..nasa harap ko kasi siya nakaupo at kahit likod niya lng ung nakikita ko,tinititigan ko pa rin siya...
ano kaya iniisip niya ngayon?parang may bumabagabag ata sa isip niya ah...haaay...ang dami kong gustong sabihin sayo rica pero di ko pa kayang ilabas baka kasi isipin mong niloloko lng kita...kagabi pa ako di makatulog kakaisip sayo... hayyy...ngaun ko lng talaga to nararamdaman...Rica Ybanez,am i inlove with you?

dumating na rin kami sa school,at nung nakapasok na kami tinanong ko kay rica kung san ung principal's office and i went on my way...papunta na rin kasi siya sa class niya...di ko maiwasan na mapatingin sakanya wyl paalis na siya...

sana malaman mo kung ano nararamdaman ko para sa yo rica,sana lng...

Rica's POV

dumating na ako at last sa room and just as i suspect andun na si Hazel kasama ang sangkatutak na kwento pati si james andun na rin...

"Rocky!!!!!!!!!!guess what?!"   hinawakan niya ung braso ko...ang sakit sobra!

"aray naman ang sakit,Haz...and last i checked hindi ako manghuhula ano!ano ba un"  inalis ko na ung kamay ni hazel habang hinihimas ko braso ko...ang sakit kasi...sumabat si james bago pa makasagot si hazel...

"asus!yang bestfriend mo kasi may boyfriend na!hahaha   

"ha!?talaga?!sino?!   "

"edi sino pa edi ung nakikila niyang lalaki sa baguio,si arnold...hahaha    "

"bakit ka ba sabat ng sabat james ha!di mo naman kwento un ah! 

"hahaha ok lng un,haz,musta naman kayo ngayon?"
ang sama ng tingin ni hazel kay james para ba ung kakatain niya...hahaha class clown kasi si james kaya di makaiwas na manginis...
"ako din may sasabihin sa inyo" 

"o ano un?"

ayun kinwento ko sakanila ung nangyari nung weekend...

"wow!  rocky, i think you are destined for each other!"

"ano ka ba hindi ano,ayoko nga sa set-up nila mama eh..."

"ayaw mo nga eh bakit pumayag ka makipagkaibigan sakanya?hahaha dont worry rica,di mo mabbreak ung kasunduan natin pag siya naging boyfriend mo kasi naman mama mo rin naman may gusto" 

"pati ba naman kayo?!" 

"asus deny ka pa jan...may gusto ka rin naman du sa"tikbalang" mo eh...hahaha"

"ala akong gusto dun,ok?case closed!!!  "

"ok..sabi mo eh..   "

nagwink pa ung dalawa sa isat isa...
kakainis naman tong dalawang to akala ko pa naman kakampi sila sakin...
bigla nang pumasok ung mga epal na magkakabarkada..hayyy...para na ngang mga christmas tree ung mga mukha nito...ang dami nangang nakakabit sa katawan ang kakapal pa ng mga make-up...hahay...ang ingay nila nagyon parang may nakita nanamang lalaki tong mga toh...

hmmm...sino na naman kaya ang kawawang biktima ng mga toh?

maya:"did you saw that cutie cutie guy kanina?so grabe talga,i feel like im going to make himatay in front of him...hayy...papa cutie!he has to be mine talaga"

christy:did u know his pangalan ba,sister maya?i heard he's new here daw a transferee from the kabilang school... "

niki:"o nga,and you know what sis you and him are so bagay!   "

ano daw?new?transferee?di kaya si...?

maya:"i know na talagang bagay kaming both ano,you dont have to make sabi that,you make me hiya...  hahaha"

niki:"i heard sis na his name daw is...

ano pangalan? ano?
bago ko pa malaman pumasok na teacher namin...

"ok class this morning may bago tayong student and some of you may  already know him from baguio...class,meet mr.Edmond Dominique Saison..."

maya:"siya nga!!!wow!!!this is destiny classmates pa kami ngayon!!!"  

classmates kami?and si edmond pa ung pinagkkwentuhan ng mga bruhang to?sarap sapakin ng mga to ah...teka lng nagseselos ba ako?

 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures