Tagalog Love Stories
Against All Odds 12


oh my God!sino kaya may kagagawan nito? 

hawak ko pa rin ung note,di maalis mata ko dun pero nanginginig na mga kamay ko...sino naman kaya ung gagawa ng ganito?si Brad? pero imposible alam naman talga niyang di talaga ako naging sakanya,na laro lng ang lahat......

di kaya si---?

napansin din nila ung panginginig ko at halatang nagulat sila sa naging expression ko...

kuting?ok ka lng?  sabay akbay...

si...si...si...

di ako makapagsalita binitawan ko nlng ung note sa table,nanginginig pa rin ako...kinuha naman agad ni Hazel...

Rica!baka si andrew toh!  sabay bigay kay Ed ung note...

di ko alam...di ko alam! 

napaiyak na ako sa takot...di lng para sa sarili ko pati na rin kay Edmond...kung si Andrew talaga yun at totoo ung balita tungkol sakanya hindi imposibleng sasaktan niya ung mga taong mahal ko...lalo na si Edmond...

Rica,dont worry,di ka niya malalapitan nandito ako,poprotektahan kita..

hindi naman un ung kinakatakutan ko eh...alam ko naman na kung si Andrew man yun di niya ako kayang saktan,pero natatakot ako sa pwede niyang gawin sa mga taong malapit sakin...lalo na sayo... 

di kayang saktan??niloko ka na nga niya diba?di ba sinaktan ka na niya nun?  a bit mad...di kay Rica but kay Andrew...

tama si Rica,Ed, sa pagkakakilala namin kay Andrew di niya kayang saktan si Rica,physically nga lng...Rica,may point din si Edmond,wag mo na sanang paniwalaan na hindi ka kayang saktan ni Andrew kasi nasaktan ka na niya dati, and although hindi physical ung ginawa niya sinaktan ka pa rin niya...

napayuko lng ako...alam kong may mga point sila...di ko alam kung anong nararamdaman ko...naniniwala pa ba ako hanggang nagyon sa pangako ni Andrew sa akin dati na di niya ako sasaktan?if i am,may nararamdaman pa kaya ako sakanya?wag na naman sana...mahal ko si Edmond at sigurado na ako dun...

Rica,gusto mo na bang umuwi?baka gusto mo munang magpahinga?

o...o..si..sige.... 

hatid na kita,isang class lng naman ung mamimiss ko eh..

ok cge...magiingat kayong dalawa ha...


umalis na din kami...habang pauwi kami di ko pa rin maiwasang isipin ung tungkol sa nararamdaman ko para kay Andrew...mahal ko pa ba siya?o dahil lang yun sa awa ko sa balitang natanggap ko tungkol sakanya?ewan ko ba!

tahimik kaming pareho habang naglalakad kami papasok ng village...ilang sandali binasag na din ni Edmong ang katahimikan...

Kuting,naaalala mo ba yung una tayong kumanta?ung sa Baguio?

mmmm...hmmm...bakit mo naman natanong?

wala lng..masarap lng balikan yung alaalang yun...wish ko nlng ngayon ay tayo yung magrerepresent ng school natin sa international music event...after na mangyari un,ang gusto ko nlng mangyari ay yung makasal tayo... 

ganun?layo na ng pangarap mo ah!4th year highschool pa lng kaya tayo...hahaha

bakit?masama bang mangarap?bakit?ayaw mo bang magkatuluyan tayo in the future? 

siyempre gusto...hehehe  sabay hawak ng kamay ni Edmond..

kita mo na?edi napatawa din kita...hehehe
   

ikaw talaga...halika na nga...  



at last nakarating na rin ako sa bahay...nagmerienda kami sandali ni Ed sa bahay namin at pagkatapos umuwi na rin siya...may lakad daw kasi sila ng papa niya eh...si mama naman di pa nakabalik kaya ako lang mag isa dito sa bahay...well...kasama si Crash of course...


RRrrrIIIIiiiiiNNNNnnnnnGGGggg!!!!!!

nagring yung phone...

baka si Hazel toh,nangungumusta...
hello?

uhmmm...hello?may i speak with Rica Ybanez pls?

mukhang nanginginig tong babae ah...bakit kaya? 
speaking...may i help you?

Rica,im Jessa Miranda,im the sister of Jazel Miranda...

Jazel Miranda?pamilyar sakin yung pangalang yun ah...san ko nga ba narinig yung pangalang yun...?
uhmmm...sorry po..ala po akong naaalalang Jazel Miranda eh...

Jazel Miranda was the one who got pregnated by Andrew Sanchez...

ha?! :okaya pala pamilyar sakin ung pangalan niya...nagpakilala pala siya sakin nung sinugod niya ako...
po?!  eh ano po bang kailangan ninyo sa akin?

may gusto lng akong iparating sayo na alam ko din na gustong iparating kay Jazel sayo...

ha? e bakit po di nlng si Jazel mismo ang magsabi sa akin nun?

biglang natahimik si Jessa...pero naririnig kong para siyang umiiyak sa kabing linya...

ate?ok lng po ba kayo? 

napahinga siya ng malalim at saka nagsakita muli...

as much as she wanted to tell you this,di na niya pwedeng gawin yon... 

ha?e bakit po ba? 

that's because she's dead...


pinatay siya ni ANDREW SANCHEZ!!!

pinatay ni Andrew?is this a scam? 
uhhh...sigurado po ba kayo?baka kasi di yan totoo eh,mahirap naman pong paniwalaan yan...

nasa sa iyo lng kung gusto mong maniwala o hindi,winawarningan lng kita...pag nagpakita sa iyo si Andrew wag mo siyang pagkatiwalaan...

pero po---
*Click*

wala na...binaba na niya yung phone...

napatunganga lng ako,di ko alam kung anong iisipin ko...kung maniniwala ba ako o hindi...sa sinabi din nina Hazel sakin,matagal nang nandito si Andrew di kaya siya yung laging tinatahula ni crash?o ung taong lagi kong nakikita pag dumudungaw ako?yan ang di ko pa masasagot ngaun...

dumaan na ang mga maghapon at di pa din dumadating si mama,kami lng ni crash ang magkasama dito sa bahay,sobrang bored ako kaya nagpunta nlng ako sa living room at nanood ng tv...

*Beep*Beep*

from:mama
Quote
Hija,matatagalan pa ako ng uwi,mauna ka nlng magluto at kumain at baka umagahin pa ako ng uwi...

ganun?kakainis mag isa lng ako dito sa bahay?! 
haaayyy...kakainis naman toh...kung kelan parang delikado na buhay ko saka naman wala akong kasama...well,at least nandito si crash...

*knock**knock*

sino kaya yun? 
teka lng...

papunta na ako sa pinto..kinbahan ako ng konti nun pero thank God si Edmond lng pala...

oi!tigger,kaw lng pala...lika pasok ka...

pumasok si Ed at sinundan ako papuntang kusina...

o bat parang may problema ka ata? 

ala naman eh...pwede mo ba akong tulungan magluto?
sabay abot sakanya ng plato at gulay...

o naman...and dont try to change the subject...kilala kita,di magiging ganyan yang mukha mo kung ala kang problema ano...

nabasa na naman niya ako...kelan kaya mangyayari ung di niya ako mabsa...

ala na akong lusot dun kaya sinabi ko nlng kung ano ung naging phone conversation ko with Jessa Miranda...and as expected nagalit siya...

wag ka na magalit jan,prank call lng naman siguro un eh...

prank?un ba tinatawag mong prank?tapos pati ba ung letter na natanggap mo prank din...mahirap naman atang paniwalaa un,Rica..

prank man un o hindi,wag kang magalala kasi hindi un lalapit si Andrew sakin... 

at pano mo naman nalaman yun?pati nga ikaw hindi sigurado eh...

basta alam ko...just trust me ok?

ok...sabi mo eh...

halatang galit pa rin siya...tumahimik nlng ako para di na lalong lumala ung init ng ulo niya...nagluto kami ng dinner ng sobrang tahimik...nagpaalam din kasi siya sa parents niya na dito na muna siya samin...hinanda ko na ung mesa para makakain kami...siya na ung kumuha ng ulam...

*knock*knock*

sino kaya un?may hinihintay ka bang tao? gabi na ah...

o nga eh...wala naman...baka si mama lng un...nakalimutan lng siguro niya ung susi niya sa bahay...teka lng ah...buksan ko muna ung pinto...

ok...

*knock*knock*

anjan na!
masyado namang aporado toh...
binuksan ko ung pinto...at napatulala lng ako sa nakita ko...di ko inaasahan na makita ko pa siya...nandun lng siya sa may pinto,nakatayo at nakangiti…….Andrew?? 

 

0 Comments:

Post a Comment



Post a Comment


 

Gusto mo ng PINOY JOKES at mga swabeng PAMATAY NA BANAT at FUNNY PICTURES??Banat at Funny Pictures